Taong 1990 , buwan ng abril nagsimula ang pag iibigan namin ni Delilah, matagal tagal bago ako sinagot ng aking pinaka mamahal na babae.
Dalawang taon at siyam na buwan bago ako sinagot ni Delilah, para sakin ang paghihintay ng matagal ay wala lang kung matamis naman nyang Oo ang aking makukuha. Kaya naman ng sagutin nya ko ay sobrang saya ko.
Paano ba naman eh hindi lang naman ako ang kaniyang manliligaw.
Walo kami. Walo kaming masugid na nanliligaw sakanya, pero sa pitong iyon na kalaban ko sa panliligaw kanya , sa isang manliligaw nya lang ako masyadong kinakabahan.Dahil bukod sa magandang lalaki ito ay mataas pa ang pinag aralan at may maipagmamalaki pang trabaho.
Di gaya ko na ako ang pinaka kulelat sa lahat ng manliligaw nya.
Bukod sa di naman kagwapuhan hamak na jeepney driver lang. Hindi pa kaputian. Oh san kapa?Ang pamilya ko naman..
Umpisahan natin kay tatay na manginginom at jeepney driver din. Si nanay naman labandera ng halos buong barangay na ata namin
sapagkakatanda ko.Panganay ako sa tatlong magkakapatid, ang sumunod sakin lalaki medyo pasaway pero mabait naman pag walang saltik. Ang bunso ay babae sobrang bait nun at sobrang talino sa math, minsan nga napapaisip ako kung may iba pa bang tumatakbo sa isip nya bukod sa pagbibilang at pagkakalkyula.
Balik tayo kay Delilah..
Ang aking sinta.
Ang aking pinakagigiliw na si Delilah.Tandang tanda ko pa nang unang beses ko syang masilayan ..
Mag uumpisa palang ang araw kaya maaga ako sa pwesto ni aling puring para kumain ng paborito kong lugaw bago mag umpisa ang maghapong pamamasada, ilang hakbang lang ay nasa palengke kana mula sa lugawang aking kinakainan.
Medyo madilim dilim pa ng umagang iyon. Nagulat na lamang ako ng may aleng sumisigaw at humihingi ng tulong dahil ang bag daw nyang pamalengke ay natangay ng mandurukot.
Saktong sakto papatakbo sa gawi ko ang kawatan at agad kong pinatid ang luko luko." Aray putang-- bat moko pinatid?!!! "
Galit na bulyaw sakin ng magnanakaw habang iniinda ang nasaktang katawan." Di kaba naman loko? Ale nanakawan mo? Agang aga! Kulang pa yan! " ganting sigaw ko at sinabayan ng tadyak sa sikmura nito na agad namang ikinapilipit nito.
"Asan ang bag? " usig ko dito, ramdam ko ang kumusyon at pagdami ng tao dahil na din sa nahuling kawatan.
Kanya kanyang ingay at bulungan ang nagaganap ng biglang may nagsalita sa kumpulan ng mga tao .
" asan? Asan na ang walang hiyang magnanakaw na yan? Ang bag ko? Nasan na? " anang ng aleng nanakawan."Eto ho ang magnanakaw, narito din ho ang bag nyo " sagot ko sa ale.
" Walangya ka! Batugan! Bastos! Walang galang sa matanda! Magnanakaw!! "
Galit na sabi ng ale habang panay ang hampas sa mukha at braso ng walang palag na kawatan.Beast mode ang ale .
Buti nalang at may mga maagang nag iikot na pulis at agad dinampot ang magnanakaw bago pa ito tuluyang mabugbog ng ale.
Kapag kuway napadako ang paningin ng ale saakin. Malambot na ang ekspresyon ng kanyang mukha at tila papaiyak na.
" Iho, maraming salamat. Kung di dahil sayo baka napano na ako. Napaka buti mo paano ba kita mapa-- "
" Nako walang anuman po. Kahit sino naman po siguro'y gagawin din ang ginawa ko kung nagkataon. " agad kong putol sa sasabihin pa sana ng ale.
" Hindi lahat iho. Hindi lahat ay may ginintuang puso katulad mo. " patuloy ng ale. Grabe naman nakakataba ng puso.
BINABASA MO ANG
Umiibig Na Si Paeng
RomanceMahal kong lily .. Hindi mo man ako nakikita .. o naririnig .. Gusto kong ipaalam sayong lagi akong nasa tabi mo. Patuloy na umiibig.. Kasabay nang pag-agos ng tubig sa ilog at pag-ikot ng mundo. Walang mintis akong mananatili nakatayo.. Sa kwar...