020 | Narr.

459 28 14
                                    

Blue

Kasalukuyan akong nasa cafeteria kasama ang iba ko pang mga kaibigan para maglunch. Prente akong nakaupo sa isang gilid habang nag-uusap ang mga kasama ko.

"Tara sa bahay mamaya. Laro ulit tayo ng PUBG. Boring magsolo," sabi ni Brent na nakaupo sa tabi ko.

"Pass," walang ganang sagot ni Mint.

Siguradong matutulog na naman siya mamaya pagbalik sa dorm. Wala naman siyang ibang ginagawa pero bihira siyang sumama sa amin. Mas gusto niya pang matulog kaysa sumama sa mga gala namin.

"Halos kasing nipis na ng papel yung foam ng higaan mo sa kakatulog mo. Sumama ka na," pagpupumilit ni Chase pero siniko lang siya ni Mint.

Natigil ang diskusyon nang dumating ang tatlo pa naming kasama. Dala-dala nila ang mga lunch namin. Isa-isa nila itong inabot sa mga may-ari bago sila tuluyang umupo sa kanya-kanya nilang silya.

Habang pinagpapatuloy nila ang pag-uusap ay tahimik akong palinga-linga sa paligid. Ilang minuto na akong nakaupo dito ngunit hindi ko pa nakikita si Fayre na pumasok sa cafeteria. Sampung minuto na rin ang nakalipas nang matapos ang last class niya sa umaga.

Halos mapatalon ako mula kinauupuan ko nang maramdaman ko ang sobrang lamig na tubig na bumuhos sa akin. Habang ako ay halos manigas sa kinatatayuan ko, ang mga kasama ko naman ay nanlaki ang mga mata at nakatingin sa iisang direksyon.

Napatayo ako sa aking kinauupuan at lumingon ako mula sa aking likuran. Tumambad sa akin si Summer na nakangisi habang hawak ang balde. Mukhang iyon ang pinaglagyan ng tubig na ibinuhos niya.

Napakagat ako sa aking labi at napakuyom ang mga kamao ko dahil sa pagtitimpi.

"Ano bang problema mo!?" pasigaw kong tanong sa kanya. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako pinagtitinginan ng ibang mga estudyante.

"That is lesson number one," sagot niya at kumindat bago lumakad palayo.

Napasuklay ako sa basa kong buhok at napasuntok sa mesa na nasa harapan ko dahil sa sobra kong galit.

"Sino yun?" halos pabulong na tanong ni Chase.

Padabog akong umalis at pilit na hinabol si Summer. Halos wala na akong pakialam kung basang-basa ang suot ko at pinagtitinginan ako ng mga tao.

Mabilis akong tumakbo nang makita kong naglalakad sa corridor papunta ng comfort room si Summer. Nang maabutan ko siya ay agad kong siyang hinila sa pulsuhan niya at isinandal sa pader. Iniharang ko sa magkabilang gilid niya ang mga braso ko na. Laking gulat niya nang makita niya ako.

Napangisi nalang ako habang tinitignan ng maigi ang reaksyon sa mukha niya.

"Alam mo ba kung anong gulo ang pinasok mo?" halos pabulong kong tanong sa kanya. "Don't worry, I'll make sure na ito ang gulo na hinding-hindi mo makakalimutan."

Hinawi ko ang buhok sa mukha niya bago umalis sa harapan niya.

Hindi ako papayag na walang ganti sa ginawa niya sa akin. I'll make sure na triple ang babalik sa kanya. Yung tipong siya ang matututong huwag akong kalabanin.

narcissist ; k.th + k.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon