Kabanata 5

3.1K 128 4
                                    

NYIF 5: Judge

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NYIF 5: Judge

Copyright © DREAm_falla

"Lian, sorry."

Umirap lang ako sa sinabi ni Michelle. Agad ko ikinabit sa tenga ang earphones at lumingon sa labas nang bintana. The crew are all busy. Kasalukuyan kaming nasa loob nang eroplano. Ilang minuto nalang ay aandar na ito.

I sighed. After this, back to reality. Mag papaenroll pa ako. Leche, mukhang hindi ko na mapipigilan si Mommy tungkol sa binabalak niyang ilipat ako sa ibang eskwelahan. Para namang masosolba ang silent but obvious war namin ng baklang 'yon.

Hanggan sa katapusan na yata ang away namin.

Isang sundot nang aking pisngi ang ginawa nang bruha kong katabi. Bakit ba nandito ito? Sa pagkakaalam ko, hindi kami magkatabi nang seat.

Matalim ko siyang tinignan. "Tigil-tigilan mo ako, Michelle ha. Naiirita pa rin ako." Ani ko.

Napanguso siya at walang lakas na napasandal sa upuan. "May nangyari kasi, kaya nagka urgent meeting." Pagpapaliwanag niya.

Again, I rolled my eyes. Ilang beses ko na ba 'yan narinig sa kanya? Pero pagtinatanong ko naman kung ano iyang urgent meeting nila, wala siyang masagot. Sa tingin niya mapapatawad ko siya kung wala siyang valid reason?

"Ano ba kasi 'yan? May kalokohan na naman ba silang ginawa? Sinong may gawa? Si Sean? Real? O JIro? Impossibleng si Haleth. Sa kanilang apat, siya lang ang matino. Bakit ayaw mo ipaalam sa akin?"

"Exactly. That's my point."

My forehead creased. "Huh?"

"Kaya hindi ko masabi sa'yo kasi ang taas nang tingin mo kay Haleth. Kung ituri mo siya, akala mo ay isang panginoon na hindi nakakagawa nang mali." Aniya. Huminto pa siya bago nagsalita muli.

"Lian," marahan na tawag niya sa akin. "'Di ba? Sinabi ko na sa'yo na nagsusuot lang nang maskara si Haleth. Hindi siya ang haleth na nasa entablado na kilala mo. "

Umiling ako. "Bakit? Ano ba siya sa personal?" nagtataka kong tanong.

Ilang beses na sinabi sa akin ni Michelle na hindi ko pa kilala si Haleth. Hindi daw porke nakikita ko siya tuwing may business gathering o 'di kaya ay pumupunta ako sa mga gig nila ay kilala ko na ito. Sure, alam kong hindi ko pa siya kilala. Given that I haven't spoken to him personally. Pero mukhang impossible naman yata ang mga sinasabi ni Michelle.

Hindi ko maimagine na masamang tao si Haleth. In my eyes, He's perfect.

Ibinuka niya ang kanyang bibig at handa nang sumagot sa tanong ko nang may nagsalita sa kanya nang una.

Hearing his voice, electricity runs up to my body. Bigla nalang kumabog nang sobrang lakas ang aking dibdib. I swallowed hard. I could still remember what happened last night! 'di ko alam kung paano ko siya haharapin!

No, yet I fall (Complete✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon