Author's note: hindi po deep ang story na to at walang plot twist pero salamat pa rin sa pagbabasa. sana ma-entertain kayo. i luv u all mwah.
Chapter 7
[Rhonaira's POV]
"Nemo is quite good-looking huh?" Kristine whispered at me.
Gwapo si Nemo. I know Pauline will say otherwise kasi ayaw niyang aminin sa sarili niya na gwapong fairy pala ang yung seahorse na inaasar-asar niyang panget. At ngayon nakatingin lang kami sa dalawang 'to na nakatayo sa harap namin habang nakaupo kami. Si Gregory naman pinapanood yung mga alitaptap at nag-aattempt pa na hulihin yung iba.
Pauline sighed and rolled her eyes. Parang napagod siya bigla. Or parang ngayon niya lang ipinakita na pagod na siya.
"Okay fine. We're all tired. Let's sleep."
[Pauline's POV]
Why are we all focused on Nemo being a fairy instead of catching Julliene? Ugh. I'm tired. Pumasok na ako sa tent at nakatulog agad.
(The next day...)
Gusto ko nang umuwi. I miss the sun. Siguro mapuputi mga creatures dito kasi hindi naman sila naaarawan.
Gusto ko na bumalik sa Amaranthus. Kumusta na kaya sila doon? Siguro naman wala pa namang matinding warla na nangyayari, nandun naman yung mga superiors namin tsaka yung mga hukbo. Hmm kumusta na kaya yung mga nagttraining? Pwede na ba magteleport sa head quarters? Bakit kasi pwede lang magteleport pag pabalik na sa hq at hindi kapag pupunta sa ibang lugar. I'm just tired.
"Malapit na ba tayo sa balon?" walang gana kong tanong. Nagbbyahe na ulit kami.
"Tara maligo muna kaya tayo?" suggest nila.
"Sige mauna na kayo--" sabi ko, pero bago pa matapos yung sinasabi ko nagsitakbuhan na agad sila sa ilog sa harap namin. Pinanood ko lang sila habang lumalangoy at naglalaro sa tubig habang nagtatawanan. Naalala ko tuloy nung ganyan din kaming kasayang apat tuwing nagsswimming kami. Ako, si Rhonaira, si Julliene, at si JK. I shook my head at the thought, it's not the right time to reminisce.
"Pauline! Tara na!" masayang sigaw nila.
"Okay!"
Dahan-dahan kong inilubog ang mga paa ko sa tubig hanggang maramdaman ko yung malalamig na alon sa mga paa ko. Medyo nahihirapan akong maka-balanse dahil tuloy-tuloy yung agos ng tubig tapos makikinis na bato yung tinatapakan ko. Mga bato ang nasa ilalim ng tubig-ilog. Ang clear ng tubig. Malamig. Nakaka-refresh. Umupo ako sa rocky shore pero yung paa nakalubog sa tubig. Pinagmasdan ko lang sila mag-swimming. Si Rhonaira, sumisisid-sisid, tapos may pa-floating pa. Sina Cristal at Dayne naman, yung dalawang unicorn, nagraracing sa tubig, si Kristine yung taga-sabi kung sino yung nananalo, pero palangoy-langoy din siya sa ilalim ng tubig. Si Gregory naman, kinakalabit yung bawat isda na dumadaan at nagsswimming din sila ni Nemo. Si Nemo naman, pinagsisisihan yata na naging fairy kaagad. Hindi tuloy siya makahinga sa ilalim ng tubig. Kasalanan ko pa yata. Minsan nagssplash sila ng tubig sa isa't isa. Lumapit ako at nakikisplash ng tubig sa kanila. Hanggang dibdib ko na yung lalim ng tubig. Lumublob ako para mabasa pati yung buhok ko at tinatalsikan sila ng tubig. Patawa-tawa lang kami na parang wala kaming hinahanap na witch. Sana ganito na lang palagi. Actually nakalimutan ko na nga for a moment yun eh dahil enjoy na enjoy ako dito. Ayoko munang alalahanin, magsasaya muna ako dito.
"Tara paunahan tayo makarating hanggang doon!" pagyaya ni Kristine, may pa-racing pa yata sila, Olympics ba to? NAglanguyan na agad sila papunta sa tinuro ni Kristine, dahil mabagal akong lumangoy, naiwan na nila ako at 5 meters away from me na agad sila.
Biglang may nararamdaman akong something na lumalangoy sa likod ko, at pagkalingon ko, may buwayang papalapit sa akin. Sa Sobrang panic ko, sumigaw ako.
"May buwaya! May buwaya! Kakainin ako waaaaah! Guys!!"
Tumingin sila sakin at papalapit na nang nakita ko yung buwayang nakatingin lang sa akin.
"Grabe ka naman, girl! Ang judgmental mo naman!" ang bakla ng boses niya. "Nakakita lang ng buwaya, kakainin ka na kaagad? Hindi ba pwedeng nagsswimming lang ako dito sa BAHAY KO?" inemphasize niya pa yung last words. At inirapan niya ako. Napakurap ako ng madaming beses. Umirap yung buwaya? AS in he rolled my eyes at me? Umalis na yung buwaya at tinalsikan ako ng tubig sa mukha ng malakas gamit yung buntot niya. Nagpipigil ng tawa yung mga kasama kong papalit sa akin. Pagkaalis ng buwaya, humagalpak sila ng tawa at tinapik ako sa balikat.
"Okay lang yan Pau."
May mga sirena din na dumaan sa ilog na pinag-liliguan namin kaya nakakilala ako ng bagong friends. Ang gaganda nila, iba iba yung kulay ng tail nila, may red, blue, gold, silver, tapos kumikinang pa. Kulay brown yung mga mahahaba nilang wavy hair.
"Babaye! Mag-iingat kayo ha!" at kumaway sila samin bago sila tuluyang lumangoy papalayo
[Kristine's POV]
"Safe ba talaga itong ilog na to?" tanong ni Pauline makalipas ang ilang minuto. Sumalok siya ng tubig sa ilog gamit yung dalawang kamay niya at tinikman ito. Tumango-tango siya. "MAsarap tubig dito."
"Ang tagal-tagal na nating lumalangoy ngayon mo lang tinanong," sabi naman ni Nemo.
"Malay mo, besides, dark forest ito."
Then it hit me. Dark forest to. hindi safe ang mga ilog dito dahil pag isang oras na at hindi ka pa umaahon, maaari kang mamatay dahil may lason ang tubig dito.
Nag-iba bigla ang mood ko.
"Tara na! Umahon na tayo! Delikado dito!" sigaw ko at binilisang lumangoy papuntang pampang.
"HA? Bakit?" tanong ni Rhonaira.
"Basta, bilisan nyo!" Kaya binilisan nilang lumangoy pero pagkalingon ko kay Pauline, pulang pula na siya at hindi na siya makalangoy ng maayos, kaya binuhat siya ni Nemo hanggang sa pampang.
Pagkaahon namin, naghahabol na ng hininga si Pauline at nawalan bigla ng malay.
***
Author's note:
AYAN NA NAG-UPDATE NA AKO TANONG KASI KAYO NG TANONG NAKAKA-PRESSURE KAYA. CHAROT.
Ano kayang mangyayari kay Pauline? Mamamatay kaya siya? Grabe nagswimming lang napahamak na! Kaya readers wag basta basta magsswimming kung saan saan! Keep safe. Thank u sa paghihintay sa update ko! Keep safe. xoxo
BINABASA MO ANG
Diwata at Alitaptap
FantasiFairy Pauline and her friends fight the witches for the safety of their kingdom.