090 | Narr.

473 25 42
                                    

Blue

Sabi ko kay Summer ay 10:30am pa kami magkikita pero 10am pa lang ay nasa garden na ako. Kailangan ko pang ihanda kung anong sasabihin ko sa kanya kapag dumating na siya.

Sa tuwing napapalingon ako sa relo ko ay mas lalo akong kinakabahan. Habang palapit ng palapit ang oras ay unti-unti kong nakakalimutan ang mga sasabihin ko.

Nakarinig ako ng ilang kaluskos kung kaya't napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Summer na nakatayo sa may bungad ng garden.

"Kanina ka pa?" tanong ko at tanging pag-iling ang isinagot niya.

"Anong kailangan mo?" mataray nitong tanong at ilang beses na humakbang palapit. Mukhang hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga naging away naming dalawa.

"Pwede ba akong magtanong?" mahinahon kong tanong.

"Nagtatanong ka na. May choice pa ba ako?"

Pinigilan ko ang sarili ko na matawa nang maalala ang mga salitang iyon. Hindi ko inaasahan na isang araw ay babalik din sila sa akin.

"Hindi pa rin ba nagbabago ang nararamdaman mo?" tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya.

"Gusto mo pa rin na ako hanggang ngayon?"

Nanlaki ang mga mata niya at halos hindi siya makapagsalita nang marinig ang sinabi ko.

"At sino naman nagsabi sa'yo na gusto kita?"

"Chat. Chinat mo ako nung nakaraan. Tinatanong mo kung bakit mo ba ako nagustuhan."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya na para bang pinagsisihan niya ang ginawa niya. Gusto kong ngumiti dahil sa naging reaksyon niya ngunit mas pinili kong itago ito at maging seryoso.

"Ano naman ngayon kung oo? May magagawa ka ba doon?"

"Gusto ko lang na malaman mong pareho tayo ng nararamdaman. Gusto rin kita, Summer."

Halata ang pagkabigla sa mukha niya ngunit agad itong nakasagot bago ko pa maituloy ang sasabihin ko.

"Please lang, Blue, kung isa 'to sa mga trip mo, 'wag mo nang ituloy. Saktan mo ako ng pisikal pero huwag mong paglaruan ang feelings ko. Ayaw kong kamuhian ka ng sobra."

"No, seryoso ako, Summer. Sinubukan kong sabihin sayo yung nararamdaman ko noong araw ng contest pero mukhang hindi mo nakuha ang ibig sabihin ng mga tingin ko sayo habang kumakanta tayo."

Natahimik siya at nanatiling nakikinig sa akin.

"Naalala mo yung sinabi ko sayo? Na huwag mo sabihing ayaw ko sayo? Kase hindi lang ako komportable na nandyan ka. Kase naguguluhan ako sa tuwing nakikita kita.

"Bago ka dumating, aaminin ko sayong gusto ko si Fayre. Na siya lang ang taong tumatakbo sa isip ko araw-araw. Pero simula ng dumating ka, nagbago ang lahat.

"Wala akong balak na paglaruan ka, Summer. Kaya ako bumalik para sabihin sayo kung anong nararamdaman ko pero hindi ibig sabihin nito na gusto kong maging tayo na agad. Kung kinakailangan kitang ligawan, gagawin ko."

Sa sobra kong seryoso ay hindi ko napansin na kanina pa pala siya umiiyak sa harapan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung yayakapin ko ba siya o ano.

"Napaka-selfish mo!" sigaw niya at hinampas ako. "Ba't ngayon mo lang sinabi lahat? Akala ko tuloy ako lang ang nag-iisip na may ibig sabihin ang mga tingin mo sakin nung araw ng contest. Akala ko niloloko lang ako ng kuya mo na gusto mo ako kaya mo ako pinagtitripan. Akala mo ba masayang umasa?"

Halos matawa nalang ako sa naging kilos niya. Para siyang bata kung umiyak habang pinapaypayan pa ang mukha niya.

Sa wakas, nagkaroon na ako ng lakas ng loob para yakapin siya. Saglit siyang hindi gumalaw bago yumakap ng mahigpit.

"Sorry. Sorry sa lahat," bulong ko sa kanya habang marahan na hinimas ang ulo niya. "I promise, magbabago ako para sa'yo."

narcissist ; k.th + k.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon