three

1 0 0
                                    

THREE

Sandara’s PoV

“Bakit tulala ka diyan?” tanong ni mama sa akin.

“A-ah, anong oras daw po ba siya dadating?” pag katanong ko nun kay mama saktong dating naman ni mamang (mama ni jiyong)

Tumayo ako at nakipag beso sa kanya.

Um-order kami at saka nag usap.

“Kamusta ka naman, Sandara?” tanong niya.

“Ayos lang po.” nakangiti kong sagot.

“Apo, i miss you na.” lumapit si Nabi sa kanya at binugbog niya nang halik.

“Lola, kailan po uuwi si papa?”

Nanahimik kami bigla.

“Nabi, ayan na yung food mo.” basag ko sa katahimikan.

Agad naman nag punta si Nabi sa tabi ko at kumain na. Sabay sabay kaming napahinga ng malalim.

Lumalaki na si Nabi at nag kakaisip na. Basta ang sabi ko pag dating niya ng 10 years old, sasabihin ko na.

“Lola, samahan niyo po ako.” hinila ni Nabi si mama papuntang comfort room.

“Nasasaktan ako para sa bata.”

Pilit akong ngumiti. “Sasabihin ko din naman po sa kanya, yung maiintindihan na niya. May itatanong nga po pala ako sa inyo,”

“Hmm, sige, ano ‘yun?”

“Ano nga po ulit pangalan nung lalaking pinag donate-an ng heart ni Jiyong?”

“Ah, hindi mo maalala kasi wala ka sa katinuan nung sinabi ko sa ‘yo,” mahina siyang tumawa. “G-Dragon.”

“G-Dragon?” tanong ko. Pangalan ba ‘yun?

“Yup! Hindi ko siya na-meet, yung isa sa tauhan niya lang yung nakipag kita satin nun. Remember?” umiling ako. “I knew it.”

“Sorry po, wala po talaga akong maisip that day.” sabi ko.

“Tumanggi tayong bayaran kaya ang ginawa nila pinalaki na lang nila yung business ng mama mo. Bakit mo nga pala naitanong?” paliwanag niya.

Umiling na lang ako. “Nalimutan ko lang po.” dumating na din sila mama.

Hindi ko na lang muna iku-kwento sa kanila yung nakita kong lalaki kagabi.


Nag lakad na lang kami pauwi ni Nabi dahil malapit lang naman sa amin yung kinainan namin.

“Pagod ka na, Nabi?”

“Hindi pa po.”

“Naku, ibig sabihin malapit na.” tumawa siya sa sinabi ko.

Habang nag lalakad kami bigla siyang napatigil. “Nabi, let’s go, ang dami mo ng toys.” nung mapansin kong nakatingin siya sa isang toy store.

“Papa!” bumitaw siya sa akin at tumakbo papunta do’n sa isang lalaki na kumakain ng ice cream.

“Nabi, h-halika dito,” hinila ko si Nabi. “Pasensya na kas—”

Napatigil ako sa pag sasalita nung makita ko kung sino yung niyakap ni Nabi.

Yung lalaking nakita ko kagabi.

Yung kamukha ni Jiyong.

Siya.

“Excuse me?” nakataas kilay niyang tanong.

“Oh,”

“Do I know you?” tanong niya.

Umiling ako.

“Papa! Mama, si papa!” nag tatalon si Nabi sa tuwa at yinakap ulit yung lalaki.

Binuhat ko si Nabi.

“Papa? Mama? Anak mo?” tanong niya.

Tumango ako. Hindi ako makasagot.

Ngumiti siya.

Lumakas lalo yung pag tibok ng puso ko.

Inabot niya yung isang ice cream kay Nabi. “Ang cute mo.” sabi niya kay Nabi. “Pero, I’m not your papa.”

Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

“Sandara,” pag papakilala ko.

Nakipag kamay siya sa akin. Ang init ng kamay niya kahit na kumakain siya ng ice cream.

“G-Dragon.”

At umalis na siya.

swkWhere stories live. Discover now