Kabanata 3

3.1K 140 7
                                    

NYIF 3: JacketCopyright © DREAm_falla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NYIF 3: Jacket
Copyright © DREAm_falla

Inis kong sinipa ang bato sa buhangin. Kainis! Kasalanan naman talaga ni Zale ang nangyari eh. Kung hindi siya pumasok sa girls comfort room, edi sana walang problema. Pero dahil nag fefeeling babae ang hinayupak na 'yun, pumasok pa rin siya.

Tapos ngayon? Kasalanan ko pa?! Aba, hindi yata fair 'yun? Bakit ganon? Pakiramdam ko, paborito nila mama si Zale kaysa sa akin eh!

"Ang ganda-ganda nang panahon, tapos ikaw dyan nakasimangot."

Agad akong napatingin sa may-ari nang boses. Katulad ko, Michelle is wearing a floral beach dress. May hawak siyang plastic cup na may tatak na 'buko juice'. She's also wearing a pink sun glasses. Nakalugay ang itim niyang buhok, kaya sinasayaw ito nang hangin.

Umismid ako at umirap. Padabog akong naglakad palayo sa kanya.

"Ano bang ikasisimangot mo ha?" tanong niya. She's trying to catch me while walking. And she succeed.

Akala niya ba hindi ko nakakalimutan ang mga atraso niya sa akin?!

"Huwag mo nga ako sundan!" inis kong utos sa kanya.

She laughed. "Hoy, Lian! Huwag mo akong tataray-tarayan diyan ha! Tandaan mo, mas matanda ako sa'yo nang limang taon!"

Humarap ako sa kanya at sinamaan siya nang tingin. "Oh? Tapos? Hanapin mo ang pake ko." mataray kong saad at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Kahapon lang natapos ang kasal ni Ate Seirra at Kuya Ian. And now, they are in Japan for their honeymoon. Naalala ko tuloy kung paano niya ako pagtawanan kanina at balaan.

"Alam mo, bunso. Kung ako saiyo, hindi ko nalang papansinin si Zale at hindi na rin maiinis sa kanya."wika ni ate pagkatapos akong pagsermonan ni mommy.

Tinaasan ko siya nang kilay. "At bakit naman? Sino ba ang hindi maiinis sa gagong 'yun?! Bato nalang yata ang hindi magalit sa kanya."

Tumawa siya at umiling-iling pa na para ba'y hindi niya na alam ang gagawin sa akin. O hindi kaya ay parang napagdaanan niya na ang napagdaanan ko kung mag pinagdadaanan nga ako.

"Alam mo, hindi talaga ako naniniwala na kinaiinisan mo siya dahil ganyan ang trato niya sa iyo. Galit ka sa kanya, kasi hindi mo matanggap na naging bakla siya at binasted ka niya." aniya. Huminto muna siya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Sometimes hate turns into something foreign feeling, bunso. Kung ako pa sayo, habang maaga pa lang, tanggapin mo na kung ano siya. Baka iyan pa ang maging hadlang niyo sa future."

No, yet I fall (Complete✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon