Chapter 2 Fairies vs. Witches

54 6 5
                                    

[Dayne's POV]

I'm a baby unicorn owned by a wingless fairy Pauline. At ngayon nakikipag-away siya sa piranha na nag-disguise na sea horse na nasa aquarium.

"Rhonaira, itapon mo na nga sa dagat tong panget na to!"

Ayan na naman, umaatake ang pagkamainitin ng ulo.

"Master, papaltan ko na po ang benda sa braso nyo at lalagyan ko ng gamot," sabi ko.

At trinansform niya ako pansamantala. Naging isang magandang magandang dalaga ako na may rainbow colored hair at white skin.

*BANG*

May narinig kaming pagsabog habang ginagamot ko ang braso ni master Pauline.

"Ano yun? Pauline okay ka lang?" worried na tanong ni Nemo.

"Che! Manahimik ka nga diyan hindi kita kinakausap!" pagsusungit niya pero bakas din ang pag-aalala.

"Tch. Bahala ka nga diyan nagtatanong lang naman ako."

"Huwag na nga kayong mag-away! May nakakita na ng HQ natin! Kailangan na nating ilipat ang location!" sabi ni Rhonaira.

Biglang nay pumasok sa loob ng HQ na hinihingal ay hysterical. Siya lang pala.

"Bats! May dwende akong nahuli! Siya na siguro ang magtuturo sa atin kung saan nakatira si Julliene!" sabi ng detective fairy na si Kristine. Bitbit niya ang porcelain na estatwa na dwende.

Hanggang ngayon hindi pa rin nakikita kung saan nakatira ang witch na si Julliene at pinaghahanap pa rin siya. Sa lahat ng mga witch na kinalaban ng magkaibigan, si witch Julliene ang pinakamahirap talunin. Masyado siyang malakas at masama at marami na'ng mga creatures sa kaharian ng Amaranthus ang pinapatay. Matindi na ang panganib na nagaganap kaya kailangan ng mag-isip ng paraan ang leader fairy warriors para maaksyunan ito.

"Pagsalitain na natin!" sabi ni master Pauline.

"Paano ba?" tanong naman ni Rhonaira.

Inilapag ni Kristine ang gnome sa mesa at pinalibutan namin iyon.

Trinansform na ni Rhonaira ang kanyang baby unicorn niyang si Cristal na katulad ko.

"HOY DWENDE SAAN BA NAKATIRA SI WITCH JULLIENE? SUMAGOT KAAAA!!"

Nagulat kaming lahat sa biglang pagsigaw ni master Pauline.

"HAHAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga fairy Pauline! HAHAHAHAHAHA!" sabi ni Nemo laya sinamaan siya ng tingin nito.

"Tigilan mo ko lulunurin kita talaga!!"

"As if naman no."

At sinubukan niyang itransform si Nemo bilang fairy pero ayaw talaga.

"Argh bakit ayaw magtransform na fairy? Rhonaira tulong!"

"Kapag sinumpa ni witch na piranha, piranha lang."

"Eh bakit siya sea horse? -_-"

"Sandali lang yan. Ngayong nagamit ko na ang magic ko para maging sea horse siya, pag bumalik na siya sa pagiging piranha, wala na akong magagawa. Mas malakas magic niya kaysa sa akin eh. Kaya nga kailangan natin siyang matalo. Kailangan mapagsalita natin itong dwende na to. Detective, saan mo to nakita?"

"Sa garden ng kaibigan ni Julliene na si witch Armyn."

"Ah okay geh geh. Buti na lang hindi ka napahamak. Rhonaira, anong mahika ang dapat gamitin para mapagsalita itong porcelain na estatwang ito?" tanong ni master Pauline.

"Teka susubukan ko."

*KACHING!*

And the porcelain got alive. Bigla siyang gumalaw at tumingin-tingin sa paligid.

"Sino kayo? Nasan ako?" tanong niya, in english accent pero fluent Filipino naman ang salita niya.

"Narito ka ngayon sa kagubatan ng Amaranthus," sabi ni master Pauline.

"At kailangan namin ang tulong mo para mahuli at mapabagsak si witch Julliene," sabi naman ni Rhonaira.

[Pauline's POV]

Nadidistract talaga ako sa seahorse na to na nakasalamin na gusto kong dukutin at ilagay sa dry land pero kailangan ko talagang malaman kung nasaan talaga si witch Julliene.

"Nasaan siya?" tanong ko.

"Anong magiging kapalit ng pagsasalita ko sa inyo?"

"Sa susunod na natin pag-usapan. Ang mahalaga ngayon, yung location ni witch! Nasaan na nga siya?!"

Sa sobrang galit ko, kinuha ko siya at akmang babasagin na sana.

"AAAAHH!! Okay okay sasabihin ko naaaa!"

Pagkasabi niya noon, nilapag ko na siya ulit.

"Pag niloko mo kami, babasagin talaga kita."

"Oo na nga ito na nga. Ehem ehem. Pero bago ang lahat, magpapakilala muna ako. Ako si Gregory, ang nangangalaga sa garden ni witch Armyn, ang kaibigan ni witch Julliene. At alam ko kung saan nakatira ang pinakamaganda at pinakamasamang witch na si Julliene."

Don't get him wrong guys, pero hindi niya crush si Julliene, ganun lang talaga ang description sa kanya. :-)

"Nakatira siya sa...bandang kanluran sa kagubatan kung saan nakatira ang mga demonyo, sa lugar kung saan laging gabi at hindi na nakakalabas ang nakakapunta doon. Sa ilalim ng lupa ang kanyang kaharian at siya ang namumuno doon. Ngunit mag-ingat ka. Dahil nakabaliktad ang lugar na iyon. Ang pinakamalalim ang pinaka-ibabaw at pinakamataas."

Ang pinakailalim ang pinakaibabaw at pinakamataas? So it means, iisa lang ang lupa na inaapakan namin? Oh yeah. Challenging.

"Pero hindi ko alam kung papaano makakapunta doon o ang lagusan para doon," dagdag pa niya.

"Okay lang yan, magtatanong tanong na lang kami doon. Kailan ba natin pupuntahan? Tara na lezgo!!" sabi ko.

Diwata at AlitaptapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon