Chapter 1 Piranha

69 7 6
                                    

"Rhonaira! Yung piranha sa likod mo! Barilin mo na," nagpapanic na si Pauline. Nakasakay sila sa baby unicorn, na nagngangalang Dayne, sa gyera sa tubig.

"Ayoko gusto ko siyang ampunin ilalagay ko sa aquarium ko," sagot ni Rhonaira.

"Waaa sige sige..." Kahit nagdadalawang-isip, pumayag na rin si Pauline.

*TSUK*

"O_O Pauline anong ginawa mo?" Gulat na tanong ni Rhonaira. 

"Binaril ko ng lambat. Dali ang likot niya ilagay mo sa magic bag mo na galing kay Dora."

*Bang beng boogsh boogsh*

At kinalaban na nila ang ibang mga piranha na ang may-ari ay ang masamang witch na si Julliene.

"Tara magteleport na tayo Rhonaira. N-Nanghihina na ako. Tinamaan ako ng piranha sa braso. May kagat ako."

At nawalan siya ng malay.

"Okay. Teleport."

*BOOM*

At nasa base na sila. Ang headquarters ng mga fairies na kumakalaban sa mga witch. Hinulog na ni Rhonaira ang piranha sa aquarium nila na walang lamang isda, at pinangalanan itong Nemo. Minagic niya ito at natuto itong magsalita.

"Malabo paningin ko. Gusto ko po ng salamin, ms. Owner," sabi ni Nemo.

Sumagot si Rhonaira,"tawagin mo kong master. Bibigyan kita ng salamin. Pero sa isang kondisyon."

"Kahit ano po basta para sa inyo master."

"Huwag ka ngang maingay, natutulog si Pauline. Ang kondisyon ko lang, tutulungan mo kaming pabagsakin si witch."

At trinansform niya ito bilang isang sea horse.

"Magdisguise ka para hindi ka makilala ni witch. Pansamantala lang naman yan."

At nagising na ang pinakamagandang si Pauline. (Sabi niya yun. At siya lang ang naniniwala. Pagbigyan kawawa naman.)

"Pauline, meet Nemo the seahorse," sabi ni Rhonaira.

"Hi po!" friendly na bati ni Nemo.

"Panget," expressionless na sabi ni Pauline.

"Mo?" dugtong ni Nemo.

"Aba sumasagot na tong panget na to ah! Rhonaira oh! >_<"

"Nemo. Tigilan mo na yan."

"Opo master."

***

Nagkwento na lang si Nemo kay Rhonaira at Pauline at napag-alaman nila na male fairy pala si Nemo at sinumpa lang ni witch. 18 years old na daw siya pero bukod don ay wala na siyang ibang maalala kahit ang tunay niyang pangalan.


Diwata at AlitaptapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon