TWO
Sandara's PoV
"Nabi, dito ka lang, ha? May bibilhin lang ako sa labas sandali." paalam ko sa kanya.
"Naku, ako ng bahala dito." sagot mang kiko.
"Salamat po. Saglit lang po ako."
Mag kikita kasi kami bukas ni tita at mama dahil medyo matagal na din nung huling labas naming apat nila Nabi.
Bibili lang ako ng konting pasalubong.
Habang nag lalakad ako may mga bike na dumaan, nag mamadali. Muntik pa 'kong masagasaan.
"Mga gago!" may biglang lalaking sumulpot sa tabi ko. "Anong tinitingin tingin mo diyan?" tanong niya nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
Yung puso ko, ang lakas nanaman ng tibok.
"J-jiyong,"
Tinitigan niya ako paa hanggang ulo. "Baliw ka ba?" tanong niya.
Naramdaman ko na lang na tumulo yung luha ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa mag kabilang pisngi niya.
"J-j-jiyong?"
Diretso niya akong tinitigan sa mga mata ko. Hindi ko napigilan yung sarili ko at yinakap siya.
Ilang minuto ay tinulak niya 'ko palayo.
"Nababaliw ka na nga." pinunasan niya yung dugo sa gilid ng labi niya at umalis.
B-bakit kamukha niya si Jiyong?
Sinundan ko kung saan siya dumaan. Medyo nawala pa ako nung una pero sa huli nakita ko din siya..
nakikipag suntukan do'n sa dalawang lalaki na naka bike kanina.
"Hindi niyo 'ko kaya mga gago!" sabay dura niya do'n sa dalawang lalaki na nakahiga sa sahig.
Nag tago ako nung nag lakad siya papunta sa direksyon ko.
Hindi ako pwedeng mag kamali.
Dumaan na ako sa 7/11 at binili na yung mga dapat kong bilhin at dali daling umuwi.
Kinakabahan pa din ako. Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko.
Hindi naman ako nananaginip.
“Mama, okay ka lang?”
“Hindi, ‘nak.” at yinakap ko siya.