Sandara’s PoV
Habang nag luluto ako biglang nag vibrate yung phone ko.
Nakatanggap ako ng email galing sa company na pinasahan ko ng ilan sa mga works ko.
“Nakapasa ako! Nakapasa ako!!”
Binasa ko ulit kasi baka nag kamali lang ako. Pero totoo! Nakapasa ako! Final Interview na lang tapos ayos na.
Two years ago nung mahiligan kong mag painting, hindi naman ako kagalingan pero kahit papaano nalilibang ang isip ko.
Sinubukan ko lang mag pasa hindi ko naman akalain na makakapasok ako.
In fairness, ang ganda ng taste ng company na ‘to, The JI Arts Company.
—
G-Dragon’s PoV
Habang nag lalaro ako ng games sa computer bigla na lang may bumato ng bote sakin.
Hindi ko pinansin.
“Tangina talo tuloy!” sigaw ko at ni-restart yung game. “Yung mga peste diyan lumabas muna, ha!”
“Peste?” tanong niya. “Ayan ba ang tawag mo sa taong nag palaki sa ‘yo—”
“at ginawang miserable ang buhay mo?” putol ko sa drama niya.
Hinugot ko sa pag kakasaksak yung computer ko kahit ko pa pinapatay.
Tumayo ako’t hinarap siya.
“Bakit hindi mo pa ‘ko diretsuhin? Alam kong may kailangan ka kaya nandito ka.” ngumisi ako.
Ngumiti siya. “Nahuli mo agad ako,” uupo sana siya sa kama ko pero inunahan ko na siya sa pag higa.
“What?”
“Mag punta ka mamaya sa company at merong final interview. Alam mo naman, ikaw lang ang maaasahan ko sa ganitong bagay. Bakit ba hindi ka nalang bumalik sa pag pa-painti—”
“Get out.” putol ko sa kanya.
“7PM. 61st Anniversary ng company, wear something nice.” sabi niya at umalis na.
“At death anniversary ni mama at papa..” bulong ko.