Ji Yong’s PoV
—6:36 PMPupunta o hindi?
Hay nako ‘wag na lang. Sayang oras.
Makapag twitter na nga lang. Natatandaan ko kasing deactivated pala ang account ko.
Sinearch ko yung “The JI Arts Company” at madaming lumabas about sa company.
Sino naman ‘tong nag post ng picture niya? “Sandara?” bulong ko.
Pupunta siya?
Hindi ko alam pero napangiti ako.
“Edi tara’t mag punta.” kinuha ko yung suit ko at nag bihis na.
—
“I would like to talk to you in private.”
Palihim akong humawak sa puso ko. Ang bigat bigat nanaman ng pakiramdam ko.
Hindi ko malaman kung bakit.
“Jiyong,” bulong sakin ni papa. “Bakit?”
Tinitigan ko lang siya at hindi kumibo. Nag signal siya sa mga tauhan niya’t lumabas.
“U-uhh, b-bakit po?” nauutal niyang tanong. “Huy, bakit?”
““Huy?””
Tumayo siya at nag bow. “S-sorry po.”
“Single mom?” tanong ko sa kanya.
—
Sandara’s PoV
“Single mom?”
Unti unti siyang nag lakad papunta sa harapan ko.
Tumango ako.
“Anong name ng husband mo?”
“J-jiyong, Kwon Jiyong.” sagot ko.
“Oh? Same kami ng pangalan? I mean, ‘di naman parehong pareho, pero, Ji ang apilyido ko’t Yong ang name ko. Ji Yong ang tawag sa akin.”
Teka hindi ba niya alam?
“Hindi mo ba alam?”
“Ang alin?”
“Na heart ng asawa ko yung dinonate sa ‘yo?” ang bigat ng pakiramdam ko.
Hindi siya nakasagot.
“Hindi mo alam?” ulit kong tanong.
Umiling siya. “Kaya, kaya pala ang sakit sakit ng puso ko kapag nakikita kita.”
“Huh?”
Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa leeg ko. “Ayoko ng makita ka. Narinig mo?”
“N-nasasaktan a-ako.” pilit kong inaalis yung kamay niya na nakasakal sakin.
Gulat na gulat siya inalis yung kamay niya.
“S-sorry, sorry.” tinitigan ko siya.
Ang lungkot ng mata niya.
“Jiyong,” tawag ko sa kanya.
Nag tagpo ang mga mata namin.
Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap. “Bakit ganon? Bakit ganito? Ang sakit sakit ng puso ko kapag nakikita ka pero yung isip ko, palaging ikaw yung naiisip.”
“Kasi nararamdaman mo yung nararamdaman ni Jiyong?”
“Hindi pwede ‘to! Umalis kana! Hinding hindi ka tatanggapin dito.” mahina niya akong tinulak. “Masasaktan lang kita!”
“Hind—”
“Alis!!” sa lakas ng sigaw niya napaatras ako.
Napalitan ng galit yung mata niya.
Kinuha ko na yung bag ko at lumabas.
“A-anong nangyare?” pigil sakin nung isang lalaki na maputi at matangkad. “Bakit umiiyak? Bakit sumisigaw si Ji Yong?”
“H-hindi ko alam,” sagot ko.
Bakit ka umiiyak? Bakit ang lungkot ng puso mo, Jiyong? Bakit ang sakit?