Kabanata 4

3K 155 17
                                    

NYIF 4: Dancing in Night©Dream_falla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NYIF 4: Dancing in Night
©Dream_falla


Sumulyap ako sa salamin. The smile flashes on my lips, when I saw my reflection wearing a pastel pink dress. Nakalugay ang light brown kong buhok at bahagya itong nakakulot. My hair is naturally curly. Hindi ito gaano makulot. 'Yung tipong sa dulo lang ito makulot. Atsaka wavy rin.

I just put a light make up. Ineemphasize ko lang ang kagandahan nang isang dyosa.

Damn.

Ang ganda-ganda ko talaga! Mukha akong dyosa na bumaba mula sa Mt.Olympus. Kinabugan ko na sa kagandahan si Aphrodite.

"At saan ka pupunta?"

Agad akong napatingin sa may pintuan. Nakasandal doon si mommy habang nakahalukipkip. Pinasadaan niya ang aking ayos. Tumaas ang kilay niya nang bumalik ang tingin niya sa mukha ko.

"May kikitain ka? Aba't!"

Napanguso ako. "Mommy, magkikita kami ni Haleth. Sabi ni Michelle. Hinihintay na ako nang son-in-law mo. Huwag ka na ring kumontra. Uso na iyan sa mga teleserye eh. Baduy non, my!" pangunguna ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mata na tila ba'y nagulat sa sinabi ko. Walang ano-ano siyang lunapit sa akin at agad akong binatukan.

"Aray!" sigaw ko sabay himas sa ulo. "Pag ako na bobo, my! Kasalanan mo!"

Pinanlakihan niya ako nang mata. "Kasalanan ko?! Kasalanan ko, Lian? Bakit? Sino ba ang estudyante sa ating dalawa? Ako ba, ha?! Ako ba?"

Napanguso nalang ako at 'di nalang pinansin ang pinagsasabi niya. Ano ba 'yan, bakit napunta sa pagiging estudyante ang topic namin ni Mommy? The last time I check, sinisita niya pa ako kung saan ako pupunta.

"At bakit makikipagkita ka kay Haleth, aber?" mataray na tanong ni Mommy.

Kilala kasi ni Mommy si Haleth. Siguro, para talaga kami sa isa't-isa ni Haleth, kasi kahit ang parents namin dalawa magkakilala dahil sa business eh.

Nakakainis lang, kasi kahit palagi kaming nagkikita tuwing may business gathering hindi niya ako pinapansin o 'di kaya ay wala siya.

Hays. Pa mysterious din 'yang asawa ko eh. Pero ayos lang, mahal ko naman. Naks, ang landi!

"Syempre! Bakit hindi siya makikipagkita sa asawa niya?"

Aakmang babatukan ako muli ni mommy nang mabilis akong lumayo sa kanya at ipinatong ang dalawang kamay sa ulo para protektahan ito.

No, yet I fall (Complete✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon