Chapter 19

494 13 0
                                    


Tumigil ang sasakyan ni Reuben sa Parking Lot ng isa sa mga high end at kilalang resto, somewhere in BGC. Ang sabi ay dito namin kikitain ang mga parents namin.

"You know what you gonna do, Marguerite." Seryosong sabi niya sa akin habang kinakalas niya ang kaniyang seat belts.

Tikom lang aking bibig habang kinakalas ko din ang seat belts ng kinauupuan ko. Una siyang lumabas. Ako na kusang nagbukas ng sasakyan. Hindi ko na siya hinintay para pagbuksan niya ako dahil ayoko lang. Kahit na sabihing pagpapanggap kaming mag-asawa ay wala akong pakialam. Hindi ko siya feel para gumawa ng mga sweet nothings mula sa kaniya. But unfortunately we're married legally.

Me and Reuben were married three years ago. We got married just because of business. Lalo na't ginusto at iginigiit ni mama sa akin na pakasalan ko ito. Ilang pagbabanta ang ang natanggap ko bago man bumuo sa isipan ko na tanggapin ko nalang na ito ang magiging kapalaran ko. Na harapin ko nalang ito. Na panindigan ko na lang ito. Pero ang totoo niyan ay sagad sa buto ang galit ko sa sarili kong ina. Pinilit niyang kunin ang buhay ng magiging anak ko, sana.

Ilang libo na din ako nangangalangin na sana ay huwag magkrus ang mga landas namin ni Farris dahil sa oras na magkita kami ay paniguradong hindi ko na naman kakayanin. Alam kong galit siya sa ginawa kong pag-iwan ko sa kaniya. Alam ko na madadala sa hukay ang pagkasuklam niya sa akin kung sakali.

Walang emosyon sa aking mukha nang nakapasok na kami sa loob ng resto. Dahil lunch time ngayon, may iilan din na kumakain dito. Pero mas umagaw ng aming pansin ang ambiance na mayroon dito sa loob. If I'm not mistaken, French cuisine ang specialty nila kaya ganito kagara ang lugar na ito, bawing-bawi sa interior. It looks like you're living in a renaissance period. And those waiters who're wandering around looks like a waiter because of their uniform.

Bumagal ang paglalakad ko nang matanaw na namin ang dalawang babae na masayang nag-uusap sa isang mesa. Huminto rin sila nang maramdaman nila ang aming presensya. Mas lumapad ang mga ngiti nila nang makita nila kami.

"Reuben, iho! Marguerite, iha!" Reuben's mother greeted us. Agad siyang tumayo para bigyan kami ng yakap. Ginantihan ko naman 'yon kahit papaano.

Napako ang tingin ko kay mama na masaya sa kaniyang nakikita ngayon. Binigyan din niya ng masiglang pagsalubong kay Reuben. Nang nagtama ang aming tingin ay akmang yayakapin din niya ako. Kahit na malaki ang pagkadisgusto ko ay wala na akong mapagpilian pa kungdi tanggapin 'yon. Para hindi na nakakahiya sa harap ng nanay ni Reuben na ngayon ay kasama namin.

Ako na rin ang bumitaw mula sa yakapan namin ni mama. Sakto rin na marahang hinila ni Reuben ang isang upuan para maalalayan niya akong umupo. So I did. Umupo na rin siya sa tabi ko. Rinig ko pa ang pagtawag ng nanay ni Reuben sa isang waiter na agad din kaming dinaluhan para kunin na ang aming order.

Pagkaalis ng waiter ay halos walang gustong magsalita. Nagpalitan lang kami ng tingin ni Reuben. Ang nanay naman niya ay palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa, parang naghihintay ng balita o anuman galing sa amin.

"So, kamusta naman kayong dalawa?" Masayang tanong ni mama sa amin na malapad ang ngiti. Trying to breaking the ice between the four of us. She reached her glass wine and sipped a lil bit from it.

"W-we're good, ma." Pilit na ngiti ang iginawad ni Reuben sa kaniya. Bumaling siya sa akin. Alam kong naiilang pa rin siya kay mama although three years na kaming kasal. I understand him, though.

"It's been three years na buhat nang ikinasal kayo ni Marguerite. May plano na ba kayo magkaanak na, Marguerite?" Sabi ni mama saka bumaling sa akin, sabay marahang ipinatong ang kopita sa kaniyang tabi.

Tila nanigas ako sa kinauupuan ko. Napaawang lang ang bibig ko nang kaunti, wala akong makapa na tamang sagot para sa tanong na iyon. Actually, kailanma'y hinding hindi sumagi sa isipan ko tungkol sa bagay na 'yan..

Unbounded Fondness | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon