Chapter 12: Levi the Dual Blader

3.5K 203 8
                                    

|Zenotia City South District|
(Commercial District)

"Sya ba yong nakapatay sa unang Worgan?"

"Siguro, kita mo naman may mount na Werewolf"

"Idol!"

Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng bulungan sa paligid. May mga players na nakatingin sa amin at kusa silang tumatabi sa daraanan ng mount ko.

Nakasuot ngayon ang hood ng aking robe kaya di nila kita ang aking mukha. Isa pa may suot akong Black Mask dagdag hiding effect.

Teka, 100% na ang hiding ng Night Shadow ko. Tapos 10% ang hiding ng Black Mask. Edi 110% na ang hiding ko? Ano pang nakikita nila?

Kami lamang ngayon ni Chadeia ang magkasama. Wala si Lay, nasa sarili niyang dimension, nagpapahinga. Napagod ata sa laban namin ni Triple Unknown.

Speaking of Walanghiya, nagmessage ako kanina kay Levi. Sinabi ko sa kanya na nakaharap ko si Triple bwisit sa kweba ng Worgan. At ngayon magkikita kami sa Central District.

"Walang pangalan, walang level at walang icon, ano ka cheater?"

Kumunot ang noo ko nang may isang grupo ng kalalakihan ang humarang sa aming daraanan. Tatlo sila at pawang may magagandang set ng armor.

"Sila yong guild na nampi-PK diba?"

"Oo, ang No Mercy. Mas kilala bilang Nome."

Player Killer? No Mercy? Nome? Pssh!

Humakbang pauna ang nagsalita kanina. Ito ata ang leader nila.

"Sabihin mo, cheater ka ba?"

Kung sabihin ko kaya sayo na nakaharap ko na ang totoong cheater, maniniwala ka ba?

Yan ang gusto kong sabihin sa kanya. Pero CONFIDENTIAL ang tungkol sa Triple na yon. Confidential sa ngayon.

"Hindi." tipid kong sagot.

Tinapik ko ang katawan ni Chadeia para ipagpatuloy ang paglalakad pero humarang ang dalawa niyang kasama kaya napahinto muli kami.

Napansin ko na madami nang tao ang nanonood sa amin. Tahimik lamang sila habang pinagmamasdan ang pwedeng mangyari anumang oras ngayon.

"Sabihin mo, ikaw ba ang nakapatay sa isang Worgen?" tanong niya patungkol kay Dred.

Nagfocus ako sa ulunan nilang tatlo.

«Hansel»
Lvl. 29

«Asher»
Lvl. 27

«Vandal»
Lvl. 19

»Spy« (65%)
-allows you to see the real status of one player despite of his/her hiding rate.

Si Hansel ang leader nilang tatlo, kulay pula na ang kanyang icon. Samantalang dilaw naman ang kina Asher at Vandal.

"Oo ako nga, bakit?"

Halukipkip siya at biglabg ngumiti. "Gawin nating mabilisan lang. Alam naming ikaw ang dahilan ng Server Notification kanina. Di ba?" tanong niya sa nga nanonood na ikinatango nila.

"Oh?"

"At alam din naming lahat na matindi ang rewards na makukuha kapag nakapatay ng isang Worgen."

"Ang dami mong pasakalye, diretsuhin mo na nga." inis kong wika sa kanya. Sigurado akong kanina pa naghihintay sa Central District si Levi.

"Sige, para di ka na maabala, ibigay mo na lang sa amin ang mga nakuha mo. Para di ka na maabala."

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon