010 | Narr.

533 30 4
                                    

Fayre

5pm pa naman ang simula ng party pero 4pm palang ay marami ng tao sa covered court ng campus. May ilang mga student ang nagsesetup ng mga gamit sa stage habang ang karamihan ay kausap ang mga clubmates nila.

Sabay kaming pumunta ni Summer dahil baka kung saan pa siya mapunta kung mag-isa lang siya. Isa pa, baka ma-out of place lang siya kahit pa kasama niya ang iba pang members ng art club

5pm ang usapan pero 5:30pm na nagsimula ang party dahil may ilan pang clubs na wala sa court. Nag-umpisa ang event sa opening remarks ni Silver. May ilan itong pinasalamatan at isa na doon ang magaling niyang kapatid na si Blue, na kasalukuyang nakatingin sa direksyon naming dalawa ni Summer.

"Yung crush mo," bulong ko kay Summer at tinabig siya.

Ngumisi si Blue sa aming dalawa bago muling ibinalik ang mga mata niya sa kanyang kapatid.

"Mukhang mas komportable siya sa paligid niya ngayon," bulong ni Summer.

Bahagya akong naguluhan sa sinabi niya ngunit nagliwanag ang lahat nang mapansin ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Mukhang tuwang-tuwa si Blue dahil kasalukuyan siyang napapaligiran ng mga babae sa kinatatayuan niya.

"Masanay ka na. Ganyan talaga si Blue," sagot ko.

Hindi rin naman nagtagal ang speech ni Silver. Matapos ang ilang mga pasasalamat ay nagsimula na ang palaro.

"Kapag namatay ang mga ilaw, ang mga babae ay mananatali sa kinatatayuan nila habang ang mga lalaki naman ang mag-iikot. Once na makapili na ang mga lalaki ng partner nila, titigil na kayo sa harap ng unknown girl na napili niyo. At kapag muling sumindi ang ilaw, kung sino man ang nasa harap niyo ang siyang makakasama niyo sa buong event. Copy?"

Sumigaw naman ang lahat bilang pagsang-ayon. Naghanda na ang bawat lalaki. Ang ibang mga may girlfriend ay mabilis na sinaulo kung saang direksyon sila maglalakad.

"Girls, bawal kayong magsalita. Please lang, walang pikunan kung hindi man boyfriend niyo ang maging partner niyo."

Nagtawanan naman ang iba sa sinabi ni Silver. Nagsimula na siyang magbilang ngunit nang lingunin ko si Blue ay parang wala itong interes na umalis sa kinatatayuan niya. Pagbilang ni Silver ng tatlo ay namatay ang ilaw at tanging ang mga yabag lang ng mga paa ang maririnig.

Madali lang naman ang larong ito. Ang kailangan ko lang gawin ay iwasan si Blue dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa ginawa niya, kahit pa ibinalik nila sa Day 1 ang Art Club. Mukhang wala rin naman siyang balak umalis sa kinatatayuan niya kaya't ang iniisip ko nalang ngayon ay sana ka-close ko ang maging partner ko.

Nang bumukas ang mga ilaw ay bumungad sa akin ang nakangising si Blue.

"So, ngayong partner na kita, siguro naman hindi ka na tatanggi? Wala na 'tong halong pandadaya," sabi niya at inilahad ang kamay niya, ngunit tinabig ko lang ito.

"Asa ka," sagot ko at inirapan siya.

"Ayaw mo?" tanong niya. "Mr. President! Paano pag-ayaw pumayag ng partner?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pagsigaw ni Blue. Una sa lahat ay hindi niya tinatawag na kuya o Mr. President si Silver. Pangalawa ay dahil sa pagsigaw niya, nasa aming dalawa na ang atensyon ng mga tao.

"Demerit sa club kapag ayaw sumama ng mga partners niyo," sagot ni Silver na nakatingin sa direksyon namin.

Napairap nalang ako at padabog na tinanggap ang nakalahad na kamay ni Blue.

"I hate you!" bulong ko sa kanya, ngunit ngumisi lang siya.

narcissist ; k.th + k.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon