Ol oen

2 0 0
                                    

Sandara’s PoV
—afternoon

“Mama, saan po tayo pupunta?” tanong ni Nabi na binibihisan ko.

“Doon ka muna mag i-stay kela lola mo kasi ano—may pupuntahan si mama.” sagot ko sa kanya.

“Saan ka po pupunta?” tanong niya.

“Sa meeting, may meeting ako, ‘nak.” hindi naman na siya nag tanong pa ulit.

Nanood na lang kami ng TV habang inaantay si mama na dumating.

Sa totoo lang, hindi ko talaga naiintindihan yung pinapanood namin. Kinakalikot lo yung phone ko at inaantay na mag vibrate.

Hindi pa kasi nag tetext si Ji Yong simula kagabi. Sasabihin niya daw kung saan kami mag pupunta pero hapon na wala pa din siyang message.

“Sandara,” tawag ni mama.

“Andyan na si lola,” sabi ko kay Nabi at isinuot sa kanya yung bag niya.

“Naku, nag mamadali ako, eto,” inabot sakin ni mama yung supot. “Paborito mo.”

Gardenia na naman.

“Thank you, ma. Babye, Nabi!” kiniss ko siya.

“Happy birthday, ‘nak.” bati ni mama sakin. “Enjoy your day.” kiniss ko din si mama at umalis na sila.

Dumiretso ako sa kwarto at nag tingin ng pwedeng suotin. Dress? Errr, jeans? Sweater? Arghh!!

Habang nag hahalungkat ako dito biglang nag vibrate yung phone kong nasa bulsa ko.

Appler Restaurant? Ayun yung paborito naming restaurant ni Jiyong, e.

Pero teka lang, on the way na agad siya! Eh hindi pa nga ako nakakapili ng susuotin ko.

“Eto na nga lang.” kinuha ko na yung oversized shirt at jeans ko.

Nag pabango na ‘ko at nag sapatos. Mag aabang pa pala ako ng taxi hanep oh. Ayoko kasing bumili ng kotse, alam niyo na.

Lumabas na agad ako at nilock yung pinto. Pag harap ko nagulat ako nung may sasakyan na nakaparada sa harapan ng bahay,

At may lalaking nakatayo sa harapan ko.

“Ji Yong..”

“Ta-da!” ginulat niya ‘ko kahit sobrang late na para do’n.

Naka jacket siya at jeans. Mabuti na lang pala hindi ako nag dress.

Pero bakit nandito siya?

Paano niya nalaman na dito ako nakatira?

swkWhere stories live. Discover now