Kabanata 28

2.2K 119 36
                                    

NYIF 28: Lifeless


Nakakatawa.

Akala ko ba, isang beses lang tayo namamatay?

Isang beses lang tayo nalalagutan ng hininga?

Bakit iba 'yata sa akin?

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako namatay nang dahil sa kanya. Kung ilang beses na ako nagsindi ng kandila para sa sarili ko. Kung ilang umaga na ako bumabangon at patuloy pa ring pinapatay ang matagal ng patay na damdamin.

Kung sa baboy pa, double killed na ako.

Sobra pa sa double.

I can't remember how long I was sitting under this cottage. Kung gaano na katagal ako umiiyak at pinapatahan ang sarili.

Alam ko naman eh.

Matagal na.

He can't love me. I am just a stupid bitch, who still hopes that someday he will.

He will see me.

Tanga nga yata ako. Siguro tama talaga si Zale. Masyado na yata ako naobsess sa mga novels at pelikula na ultimo ang aking buhay ay kinokonekta ko na sa pantasya.

Why can't it be?

Mahirap ba akong mahalin?

Anong mali sa akin?

Kasi kung meron, babagohin ko. Kung hindi pa ako sapat sa kanya, gagawa ako ng paraan para maging akin siya.

I'll fucking do everything just to have him.

Saan pa ba ako nagkulang?

"Coralia."

Mabilis akong napaangat sa aking mukha. At first, I can't recognize the man's figure in front of me because of my blurry vision. Sanhi nang mga luhang walang awat sa pagpatak.

My chest hurt.

Mas lalo akong nasaktan ng mapagtanto ko kung sino iyon.

I stood up.

"H-Haleth..."

Kumunot ang noo niya. Kitang-kita ko ang pag-aalala. Wala sa pag-iisip akong tumakbo patungo sa kanya. I just want someone to talk right now. Someone who can understands me. Someone who I can cry on.

Kasi hindi ko na kaya.

Hindi ko na kaya.

I tripped.

"Coralia!"

Napaluhod ako bago ko pa man siya maabot.

I cried so much, but I cried harder when I felt a warm arms envelope me. Nakaluhod na rin siya habang yinayakap ako.

"A-ang sakit na" hagulhol ko. "Sobrang sakit na."

"Shh.." hinahaplos niya ang aking likuran na tila ba'y hinehele ako.

I hug him. Yumakap ako sa kanya ng sobrang higpit. Na para bang kumukuha ako sa kanya ng lakas. Kasi pakiramdam ko, ubos na ubos na ako. Wala nang natira sa akin.

Possible pala iyon, noh? Hindi man naging kayo, pero kaya mo nang ibigay nang buo ang puso mo sa isang tao na hindi magiging sa'yo.

"G-gusto ko nang tanggalin ang s-sakit."hikbi ko pa.

I remember everything. How our friendship started. How we both laugh during our childhood days. How I cried together with him. How I fell for him. How I left him. How we argue. How he smiles on me. How we both cried to revive our friendship again. How he cares for me. How he comfort me. How he loves the other guy. How I mourn for my dying love for him. How he kiss me. How he makes me feel like I'm over the moon. How he lift me up and how he left me hanging admist of the air causing me to fall, crashed and broken.

No, yet I fall (Complete✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon