*FLASHBACK* 1 year ago
Matalik na magkakaibigan sina Rhonaira, Pauline, at Julliene. Sila ay lumilipad gamit ang kanilang mga pakpak at nagsasaya gaya ng mga maliliit na bata.
"Bumalik na tayo sa pagsasanay natin, mamaya na ulit tayo maglaro," sabi ni Rhonaira.
Silang tatlo ang pinakamahusay sa lahat ng mga mandirigmang fairy at pinakapinagkakatiwalaan ng hari. At ngayon ang isang araw na naman ng kanilang pagsasanay.
"Balang araw tayo ang mamumuno sa mga mandirigmang fairy! Ang saya noon diba?" sabi ni Pauline.
"Hindi! Mas masaya kung tayo ang mamumuno sa buong kaharian!" sabi naman ni Julliene habang lumilipad sila.
Napatawa na lang si Pauline sa pag-aakalang ito ay isang biro lamang.
***
"Ang babagal nyo namang lumipad! Baka mahuli tayo! Ngayon na igagawad kung sino ang mamumuno sa mga mandirigmang fairy!"
Nasa unahan na nila si Rhonaira sa sobrang sabik na malaman kung sino ang mamumuno.
"Huwag kang masyadong ma-excite, Rhonaira. Baka mabigo ka lang," mayabang na pagkakasabi ni Julliene.
"Bahala na. Basta kahit kanino sa atin, masaya ako," sabi naman ni Pauline.
Dumating na ang takdang oras ng paggagawad at nakaupo na ang mga sinasanay na mga mandirigmang fairy katabi ang ibang mga fairy at creature upang makinood sa seremonya.
May iba't ibang mga performance ang nangyari at masayang masaya ang mga taga-Amaranthus. Dumating na ang pagkakataon ng hari upang magsalita sa unahan. Ang lahat ay nakikinig.
"Ngayon na ang takdang araw at ang pinakamahalagang araw sa buhay ng mga nagsasanay bilang isang magaling na mandirigma," sabi ng mahal na hari.
"Waaahh! Oh my goodness! Si Juan Karlos! My ultimate crush! Nasa tabi ng hari. Waaahh ang gwapo niya talagaaa~!" mahina na sabi ni Pauline ngunit sapat na para marinig ni Rhonaira at Julliene na nasa magkabilang gilid niya.
Nairita si Julliene sa inasal ni Pauline kaya sinaway niya ito. "Ano ba Pauline! Ssshhh hindi ko nga maintindihan sinabi ng hari manahimik ka nga."
"O_O nakatingin siya sa akin Julliene! Tingnan mo oh!" pulang pula na si Pauline dahil sa mga titig ni JK.
Ngunit hindi talaga kay Pauline nakatingin si JK kundi kay Julliene dahil matagal nang may gusto si JK kay Julliene.
Magkakaibigan din naman sila ngunit hindi sila sobrang close. Si JK ang kanang kamay ng hari.
"Ngayon na ang araw kung saan pipiliin ko kung sino ang nararapat na mamuno sa buong--"
"Kaharian?" biglang singit ni Pauline. Pero mahina lang at silang tatlo lang ang nakarinig. Tumawa na lang silang tatlo.
"Ang ikatlong karangalan ay mapupunta kay..." *drum rolls* "fairy Julliene!"
"Wow Julliene ang galing mo naman!" sabi ni Pauline habang pumapalakpak sila ni Rhonaira.
Umirap si Julliene pagkatayo dahil ayaw niyang nasa ikatlong karangalan lamang siya. Ngunit hindi nakita ng dalawa ang ginawa niya dahil mabilis niyang pinalitan ang ekspresyon ng mukha niya at ngumiti. Nagpunta na siya sa entablado at bumungad sa kanya ang malawak na ngiti ni JK na hawak ang scepter. Akmang kakamayan sana siya ni Juan Karlos ngunit hindi niya ito pinansin at kinuha lang ang scepter habang nakangiti ng pilit.
"Ang ikalawang karangalan ay mapupunta kay...Pauline!"
"Oh yeah! Oh yeah! Wooooh!" tumatalon talon pa si Pauline papunta sa entablado. "Ang galing ko talaga! Thank you sa inyong lahat!"
BINABASA MO ANG
Diwata at Alitaptap
FantasiFairy Pauline and her friends fight the witches for the safety of their kingdom.