Blue
Hindi pa ako nakakapasok sa cafeteria ay agad na akong nahila ni Fayre papunta sa kung saan. Sa kaliwang kamay niya ay hawak niya si Summer, at sa kanan naman ay ako.
"Saan ba kase tayo pupunta?" naiirita kong tanong.
Napunta ang mga tingin ko sa direksyon ni Summer. Ilang matatalim na tingin ang ibinato niya sa akin. Senyales na huwag na akong magtanong.
Sa totoo lang ay alam ko naman talaga kung anong mangyayari ngayon. Buo na ang loob ni Fayre na umamin kay Silver. Pero kahit ganoon ang desisyon niya ay kinukwestyon ko pa rin ang sarili ko kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng pagtutol.
Gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko alam kung paano. Ayaw ko namang sa akin manggaling kung ano talaga ang tunay na relasyon ni Silver at Ivy. Ayaw ko rin namang isikreto iyon sa kanya dahil siguradong pag nalaman niyang alam ko ang sikretong iyon ay magagalit siya. Sa kabuuan, ayaw ko sa kinatatayuan ko ngayon.
Habang palapit kami ng palapit sa garden ay natatanaw ko na ang pigura ng magaling kong kapatid. Nakaupo ito sa bench na madalas kong higaan kapag nag-aantay ng uwian ni Fayre. Nakalimutan kong hindi nga pala niya alam na nagquit na ako sa swimming team para lang masundan siya pauwi. Gusto ko lang kasing masigurado na safe siya.
"Dito lang kayong dalawa," sabi ni Fayre nang makaabot kami sa arko na nasa bungad ng garden.
Lumingon siya kay Summer at binigyan siya nito ng isang ngiti, habang sa akin naman ay inirapan niya lang ako. Mukhang dinamdam niya ang pagtutol ko sa balak niya.
Nagsimula siyang lumakad palapit kay Silver. Habang alam kong kabado siya, ako naman ay pilit na pinipigilan ang sarili ko na pigilan
siya. Lumingon ako sa paligid dahil baka ito ang oras ng sikretong psgtatagpo ni Silver at Ivy, ngunit huli na ang lahat. Nang muling bumalik ang mga tingin ko kay Silver ay nakita kong magkasama na sila ni Ivy habang si Fayre naman ay napatigil sa kanyang paglalakad. Hindi na halos ito kumilos at nanatili sa kanyang kinatatayuan.Mabilis akong lumakad palapit sa kanya. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. Sinubukan kong iiwas ang tingin niya sa direksyon nila Silver ngunit huli na. Nasaksihan na ng mga mata niya ang paglalapat ng mga labi nila. Ang tanging makapagpapatunay ng totoong relasyon nila.
Bago ko pa mailayo si Fayre ay nakatakbo na siya palayo. Ang kanang kamay ay nakatakip sa mga bibig niya, pinipigilan ang paglabas ng mga hikbi niya. Gusto ko siyang habulin ngunit ngayon ay ako naman ang hindi makakibo. Muli akong bumalik sa ulirat pagkatapos ng ilang segundo pero wala na siya, pati na si Summer.
"Blue, anong ginagawa mo dyan?" napalingon ako muli sa direksyon nila Silver nang marinig si Ivy.
"Wala," simple kong sagot at ngumiti. "Mamaya nalang. May itatanong sana ako."
At nagsimula akong lumakad palayo. Punong-puno ng tanong ang utak ko. Ba't hindi man lang ako nakaramdam ng galit kay Silver gaya ng inaasahan ko noon? Iniisip ko noon na sobra akong magagalit sa kanya kung sakali mang ganito nga ang mangyari ngunit bakit wala?

BINABASA MO ANG
narcissist ; k.th + k.js
Short Story"feeling gwapo di naman lab ng bestfriend nya." epistolary #4 + kim taehyung × kim jisoo Highest rank: #16 in SS - Epistolary Date Started: 07152018 Date Ended: 10312018