V
Number 25Ang malas naman ng araw na ito. Una na-late ako ng gising kaya eto na-late din ako ng pasok. Tss, pagkadating ko pa dito sa classrom nag bago pa ng seating arrangement dahil late ako dito sa may likod ako napwesto at ang layo ni Herra. Ano ba?
"Good morning mam!"
"Mr. Waber, hindi porket exempted ang mga players ay malalate ka na sa klase!" Sabi ng prof naman na nakapamewang. "Tss. Dun ka sa likod, tumabi ka kay Ms. Vergarra. Mga pasaway talaga kayo."
Bigla namang may umupo sa tabi ko at pagtingin ko si Number 25 lang naman.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Hello Ms. Rooftop girl!" Sabi niya sabay ngiti ng pangasar. Kung minamalas ka nga naman oh, katabi ko pa itong isang mokong na ito.
At dahil sa ang gulo gulo nitong si Cloud, hindi ko na naiintindihan iyong nilelecture at malas pa kasi sa may likod pa kami. Hay naku.
"Rooftop!" Sabi ni Cloud.
"Hoy ano ba? Hindi ko maintindihan iyong tinuturo. Magfocus ka nga diyan. Tss!" Sabi ko
"Rooftop!!" Natatawang sabi ni Cloud.
"Ms. Vergarra, Mr. Waber! Get out of my room!" Inis na sabi ng teacher namin kaya eto napalabas kaming dalawa. Lumabas naman kaming dalawa ni Cloud.
"Ikaw kasi eh! Tss." Inis na sabi ko at natatawa lang si Cloud sa reaction. "O sige tawa pa."
"Hoy nagiging berde ka na!" Natatawang sabi niya
"Berde?"
"The hulk!" Natatawang sabi ni Cloud at napapalo na lang ako sa braso niya. Sira ulo talaga itong taong ito. Pagkamalan pa akong si hulk.
Lunch time na kaya pumunta na kami sa cafeteria ni Herra. Tawang tawa naman siya sa nangyari kanina.
"Ang gulo gulo kasi ni Cloud pati tuloy ako nadamay sa kalokohan niya. Tss." Inis na sabi ko. Oo irita talaga ako diyan sa Cloud na 'yan.
"Oh? Anong problema?" Tanong ni Enzo at umupo sa may table namin sumunod na din si Cresent.
"Bakit kayo nandito walang practice?" Tanong ni Herra.
"Pahinga muna." Sabi ni Enzo.
"Solarium!" Sigaw ni Cloud at tumabi na din sa akin. "Oh? Bakit ganyan mukha mo?" Tanong niya. Buti naman at halata niyang inis ako sa kanya.
"Napalabas kasi ako ng dahil sa'yo."
"Ayaw mo nun? Kung iba 'yun tuwang tuwa na at ako ang kasama. Ikaw parang papatay na eh."
"Pwes hindi mo ako fan girl!"
"Sige pa-sign up kita sa fan's club ko."
"Asa ka pang sasali ako! Kung may anti-Cloud sasali ako!"
"Hep hep! Ang ingay ha." Sabi ni Herra.
"Eto kasi eh." Sabi ko sabay turo kay Cloud at tinuro din ako. Hay naku kahit kailan talaga.
"Brad wag ka na umasa, sa fan's club ko sasali si Solar!" Sabi naman ni Enzo at nakipag apir ako.
BINABASA MO ANG
Moon & Back
FanfictionWhen you thought that highschool life just evolve in studying well you're wrong. ✔️ bestfriend na laging andiyan for you ✔️ basketball players ✔️ gwapong professor ✔️ paepal na classmates ✔️ crush mo na hindi ka naman crush At may selosan moments pa...