Summer
"Summer, pwede bang umupo ka muna? Nahihilo na ako sa'yo," reklamo ni Fayre at tinapik ang upuan sa tabi niya.
Halos apat na araw na palang nawawala si Blue pero ngayon lang sinabi sa akin ni Fayre. Mas lalo tuloy nadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Paano nalang ako magp'perform kung wala siya?
Umupo ako sa tabi ni Fayre at tamang-tama ay dumating si Kuya Silver. Sa ekspresyon palang niya ay alam ko na ang masamang balita na hatid niya.
"Sorry, girls. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi pa rin siya sumasagot," sabi niya. "Don't worry, kakarating lang ni Ash at pinahanap ko na sa kanya si Blue."
Matapos niyang sabihin yun ay mahina niyang tinapik ang balikat ko at muling lumabas ng waiting room.
Tumayo ako at bahagyang sumilip sa labas. Halos lahat ng mga contestants ay nakaready na kasama ang mga partner nila. Napahigpit nalang ang hawak ko sa aking gitara sa tuwing naaalala ko na wala pa rin si Blue hanggang ngayon.
"Summer, kalma. Darating siya," lumingon ako kay Fayre at isang ngiti ang iginawad sa kanya.
"Sana lang talaga dumating siya," bulong ko.
Maya-maya ay isang lalaki ang pumasok sa waiting room. Halos mapatalon na ako sa tuwa ngunit muli akong nadismaya nang makita na isa lang siya sa mga coordinator.
"Miss Summer Kim and Mr. Blue Kim, kayo na po ang susunod," paalala nito at agad din namang umalis.
Napatingin nalang ako sa mga mata ni Fayre at bakas rin sa mga mata niya ang kaba at pag-aalala.
"Magbackout nalang kaya ako?"
"Wag! Magperform ka. Hindi naman mahalaga kung manalo o matalo ka. Ang gusto mo lang naman ay magperform, 'di ba?"
Mabuti nalang talaga ay nandito si Fayre dahil sa tuwing pinanghihinaan na ako ng loob ay siya ang nagpapalakas sa akin. At dahil wala na akong ibang choice ay nagmadali akong naglakad papuntang backstage. Tamang-tama ang dating namin doon dahil naroon na rin si Silver, ngunit mukhang mag-isa siya.
"Kayo na daw ang susunod?" tanong niya at tanging pagtango lang ang naisagot ko. "Wala pa rin akong balita tungkol kay Blue."
"Mukhang pinapatunayan niya lang talaga na ayaw niya sa akin," sagot ko at pilit na ngumiti.
"Sorry. Sorry dahil naging ganoon ang pakikitungo sayo ng kapatid ko. Mukhang nagkulang ata ako ng pangaral sa kanya."
"Hindi mo naman kasalanan yun. Alam kong naging mabuti kang kuya sa kanya. Sadyang egoist lang talaga yung kapatid mo," sabi ko.
Mukhang natapos na ang performance sa stage dahil puro palakpakan at hiyawan nalang ang narinig ko. Nang unti-unti itong humina ay ang boses na ng host ang narinig namin.
"Next, ang duo na nagtrending sa campus. Please welcome, Summer Kim and Blue Kim."
Halos 360 na ata ang pag-ikot ng mga mata ko nang marinig ko ang description na binanggit ng host. Sa dinami-dami ng pwedeng sabihin, bakit yun pa?
Dala ang aking gitara ay naglakad ako palabas ng backstage at umupo sa isa sa dalawang upuan na nasa harap. Mukhang may ilang mga audience ang nagtataka kung bakit mag-isa lang akong umupo sa harap. Gusto ko sanang ianunsyo na hindi makakasama si Blue, ngunit isang buntong-hininga lang ang nagawa ko.
"Little do you know
How I'm breaking while you fall asleep
Little do you know
I'm still haunted by the memories
Little do you know
I'm tryna pick myself up piece by pieceLittle do you know
I need a little more time"Mas lalo akong kinabahan nang mapansin kong lahat ng atensyon ay nasa akin. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang bakanteng upuan sa tabi ko. Ano pa bang inaasahan ko? Alam ko namang simula't sapul ay ayaw niya sa akin.
"Underneath it all I'm held captive by the hole inside
I've been holding back for the fear that you might change your mind
I'm ready to forgive you but forgetting is a harder fightLittle do you know
I need a little more time"Susunod na yung part niya pero dahil wala siya ay mukhang ako nalang din ang magtutuloy. Ngunit bago pa ako makakanta ay narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao.
"I'll wait, I'll wait"
Mula sa backstage ay dumating si Blue na kasalukuyang lumalakad papunta sa upuan niya.
"I love you like you never felt the pain"
Nakatingin siya sa mga mata ko habang kinakanta ang line na yun. Bagay na ikinagulat ko dahil halos hindi niya magawa iyon nung nagpractice kami.
"I'll wait
I promise you don't have to be afraid
I'll wait
The love is here and here to stay
So lay your head on me"Natapos niya ang part na iyon nang hindi inaalis ang mga mata niya sa akin. Para bang nangungusap siya, ngunit binalewala ko lang.
Sa mga sumunod pang linya ay inalis na niya ang mga tingin niya sa akin at ibinaling ito sa mga nanonood, ganoon rin naman ang ginawa ko. Sa huli niyang linya ay kinuha niya ang kaliwang kamay ko at muling tumingin sa akin.
"'Cause little do you know
I, I love you 'til the sun dies"Pagbalik namin sa backstage ay sinalubong kami ni Silver at Fayre. Ni hindi man lang nagsalita si Blue at agad na in'excuse ang sarili.
"Ang galing niyong dalawa!" sabi ni Fayre at mahigpit akong niyakap.
"Mabuti nalang talaga at dumating siya," mahina kong sabi at tipid na ngumiti.
BINABASA MO ANG
narcissist ; k.th + k.js
Historia Corta"feeling gwapo di naman lab ng bestfriend nya." epistolary #4 + kim taehyung × kim jisoo Highest rank: #16 in SS - Epistolary Date Started: 07152018 Date Ended: 10312018