Dinner Date
Third Person's POV:
Halos na haloghog na ni Yohan ang buong Beach Resort sa nuknokan nito ngunit di nya parin makita si Alex, nadako ang paningin ni Yohan sa isang light house na nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam kayat walang ano paman ay karakaraka nya itong pinuntahan. Inakyat nya ito at inikot hangang sa makita ng kanyang mata ang kanina nya pang pinaghahanap. Wala itong ginawa kundi ang umupo lang sa tabi ni Alex at hindi man lang nagsalita, nakikita nyang buhos parin itong umiiyak. Naramdaman ni Alex ang presensya ng binata kaya't pigil itong umiyak at pilit na umiiwas upang di nito makita ang pagiyak. Ilang minutong katahimikan ang namuo sa kanilang dalawa, tangin ang alon ng dagat, ihip ng hangin at ang kasiyahan sa di kalayoan ang maririnig at iilang hikbi. Sa paglubog ng araw upang lamunin ng dagat ay nagbigay ito ng napakagandang kulay sa mga ulap, nahinto narin sa pagiyak si alex at tinoon ang paningin sa araw na kalahati nalang ang makikita habang nilalamon ng dagat.
"Wala ka bang sasabihin?" Basag ni alex sa katahimikang kanina pa namamayagpag
"Wala" simpling sagot nito
Hindi na nagawapang mag-imik pa ang dalawa hangang sa tuloyan ng lamonin ng dagat ang araw at dumilim na.
"Um, yohan" sagaral parin ang tinig ni alex kahit na ilang minuto na itong tumigil sa pagiyak
"Hhmm" tanging togon naman ni yohan na sa kalangitan parin nakatingin
"Ginugutom na ako" mahinang saad ni alex na sakto lang upang matinig ni yohan
"Sino ba namang hindi? Limang oras ka kayang magdrama tignan natin kung di titili yang sikmora mo" natatawa naman nitong komento na nagpapula kay alex ng sobra at umiwas ng tingin
"Kanino kayang plano ang mag out of town ng wala sa oras? Abay malay ko bang ito pa ang magiging dahilan para malait at maalipusta ako ng ganun" pagpapatama naman ni alex
"O sige na! Ako na may kasalanan!" Pagsuko naman ni yohan at sabay gulo ng sariling buhok
"Tara na nga ng makakain na" dagdag pa nito sabay kamot sa batok at tayo
Akmang tatayo na rin sana si alex ng makita nya ang kamay ni yohan hudyat na nagaalok ito ng tulong kung kayat kinuha niya na lamang ito.
Bumaba na sila ng light-house at nagtungo sa silid nila upang makapagbihis. Habang nasa cr si alex at naliligo ay nagayos na si yohan ng dinner nila which is planado nya na nung una palang.Alex' POV:
Nang lumabas ako ng cr ay walang anino ng asungot na si yohan akong na aninag, habang nagbibihis ako ay naalala ko ang katangahan, kagagahan, kadramahan at karupokan na ginawa ko kanina. Tae na malagkit! Umiinit na naman ang pisngi ko, bakit kasi sa lahat ng katangahan sa harap pa talaga ng damohong yun! Maaasar na naman ako ng bonga ng tokmol na yun hesh! San nga pala ang damohong yun? Lumabas na ako ng kwarto at hinaloghog ang buong sulok ng vacation house ng tokmol di ko parin sya na aninag kayat lumabas na ako. May nakita akong isang mukhang bouncer sa tapat ng bahay pagkalabas ko, nahihiya man e kinausap ko nalamang ito
"E-excuse me po k-kuya?" Tae! Mukhang isang maling galaw ko lang itotomba nya agad ako, abay nakakajokot mga moret! Hindi lang ang katawan nya ang puno ng abs pati mukha nya mayroong 6 pacs bakla! Kaloka!
"Yes maam?" Sagot nito, Ay pak na pak! Mukha pala akong maam hahaha sige abswelto kana sakin kuya
"Kilala mo po ba si Yohan Tyler Stanford?" Pagtatanong ko ng nakangiti
"Kayo po ba si Alex?" Ay! Uso pala tanong ang isasagot sa tanong?
"Bakit po? Nagmamatter ba ang sagot mo sa isasagot ko? Pagtatanong ko pabalik, abay baka akala nya maiisahan nya ako, wag ako! Pagbarahan ang usapan? Hindi pa ako natatalo
"Ah hindi naman po, nagtatanong lang ng makasigurado" sagot nito
"Ah ganun ba? So, kilan mo balak sagutin ang tanong ko?" Enimbyerna mo si akiz!
"Ah eh na sa may tabing dagat po, doon sa malapit sa light house po" sagot naman nito
"Thank you kuya, kung sinagot mo lang tanong ko nung una hindi tayo magtatagal" tugon ko na lamang at umalis na, narinig ko pang magsorry sya pero di ko na pinansin. ganito ako pag gutom mainit ang ulo parang nireregla.
Naglalakad na ako papunta sa kinaroroonan ng kapreng yun hangang sa na aninag ko ang isang parang dinning area sa tabi ng dagat, nakakamangha ito sapagkat itoy may apat ng haliging nakabalot sa puting tela at mga bulaklak habang nasa gitna naman ang table na may magagandang bulaklak sa gitna. Ang tanging nagpapaliwanag lamang rito except sa dim na ilaw sa taas ng kurtinang bubong ay ang napakaraming kandila. Napakaganda nito at nakakamangha, ngunit ang mas nakakapaganda pa sa ambience at paligid ay ang lalakeng nakatayo sa di kalayoan habang nagluluto. Shemay! Mga bakla para akong nanaginip putek! Ewan ko kung bakit parang ang hot nya tignan magluto, the fact na wala syang top at apron lang ang nakatakip sa kanya ngunit nakikita parin ang mala greek god body nya, putek! Naglalaway na ako! Pero sa fudang huh! Hindi sa kapreng yan na kanin nalang ang kulang kasi ulam na ulam na. Ano daw? Timang! Laswa mo! Ano ano pinagiisip mo, gutom lang siguro to. Lumapit na ako sa kanya para dakmain siya ay este tumolong sa pagluluto.
"Wag kana tumulong, umupo ka nalang at matatapos na ako" saad nito sa napakadeep nitong boses na kahit anong oras mahuhulog ka talaga, putek! Ano ano ba pinagsasabi ko! Hindi sa mahuhulog ako sa kanya ang ibig kung sabihin, basta! Yung boses nya napakalalim!
Umupo na lamang ako sa upuan ng nakaharap sa kanya habang naghahanda siya ng kakainin namin. Di ko alam marunong palang magluto ang tokmol nato. Pero infernes mga moret panghubby material niya tignan, be my daddy po and ill be your babygurl charoot! Erase na nga sa mga pinagiisip ko! Baka isipin ng lamanglupang yan pinagsasamantalahan ko ang katawan nya. Well! Di ko kasalanan no, sino ba nagsabing magluto sya ng topless?? Duhhh. A/N: So inaamin mong pinagsasamantalahan mo nga? Gaga! Ewan ko sayo Author! Magsulat ka nalang kaya no ng makabawi ka? side comment pa! Tch!
"Dinner is Served" saad nito sa baritone nitong boses. Bat di maalis alis ang tingin ko sa lahat ng ginagawa nya, kanina pa to ah parang nag e-slowmo rin sya, feeling ko nalipasan na ako ng gutom kaya ano ano pinagsasabi at pinagiisip ko.
"The way you stare parang gusto mo kong dakmain ah? Naglalaway kapa" makaloko nitong saad pagkaupo nya sa kanyang upuan na nakapagbihis narin
"Wow huh! Ikaw? Dadakmain ko? Taas ng tingin natin sa sarili ah? Pagkain kaba para dakmain? Saka kung naglalaway man ako hindi sayo sa pagkain kasi gutom. na. po. ako!" Sagot ko naman sa kanya, kaloka! Ako dadakmain sya? Dakmain kita jan! Lul joke lang!
"Ok ok no need to be so defensive" natatawang saad naman nito at nakataas pa ang kamay na parang sumusuko
"No im not!" Pasigaw ko namang tugon
"If you say so" sabi nya ng nakasmirk at nakagrudge. Hindi na ako umimik at inirapan na lamang sya baka san pa mapunta ang usapan at humaba pa ang bangayan di man lang ako makakain. Naku! Pagnangyari yun sya kakainin ko rawrrr! hahaha
Tahimik lamang kaming kumakain na parang nasa awkward situation, basta ako? Banat gurl! Gutom si akitch! Kahit payat ako wala sa vocabulary ko ang magdiet to maintain my figure lalo na pag ako ginutom ng bonga!
Abanga...
![](https://img.wattpad.com/cover/148003404-288-k103532.jpg)
BINABASA MO ANG
The Truth Behind Lies
HumorThe things that happened in the past stays in the past but, what if the past repeat itself? can they change the out come? should they rewrite their faith? or should they just stay out of it? let's slowly untangle the truth behind everyone's Lie and...