|Central District|
(Forest District)Nandito kami ngayon ni Levi sa Central District. Isa sa distrito ng Zentotia City. Ang distritong ito ay walang kagusa-gusali. Tanging mga puno lamang.
"Antindi mo pala Valk. Nagamit mo lahat ng skill mo sa cheater na yon." pamumuri sa akin ni Levi matapos mapanood ang aking gameplay.
Nakaupo siya sa sa isang malaking bato hindi kalayuan sa aking pwesto.
Sa pinakapusod nitong gubat, mayroong malaking fountain. Crystal clear ang tubig nito. Sa sobrang linaw, para ka lamang nananalamin.
"Sabi niya magkita na lang daw kami sa event." lumapit ako sa fountain at umupo rito. Sininawsaw ko ang aking kamay dito. Ramdam ko ang katamtamang temperatura ng tubig.
"Ibig sabihin, hindi niya nga alam ang ating plano."
Tumayo siya mula sa bato at lumapit sa fountain. Inalis niya mula sa sheath ang pareho niyang katana. Isinawsaw niya ang kanyang espada dito at nilinis.
"Hahaha, doggy..."
Lumingon ako kay Lay, masaya siyang nagtatampisaw sa tubig ng fountain habang nakikipaglaro kay Chadeia. Basang-basa ang armor ngayon si Lay pero di niya ito iniintindi. Patuloy lamang siya sa pagligo. Naunlock ko na ang isang mode ni Chadeia. Ang pet mode.
"Hindi ko alam. Pero kilala ka nya." wika ko sa kanya.
Nang matapos niyang linisin ang kanyang dual katana, nilagay na niya ito sa sheath. O yong lagayan nito.
"Kung ganon, sa event na nga lang natin siya gagangbangin."
Muli kong pinanood si Chadeia at Lay. Parang bilot na aso ang itsura ng petmode ni Chadeia. Kumbaga bumata lang siya pero ganon pa din ang features niya. Orange ang mata tapos mabalahibo. Pero ang kanyang kadena, ay lumiit at naging kwintas.
"Oo, at sa panahon na yon, sinisigurado kong wala nang cheater sa game na ito." taas noo kong wika sa kanya.
"Gusto mo party tayo?" tanong niya na aking ikinitaas ng kilay.
"Party? Wag na, mas gusto kong magisa."
Kaya ko gustong magisa para mabilis magpalevel. Solo ang reward, loots at experience. Kapag may kaparty, nahahati ito.
Mabilis din namang magpalevel pag may kaparty. Mabilis ang progress. Kaya mataas ang rate na makakapatay ka ng madami kesa sa solo.
Basta ayaw ko ng kaparty! Yun yon!
"Solo play ka nga pala lagi. Siya sige, kami na lang ni Top 2 ang magpaparty."
"Top 2?"
"Si Tiara,"
"Bakit?"
Napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses. Hanggang sa may lumitaw na isang babae.
Nakasuot siya ng mahabang damit na abot hanggang lupa. Ang manggas naman at abot hanngang kamay. Bagsak ang kulay caramel na buhok na sumasabay sa ihip ng hangin. Ang kanyang sandata ay isang staff na mayroong asul na bato sa dulo nito.
Higit kong napansin ay ang slit ng kanyang suot. Ang kinis ng kanyang hita. Ang kintab.
"Pota! Anong pauso yan Tiara? Hahaha!" puna ni Levi.
(Tiara on the media)
Tiara? Teka, nagiba ang itsura niya. Nong una ko kasi siyang nakita, knight ang itsura niya. Tapos dual axe ang kanyang sandata.
Bumayawang siya. "Bakit? Bagay naman ahh." umikot siya para ipakita ang kanyang kabuuan.
"Pfft. Sa'n mo nakuha yang skin? Pati buhok mo nagbago ng kulay." tanong ni Levi.
BINABASA MO ANG
✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertified
Science Fiction»Highest Rank Achieved« #8 in Science Fiction (June 22, 2018) Si Valk Sycamore ay isang normal na teenager. Naiwan siyang magisa sa kanilang bahay dahil sa pagbabakasyon ng kanyang magulang. Dahil dito, niregaluhan niya ng kanyang magulang ng Dimens...