Hello ulit at welcome sa bagong kabanata ng aking rant book!
So ngayon naman ang ating pag-uusapan ay PROMDI PRIDE.
Baka magtanong kayo, "Ate ano po ang Promdi Pride? Ano na namang ka walanghiyaan to? "
Bago po ang lahat gusto ko pong ipaalam sa inyo na ako ay isang proud probinsyana and from the City of Love, Iloilo City!
Bilang isang probinsyana ay nahuhurt ako kung paano iportray ang mga kagaya ko sa mga wattpad books.
I just can't stand all these clichés na basta promdi manang, mangmang, puno ng libag, laging ginagawang katulong. SERIOUSLY PEOPLE STOP ASSOCIATING ALL THESE NEGATIVE ATTRIBUTES WITH PROVINCE GIRLS!
(Note: wala po akong anything against sa mga kasambahay. I think it is a very noble job.)
Kasi po besides the fact na it's very very offensive, it's also inaccurate.
Writer ka! Your job is not just to entertain people but also to educate them. Ang pagiging isang manunulat ay may kasamang responsibilidad na palawakin ang pag-unawa ng iyong mga mambabasa, dalhin at ipakilala sila sa mga bagong lugar at kultura.
Isipin niyo po kung gaano kayo na fail sa aspect na yun dahil sa mali-maling stereotypes na inintroduce niyo. Hindi lahat ng probinsyana bobo! Hindi lahat ng probinsyana manang! Lalong-lalo na hindi lahat ng probinsyana mahirap at walang pinag-aralan!
Just saying na oo nga nag-eexist na talaga ang mga stereotypes na ito kahit noong bago pa tayo pinanganak. Pero hindi po ibig sabihin noon ay palagi nalang ganito at hindi talaga kayo magbobother na i-correct yun.
I'm just saying that if you look at it in a different light, life in the province is far more sophisticated than the life in the capital. Okay! Keep all the violent reactions flowing I don't give a shit.
I travel a lot and I see different places and meet different kinds of people. Bahala po kayo kung maoffend kayo pero ang pina po ka balahurang mga tao na nakilala ko ay mga taga-Manila.
Seriously ano ba ang mapululot mo dun eh lagi namang madumi, mabaho, masikip, magulo, mausok at puno ng krimen ang Maynila. Tapos kaming mga taga probinsya pa ang may mga pangit na attributes. Food for thought people. Food for thought.
Ok. Hindi ko po kayo nilalahat. Pero sana huwag niyo rin po kaming lahatin.
For your information marami po ang mamayaman at sopistikadong pamilya sa probinsya. In fact most of the great families in our country came from provincial roots.
Katulad po ng mga taga Maynila. Let's face it. Hindi kayo lahat mayayaman at sobrang taas ang pinag-aralan kaya please kung puro walang kwentang bagay lang ang isusulat niyo pwedeng tumahimik nalang or atleast do some research!
I wrote this chapter to help stop this offensive stereotypes not just for all the promdis but for all the unrepresented minorities.
Kung talagang magsusulat kayo make it to a point na na-educate niyo ang mga readers niyo hindi yung ginawa niyo pa silang bobo.
Let this sink in everybody's mind.
Again stop these offensive stereotypes!
Accuracy for the minorities!
Promdi Pride!
- Ate Dan
Ps: Kung nakarelate ka vote and comment #PROMDIPRIDE
Pagnatamaan ka naman at may violent reaction 'wag din mahihiyang mag comment inline para mablock na kita. 😂😂😂😂
Have a happy life!
BINABASA MO ANG
Dan's Random Rants
AcakNo content of this book is directed to any particular account, writer, or story. This work contains my OPINIONS and reactions to random relateble things in wattpad. Please... Please... Please... DO NOT ATTEMPT TO READ THIS IF YOU'RE A CRYBABY AND A...