Thunder’s PoV
Pag pasok ko sa loob naabutan ko si G-Dragon na nakaupo sa lapag.
Tumakbo agad ako papunta sa kanya. “Boss!” tawag ko. “Anong nangyare?”
Nakita ko siyang nakahawak sa dibdib niya. “Ang sakit nanaman.”
Hindi na ko sumagot at tinulungan na lang siyang tumayo. Sinuot ko ulit sa kanya yung cap ko at lumabas.
Hinarang kami nung babaeng kausap ko kanina. “Ji Yo—”
“Pwede bang lubayan mo na siya?”
Hindi ko na inantay na sumagot siya at nag diretso na ‘ko sa pag lalakad.
Isinakay ko na siya at nag drive na pauwi.
—
Sandara’s PoV
Naisipan kong dumaan ng convenience store para kumain ng ramen. Naalala ko kasing hindi pa pala ako nag hahapunan.
Habang nandito ako sa labas at inaantay na medyo lumambot yung noodles may lumabas na couple.
“Ang hilig mo talaga sa tinapay na ‘yan.” sabi nung lalaki.
Tinignan ko yung bitbit niya, gardenia.
Tumawa yung girlfriend niya. “Paborito kasi ‘to ni Jiyong. Palagi niyang binibili ‘to dati nung nag-aaral pa kami sa Waygi.”
“Puro ka Jiyong.” pag tatampo nung boyfriend niya.
Napangiti ako.
Pero naiiyak nanaman ako.
Matapos kong ubusin yung pagkain ko tumayo na agad ako para umuwi.
Habang nag lalakad ako may biglang humarang na dalawang lalaki sakin. Naka all black sila’t nanlilisik ang mga mata.
“Alam mo miss, kung ako sayo ibibigay ko na ‘yang bag mo sa amin para wala ng mangyare pa.” sabi nung isang lalaki.
“Wala kayong makukuha sakin!” sigaw ko sa kanila at tumalikod para mag lakad.
Pero hinila ako sa buhok nung isang lalaki at pilit na kinukuha yung bag ko.
Sinuntok ako sa tiyan ko. Nahilo ako, pero, lumaban pa din ako para hindi nila makuha yung bag ko.
Naramdaman kong sinuntok ako sa mukha. Ang sakit. Nalasahan ko yung dugo.
“Tangina ganyan na ba kayo kababaw para pag initan yung babae?”
Tinanaw ko yung lalaking nag salita. Nanlalabo na yung paningin ko pero kitang kita ko kung sino siya.
“G-Dragon?” sabi nung dalawang lalaki. “Buhay ka pa ding hayop ka?”
Napaupo ako sa sahig. Doon kami nag kita ni Ji Yong. Napatingin siya sakin at kitang kita kong nanlaki yung mga mata niya.
Napa ubo ako at may lumabas na dugo galing sa bibig ko. “D-dugo..” bulong ko.
“Tangina niyo pala talaga, no?” narinig kong sigaw ni Ji Yong.
Nakita ko na lang na nag susuntukan na sila at tuluyan ng nag dilim ang paningin ko.
—
Sandara’s PoV
“Miss,” dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. “Kamusta ang pakiramdam mo?”
Inilibot ko ang paningin ko at saka ko nalaman na nasa ospital na pala ako.
“P-paano ako napunta dito?”