CHAPTER 5

5.2K 38 0
                                    

MASAYA SIYANG nag lakad habang naka akbay si Carlo sa kanya. Kanina nung nag tanong lang ang lalaking assistant sa kanya ay sinungitan ito ng lalaki at hinila siya palabas. Nag seselos ba ito? O baka naman nag aassume na naman siya. Ayaw niyang masaktan dahil lang sa isang lalaki. Sabi nga nila action speaks louder than words. Pero baka naman masktan na naman siya pag umamin siya dito na gusto niya ito.

"San mo gustong kumain?" Tanong ng lalaki sa kanya.

"Kahit saan basta may pagkain." Naka ngiti niyang sabi rito.

"Mukhang masaya ka ah?" Natatawa nitong sabi sa kanya.

"Syempre naman. May chocolate ako eh."

Hinalikan siya nito sa labi. Nagulat siya sa ginawa nito. "Carlo!" Sabi niya rito habang sinusubsub ang mukha niya sa dibdib nito dahil maraming naka tingin sa kanila. Nakaka hiya.

"Aww. My baby is shy. Don't worry wala kang dapat ikahiya dahil gwapo ang kasama mo." Sabi nito at nag lakad na.

Pumasok sila sa isanv restaurant. Hindi marami ang in order niya dahil ayaw niyang tumaba.

"Nag didiet kaba?" Kunot nou nitong tanong sa kanya.

"Oo." Naka nguso niyang sabi.

"Your so thin you should eat." Sabi nito sa kanya na para bang siya ang tatay niya.

"I'm not thin! Its called sexy."

"Yeah whatever. Nag papa sesexy kaba sa iba?"

"Anong nag papa sexy sa iba? Hindi no!"

"Good, dapat tumaba ka para akin kana lang." Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa sinabi nito.

"Cheesy." Tudyo niya rito.

"Sayo lang ako ganito." Sabi nito habang naka tingin ng deretso sa mga mata niya.

"Kumain kana nga." Ngumisi lang ito sa kanya.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ay may biglang yumakap sa leeg ni Carlo at hinalikan ng babae ang pisngi nito. "Hey, honey."

"Catherine." Gulat na sabi ng lalaki. Nawala ang emosyon sa mukha niya.

"Oh, may kasama ka pala. Another girl, Carlo?"

"No.. No shes just a friend." Sabi nito habang naka tingin sa kanya. That her cue.

Umalis siya doon ng hindi pinapansin na tinatawag na siya ni Carlo. Mag sama sila ng babaeng haliparot na yun bagay naman sila. Naka simangot siyang pumara ng taxi papunta sa condo niya. Ng maka rating siya doon ay dali-dali siyang nf lakad pa akyat.

Pag pasok palang niya sa condo niya ay tinampal na niya ang mukha niya. Naramdaman na naman niya ang maiinit na likido mula sa kanyang mga mata. Bakit ba niya ito iniiyakan? She's not going there. Ayaw na niyang umibig sa isang tulad niyang manloloko. Selos oo nararamdaman niya ang selos. Ng dahil sa inis na naramdaman niya ay iniyak nalang niya.

"Gaga ka, Lorraine! Wag kang umiyak dahil sa lalaking yun." Sabi niya habang tinatampal tampal ang kanyang mukha. Naka rinig siya ng  doorbell kaya pina kalma nalang muna niya ang sarili niya bago tumayo at buksan ang pinto.

Pag bukas niya ng pinto ay nakita niya ang lalaki. Biglang nawala ang emosyon sa kanyang mukha.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig niyang sabi rito.

"Sorry kay, Catherine--"

"Shut up! Ayokong marinig ang pangalan ng babaeng yun."

"Sorry na."

Reyes Boys Series 1: Carlo ReyesWhere stories live. Discover now