100 | FINALE

724 26 9
                                    

SUMMER

Mabilis na kabog ng dibdib at nanlalamig na mga kamay. Iyan ang dinaranas ko ngayon. Mas lalo akong kinabahan nang makita kong pumasok ng SSG Office si Blue. 

"Anong meron?" inosenteng tanong nito.

Pinaupo siya ni Fayre sa tabi ko. Kasabay ng pag-upo niya ang muling pagbukas ng pinto at pagpasok ni Silver na seryosong tumingin sa aming dalawa. Nilingon ko si Blue at mukhang nagkaroon na siya ng ideya sa mga nangyayari. Inilapag ni Fayre ang isang kulay puting box sa mesa.

"Paano napunta sa'yo yan?" tanong ni Blue.

"So, sa'yo nga 'to galing?"

"Ano naman kung sakin galing yan?" matapang na tanong ni Blue.

"Ayon sa papel na nakadikit dito, para kay Summer ang box na 'to," sabi ni Silver at inilabas mula sa bulsa niya ang isang maliit na papel.

"Masama bang magbigay ng ganyan kay Summer?" tanong ni Blue.

Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas ng loob niya sa mga oras na 'to. Habang ako ay halos hindi na huminga sa kinauupuan ko.

"Anong masasabi mo dito, Summer?" tanong ni Fayre.

Napalunok ako at sinubukang magsalita. Wala ni isang pantig ang lumabas. 

"May tinatago ba kayong dalawa sa amin?"

"Nakikipagbati na sa akin si Blue. Peace offering niya yan," sagot ko.

Patago kong sinisiko ang braso ni Blue na prenteng nakaupo sa upuan niya. Lumingon lang siya sa akin at ngumiti. Ngiting alam kong dapat na akong kabahan.

"Totoo ba?" tanong ni Silver.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Habang ang dalawa ay nag-aabang na parang mga tigre, si Blue ay nanatiling nakangiti. Para bang walang takot na dumadaloy sa katawan niya.

Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Sinubukan kong kunin ito mula sa kanya pero mas hinigpitan niya pa ang paghawak.

"Nililigawan ko si Summer," pagbasag niya sa katahimikan.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Si Fayre at Silver naman ay hindi na nakagalaw sa kinatatayuan niya.

Kinuha ni Blue ang box na nakapatong sa mesa at tumayo habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Kung wala na kayong tanong, aalis na kami ng nililigawan ko dahil may date pa kami," sabi nito at hinila ako palabas ng SSG Office.

Pagkatapos ng gabing 'yon. Halos ayaw ko nang lumabas ng dorm dahil sa pang-aasar na natatanggap ko kay Fayre sa tuwing nagkikita kami.

Si Silver naman ay napakiusapan ni Blue na isikreto muna ang tungkol sa aming dalawa. Mabuti nalang at matured mag-isip si Silver, di katulad ni Fayre na lahat nalang ng kilos namin ni Blue ay sinasamahan niya ng pang-aasar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

narcissist ; k.th + k.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon