FIVE
G-Dragon’s PoV
“Kamusta na pakiramdam mo?” bungad ni Thunder.
“Tangina kakabukas ko lang ng mata ko ikaw na agad nakita ko.” sagot ko sa kanya.
“Okay, gets, mabuti na pakiramdam mo.” inabutan niya ‘ko ng tubig. “Bakit ba bigla bigla kang umiiyak kanina?”
“Hindi ko din alam.”
“Nakokonsensya kana sa lahat ng ginawa mo?” inirapan ko lang siya at sabay kaming tumawa. “Labas lang ako saglit.”
Kinuha ko yung phone niya na nasa ibabaw ng table at pinasa sa akin yung picture na pinakita niya kanina.
Ako? Nakipag kamay?
Seryoso ba ‘to?
“Sandara..” bulong ko. “Sandara..”
Bakit ang lungkot niya?
Ay nako peste! Ayokong mag-isip.
—
Sandara’s PoV
Sinusubukan kong mag hanap ng kahit anong social media account nitong si G-Dragon pero wala talaga akong makita.
May mga nakikita lang akong post tungkol sa kanya. Mga nag babanta sa buhay niya, ang dami niyang kaaway.
Malayong malayo kay Jiyong.
Bakit ko nga ba sila pinag kukumpara?
Ay nako! Tama na! Ayoko na mag-isip.
“Mama, nasaan si papa?” tanong ni Nabi. “Bakit hindi siya nauwi dito sa atin?”
“Ah, ganito kasi ‘yun Nabi,” binuhat ko siya at ini-upo sa lap ko. “Kanina nung natutulog ka, nag punta dito si papa,”
“Nasaan na po siya?”
“Bumalik na ulit siya sa work niya. Kiniss ka niya’t hinug kanina. Ayaw ka kasi niyang gisingin eh. Iniwan ka niya ng toys, oh?” pinakita ko sa kanya yung binili ko.
“Ayoko ko niyan! Palagi na lang tayo iniiwan ni papa!” tinabig niya yung laruan at tumakbo papunta sa labas.
Naku, manang mana sa papa niya. Pero totoo naman, palagi niya talaga akong iniiwan.
Lumabas na ‘ko at sinundan si Nabi.
Nakasimangot siya habang nilalaro yung mga paru paro. Habol nanaman siya ng habol.
Ngumiti ako nung napatingin siya sakin. Agad din naman siyang lumapit kahit hindi ko siya tinawag.
“Mama, sorry po. Miss na miss ko na po kasi talaga si papa, e.” pag kasabi niya nun agad ko siyang yinakap.
“Shh, ‘wag ka mag sorry. Wala kang kasalanan.”
Kumalas siya sa pag kakayakap ko. Pinunasan niya yung basa kong pisngi. “Bakit palagi kana lang po umiiyak?”
“Huh?”
“Power hug!” sabay yakap niya sakin ng sobrang higpit. “I love you, mama.”
“I love you too, baby ko.”