Chapter 6 Wish Upon a Witch

52 3 5
                                    

CHAPTER 6 Wish Upon A Witch

[Pauline's POV]

"Papatayin ba talaga natin si witch Julliene?" tanong ko.

Nag-aalala na rin kasi ako sa sinabi ni witch Armyn kanina. Nakasakay na kami sa kanya-kanyang baby unicorn at medyo malayo na kami sa bahay ni witch Armyn.

"Sabi ko nga sayo bago tayo pumunta dito, huwag kang magpapadala sa emosyon mo. Siyempre ayaw ni witch Armyn na patayin si witch Julliene dahil kaibigan niya siya. Sino ba namang gustong patayin ang kaibigan niya, diba?" sagot naman ni Rhonaira. "Paano kung ang pagpatay kay Julliene ang tanging paraan para matigil ang pamemerwisyo niya sa Amaranthus? Iintindihin pa ba natin si witch Armyn?"

"Pero baka may iba pang paraan! Naging kaibigan din naman natin si Julliene."

"Dati yon! Marami nang nagbago, Pauline! Hindi na siya ang kaibigang nakilala natin noon! Nagpalamon na siya sa pagkaganid sa kapangyarihan! Tinanggalan nga tayo ng pakpak! Pinatay niya ang hari! Mapapatawad mo pa ba siya?!"

Kunot noo ko siyang tinititigan without saying anything.

"Pau, gumising ka nga sa katotohanaN! Kinuha niya sayo ang pinakamamahal mong si Juan Karlos!"

"Rhonaira!!" malakas kong sigaw para mapatigil siya.

Kasabay ng pagsigaw ko sa kanya ang isang malakas na kidlat. Lumipad ang uwak na nakaupo sa puno na parang nagulat.

Alam mo yung pakiramdam na inuungkat pa ng kaibigan mo yung nakaraan? Argh nakakagigil kasi bakit kailangan pang banggitin yung pangalan niyang kinakalimutan ko na nga? Ayoko nang maalala yung mga katangahan ko noon.

"Tama na. Tama na, Rhonaira! Isang taon na ang lumipas. Matagal na yun. Wala na akong gusto kay Juan Karlos," sinasabi ko with tensed na panga. Nanggagalaiti. Tsk. Ayoko na talagang alalahanin pa yung tungkol doon.

"Pauline, sino si Juan Karlos?" biglang tanong ni Nemo.

"None of your business," inirapan ko si Nemo. "Dayne, natatanaw mo na ba ang balon?" Pinipilit kong ibahin ang topic. Masyado palang malaki ang gubat kaysa sa inaasahan ko.

"Hindi pa po, master Pauline. Pero sigurado po akong pakanluran ang tinatahak natin."

"Okay great."

***

Meanwhile...

[Julliene's POV]

*thunder effects*

Dahil witch ako, naghahalo ako ng sabaw sa higanteng kaldero at tumatawa ng high pitch kahit walang nakakatawa.

Ay meron pala. Dahil chapter 6 na ngayon lang ako nagkaroon ng POV na hindi flashback lang. Bukod pa dun, natutuwa ako dahil ako ang witch pero mas maganda pa ako sa fairy, mas maganda pa ako kay fairy Pauline. Why? Siyempre dahil ako ang may ka-loveteam! I broke stereotypes.

Thanks to JK, mas dumadali ang plano ko na sakupin ang kaharian ng Amaranthus. I smirked. Malaki naman pala ang pakinabang ko sa kanya. At ngayon, he is training ang mga creatures dito sa upside down underworld na kasalukuyang pinamumunuan namin para matuto silang lumaban sa mga fairies and other good creatures na nasa Amaranthus.

Love makes one weak. And JK is just my chess piece that is useful to achieve my own plans.

"Meow," my cat named Ruby rub her fur against my legs habang nagluluto ako ng sabaw para kay JK pag-uwi niya. Tumungo ako at tinapik siya sa ulo.

"Gutom ka na din?" Naglagay ako ng cat food sa plato niyang nakalapag sa sahig at kinain ito. Ipinagpatuloy ko na din ang paghahalo sa higanteng kaldero.

Diwata at AlitaptapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon