I
Unexpected MeetingsKanina pa ako nakapila sa may mrt, papunta kasi ako ngayon sa araneta para manuod ng basketball. Hindi ko nga alam kung bakit ako napapayag ni Herra na sumama dito eh, siya lang naman itong adik sa mga basketball players. Hays.
"Ayun sa wakas may train na din!" Sabi ko at agad akong nakipagsiksikan sa loob ng train. Bahala na kung magmukha akong haggard pagbaba basta 'di magalit sa'kin si Herra.
Ang daming tao talaga ng ganitong oras, may mga nakita din akong naka-uniform mukhang manunuod din sila ng basketball game. Bigla namang napahinto 'yung mrt kaya biglang may nakabangga sa'kin.
"Aray naman!" Napasigaw ako, nakahambalos lang naman ako sa lapag ngayon at pinagtitinginan ng mga tao pero etong nakabangga sa'kin parang wala lang. Sinubukan kong tumayo pero medyo napuruhan yata 'yung paa ko at kumikirot. "Hoy lalaki, hindi ka man ba magsosorry sa'kin ha? Nabangga mo kaya ako."
Napatingin sa'kin 'yung lalaki pero wala siyang ginawa. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pake, ang ayoko sa lahat 'yung naagrabyado ako. Pinilit kong tumayo kahit may iniinda akong sakit at kinuha ko 'yung bag ko sabay bato sa lalaki.
"Yes sapul!" Napasigaw ako ng malakas. Napatingin naman sa'kin 'yung lalaki at halatang nainis sa ginawa ko.
"Tama bang ibato mo sa akin ang bag mo ha?" Tanong niya halatang inis na siya. Pwes bahala siya sa buhay niya
"Tama bang hindi ka magsorry sa akin matapos mo akong banggain ha?" Tanong ko naman sabay tinaasan ko siya ng kilay. Magalit na siya kung magalit siya. Wala akong pake sa kanya.
"Pwes kung lahat ng makakabangga sa'yo eh magrereklamo ka, bakit hindi ka na lang pumunta doon sa women's corner?" Okay natriggered ko siya. Inis na siya. Buti nga sa kanya, nakaabala siya ng malala noh.
"Alam mo sorry lang naman ang hinihingi ko from you ang dami mo pang satsat. Hindi na ba uso ang pagiging gentleman ha?" Tanong ko at nilakasan ko talaga boses ko para marinig ng lahat. Tinginan naman 'yung lahat ng tao sa'min.
"Psssh. Pwede ba huwag ka mageskandalo dito? Hindi mo ba ako kilala ha?" Tanong niya at sabay inilagay 'yung hood niya sa ulo niya.
"Hindi at wala akong pake kung sino ka. Kahit artista ka pa o anak ka ng presidente, hindi tama 'yung ginawa mo." Sabi ko. Bigla namang huminto ulit 'yung mrt at hindi na ako pinansin nung lalaki tapos lumabas na lang ng mrt. Buti nga sa kanya!
"Natakot. Masyado kasing mayabang." Sabi ko at ngumiti ako. Tapos umandar na 'yung mrt. Teka asaan na ba akong station?
"Shet! Cubao station na 'yun. Manong manong wait, pa-stop naman po oh!" Sabi ko at napa-facepalm na lang ako. Ano ba naman itong buhay na ito?
Bumaba na ako sa sunod na station, wala akong nagawa kundi magtaxi na lang papunta dito sa Araneta. Wala na kasi akong choice, kanina pa ako tinatawagan ni Herra malalate na daw ako kung magmrt pa ako. Ano nga bang choice ko? Hay naku.
"Solar!" Malakas na sigaw ang sumalubong sa'kin at nakapamewang na Herra. "Ano ba nangyari sa'yo at ang tagal tagal mo? Magstart na 'yung game eh." Inis na sabi ni Herra.
Pumasok na kami sa loob, madali lang kaming nakapasok at wala namang pila dahil as per Herra nasa loob na daw 'yung mga tao. Pagpasok namin fully booked ang buong Araneta, mapa-vip or balcony lahat may tao punong puno. Hiyawan at sigawan ang naririnig ko, lahat sumasabay sa drums.
BINABASA MO ANG
Moon & Back
FanfictionWhen you thought that highschool life just evolve in studying well you're wrong. ✔️ bestfriend na laging andiyan for you ✔️ basketball players ✔️ gwapong professor ✔️ paepal na classmates ✔️ crush mo na hindi ka naman crush At may selosan moments pa...