030 | Narr.

405 28 7
                                    

Blue

"Anak ka ng tokwa!" malakas kong sigaw nang buong pwersa akong pinaupo ni Silver sa harap ni Summer at Fayre.

"Dito tayo kakain, lil bro."

Matatalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya bago padabog na kinuha ang tray sa mga kamay niya. Napatingin ako kay Summer at halos walang emosyon ang mukha nito.

Habang walang problemang kumakain si Fayre at Silver, ako naman ay halos hindi na mailunok ang pagkaing nasa bibig ko dahil kahit mag-iwas ako ng tingin ay nararamdaman ko ang mga mata ni Summer sa akin.

Hindi ko talaga alam paano nangyari ang senaryong ito. Ang alam ko lang ay basta nalang ako dinala si Silver dito.

"Pwede bang 'wag kang tumitig?" medyo pasigaw kong tanong ngunit hindi nagpatinag si Summer.

Napansin kong nagtawanan ang dalawang kasama namin kung kaya't nabaling sa kanila ang galit ko.

"Humanda ka talaga sa akin, Silver. Dudurugin ko lahat ng gamit mo hanggang sa umiyak ka ng dugo," nanggagalaiti kong bulong.

"Ewan ko kung makauwi ka pa," matapang niyang sagot. "Naikwento ko sa kanya noong nakaraan kung anong nangyari dito sa caf. Ayon kay mom, hindi ka pwedeng umuwi hangga't hindi mo naaayos ang gulong pinasukan mo."

"Silver, kapatid kita. Sa tingin mo ba ako ang may kasalanan nito? Ba't ba ayaw niyong paniwalaan na wala naman akong ginawang masama?" ngunit imbis na sumagot ay nagkibit-balikat lang siya.

"Magsorry ka nalang kase para tapos na," sabi ni Fayre.

"Magsosorry ako kung magsosorry rin sa akin si Summer."

"Okay, sorry," sabi ni Summer at inirapan ako.

Napangisi ako sa naging aksyon niya. Isinandal ko ang katawan ko sa mesa at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Kapansin-pansin ang bahagyang pagkagulat niya sa ginawa ko.

"Sorry," bulong ko at nakangising sumandal sa kinauupuan ko.

Napansin kong namula siya at napakuyom ang pareho niyang kamay.

"Let's not fight again, okay?" sabi ko at umalis sa harapan nila.


narcissist ; k.th + k.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon