Chapter 1

6.7K 166 14
                                    

Ang Unang Kembot

Alex's POV:

"Lapit mga suki, presyong abot kaya, sampu, sampu, bente, trenta at iba pa!" Kantang sigaw ko upang makapagbenta ng mga binibenta kong benta, 'diba ang gulo? Anyway, basta benta! (LOL!)

Ako nga po pala si Alex Molina, 18 years of age, Philippines! I believe in the saying (charrr English speaking moi) that, 'What is beauty if your brain is empty, but what is knowledge if your face is damage.' and I thank you! Chos! Isang quote na bet ko rin: Naniniwala po ako sa isang kasabihang, 'Bakla man ako sa inyong paningin, pero ang lolang 'to kaya kang pataubin!' and I.. thank you again! Hahaha!

Nag-aaral ako ngayun sa Stanford Academy rito sa pinas ang isa sa mga prestigious schools. Isa akong 1st year college na kumukuha ng BSED major in English,
Kung nagtataka kayo kung bakit ako naka punta sa school na to e ang poor namin? Will may scholarship po mga besh! Ano to biglang yaman? Fairytale besh? Di masamang mangarap besh! pero gising naman sa katotohanan pag may time! Jwk. Yun nga po scholarship di nga lang full may babayaran parin, kaya ako nagtitinda ngayon sa school ng mga pagkain at nagtatrabaho bilang waitress? A/N: Ansaveee! Babae ka gurl? Haha bitter! Waiter ok na? Tch! Waiter po sa isang Café sa hapon hanggang gabie.

"Hoy moret! Anong kaguluhan to? Bat ka nagbagsak presyo? Palengke beh?" Pagtatanong ng best friend as in forever ko

Bali magkaibigan na kasi kami ni Dianna Gumela ever since pre-school, kasi naging kasambahay nila si mama noon.

"Ikaw lang pala moret" May pagkadismaya look ganern!

"Sino pala gusto mo moret si Byan? At Nako wag mo ko ma lang lang bakla ka! Baho ng utot mo kabisado ko na" pang aasar ni Yana inshort

"Langya ka! Pati utot ko dinamay mo, at isa pa wag mo na ipa-remind sakin ang walang kwentang si Bryan na yun he's not worth it!" May pa taas kilay effect kong pagsasaad para sabihing mataray choss!

Si Bryan nga pala ang EX boyfriend ko kaya EX kasi wala ng value choss!, iwan ko ba kong bakit ako nahulog sa walang kwentang lalakeng yun! Tas ngayun pinagpalit ako sa anak ng boss nyang may-ari ng auto-shop langya! Mukhang hipon nga yun nako bryan di ka kawalan! Di ka kawalan, pinagpalit mo nalang nga ako sa lamang dagat pa pweeeeh!!

"Eh ano nga? Bakit may bagsakan ng presyo? Ano to roleta sale?" Naiinip at pagaasar ni Yana sa Roller na Malitang lalagyan ko ng mga mga paninda ko.

"Hoy! Diego! May utang kapang singkwenta tas ang rami ng pinapakyaw mo parang may pangbayad karin no!" Bulyaw ko rito na nagpahiyawan naman sa lahat ng ooooow, bali scholar rin si Diego kaya ganon

Binaling ko na kay Dianna ang aking atensyon

"Hindi luka! Nahihilo na naman kasi si mama kailangan ko ng pera para mapacheck up sya" pagbibigay ko ng dahilan sa bagsakan presyong nagaganap

"Nako, ano man? ok lang si auntie?" May pagaalalang tanong ni Yana inshort

"Langya ka! Bat ako tinatanong mo doctor ba ako? Yan si Tina oh! Nurse di mo kita uniform? Siya tanungin mo gaga!" pangbabara ko sa kanya, haha

Ganyan na talaga kaming magkaibigan parating nagkakabangayan at nag-aasaran at hingit sa lahat nagbabarahan.

"Langya karin! Seryoso na si akiss tas niloloko mo ko dinamay mo pa si Tina" pagpapahayag ni Yana

"Okey lang mga beshies! Oh, ito bayad ko bakla, keep the change" pagabot ng bayad ni Tina

"Langya ka! may pa keep the change kapang nalalaman ipalunok ko to sayo mga hawak kong barya" pangaasar at pangloloko ko kay Tina

The Truth Behind LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon