[Pauline's POV]
Pumunta kami ni Rhonaira sa kastilyo para sabihin sa reyna, na isang taon nang umiiyak, na may lead na kami kung nasaan si Julliene.
"Sige, salamat. Mag-iingat kayo, huhuhuhu, para sa kaharian, at para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng mahal na hari, huhuhuhu," umiiyak na sabi ng reyna. Hindi ba siya nauubusan ng luha? Ako nga naka-move on na kay JK eh hays. "Pabagsakin nyo na rin yung walanghiyang si JK kasama ni Julliene, huhuhu, naturingan pa namang kanang kamay ng hari pero anong ginawa niya? Nagtaksil siya sa kaharian! Huhuhuhu!"
Argh oo na po mahal na reyna, masakit din sakin yun eh, pinaalala nyo pa.
"Tumawag lang kayo sa hukbo kapag kailangan nyo ng tulong, huhuhu," sabi pa ng reyna, "sige gorabells, larga na kayo, huhuhu."
"Salamat po mahal na reyna," at nagbow kami bago lumabas.
(Hindi na namin isasama ang hukbo kasi hindi naman sila bida.)
***
Hinanda na namin ang aming mga kailangan papunta sa kaharian ni Julliene: baril, espada, pana, at marami pang iba. Nanganganib na ang kaharian ng Amaranthus at kailangan na naming tuldukan ito.
Kakalimutan ko na ang mga panahong kaibigan ko pa si Julliene at ang lahat ng mga kalokohan at kasiyahang ginagawa namin.
"Pauline, huwag kang magpapadala sa emosyon mo. Huwag kang makinig kahit anong sabihin niya," sabi ni Rhonaira.
Tumango ako. Kahit hindi na masakit ang sugat ko sa likod, masakit pa rin sa damdamin ang ginawa niya. Huhuhu.
Sumakay na ako sa unicorn kong si Dayne at si Rhonaira naman kay Cristal. Lumabas na kami ng HQ.
"Gusto kong sumama," sabi ni Kristine the detective fairy.
"Ha? Masyadong delikado magpunta sa dark forest! Lalo na sa underworld! Huwag ka nang sumama," sabi ko.
"Kakailanganin nyo ang tulong ko."
"Ako din sama ako," sabi naman ni Nemo. Napabuntong hininga ako.
"Hay nako Nemo baka maging pabigat ka lang," sagot ko.
***
In the end, sumama si Nemo, Kristine, at ang dwendeng si Gregory.
Habang nasa mga baby unicorn...
"Pauline, okay na ba yang braso mo?" tanong ni Nemo. May aquarium na bitbit si Rhonaira na nakasakay sa baby unicorn niya.
Ano bang pakialam nito?
Actually mabilis naman akong gumaling, tsaka kagat lang naman to ng piranha.
"Oo okay na," sagot ko.
"Master Pauline, close pala kayo ni Nemo?" tanong ni Dayne.
"Oo nga pansin ko nga din," sabi naman ni Kristine na nakasakay din kay Dayne na nasa likod ko.
"Hindi ah," sabi ko na lang. Haynako talaga nga naman. Iniinis lang talaga ako ng sea horse na to eh.
***
Nang makarating na kami sa boundary ng dark forest...
"Oh Dayne, bakit ka tumigil? Come om vamonos, everybody let's go, come on let's get do it, I know that we can do it!" napakanta ako bigla.
"Where are we going? *clap clap clap* Julliene's kingdom!" awit naman ni Rhonaira. Ang ganda ng boses niya! *O*
"Natatakot talaga ako master Pauline, ang dilim dilim. Papasok ba talaga tayo?" tanong ni Dayne.
"Cristal, goraa!" utos ni Rhonaira sa kanyang baby unicorn. Sinunod naman siya ni Cristal at sinundan na sila ng aking baby unicorn.
*AWOOOO*
Waaahh natatakot na din ako. May umungol kasi na wolf eh. May nararamdaman akong sumusunod sa likod ko. Hindi sina Rhonaira yun kasi nasa unahan ko sila.
"PAULINE! SA LIKOD MO!" sigaw ni Nemo. Agad kong kinuha ang pana ko at pinana ko kung sino man ang nasa likod ko. (Siyempre fantasy to kaya perfect ang body coordination ko.)
*CHAK*
Boom headshot. A dark nymph. Ang ganda niya. Pero baka ang mamatay kung hindi ko siya napana.
Nagpatuloy na kami sa paglalakbay. Parang hindi sinisikatan ng araw ang kagubatan na ito. May mga insekto sa puno, may mga paniki at kwago at may beehive pa.
Biglang may mga paniki na umatake sa amin ni Rhonaira kaya pinagpapana ko sila at binabaril naman sila ni Rhonaira. Kumuha ako ng isa sa kanila at minagic ko para makapagsalita.
"Huwag nyo po akong patayin!" sabi ng paniki habang hawak ko siya ng mahigpit.
"Sino ang nag-utos sayo nito?"
"S-Si witch Armyn po. P-Pinagtatanggol niya si Witch Julliene dahil alam niyang pupuntahan nyo si witch Julliene gamit ang m-m-m-magic niya kaya gumagawa siya ng paraan para mapigilan kayo sa pagpunta dito," mautal-utal na sabi ng paniki.
Binitawan ko siya at takot siyang lumipad palayo.
"Si witch Armyn."
***
[Witch Armyn's POV]
Masyado silang magaling. Napatay nila ang mga pinadala kong paniki at nalaman nila na ako ang nagpadala doon. Napapanood ko sila sa bolang kristal na ginamitan ko ng black magic.
"Si witch Armyn," sabi ni Fairy Pauline. Hindi ko pa siya nakakasalamuha kahit minsan pero nakukwento siya sakin ni Julliene. Papalapit na sila sa bahay ko, kailangan ko nang paghandaan.
***
Author's Note:
Hi readers! Tatlong araw akong hindi makakapag-update due to youth camp. Thank you for understanding. I love you all!
BINABASA MO ANG
Diwata at Alitaptap
FantasyFairy Pauline and her friends fight the witches for the safety of their kingdom.