IX
Kween Solar"Solar!!" Nagulat ako kay Herra na tumatakbo papalapit sa akin ngayon. "May pageant sa campus, sali ka!"
"Ha? Ano? Bakit ako?" Tanong ko naman kay Herra
"Dahil maganda ka at bagay na bagay ka maging beauty queen." Sabi ni Herra at hinawi pa ang buhok ko.
"Ikaw na lang."
"Hindi ako pwede." Nagpout pa na parang bata si Herra. "Bawal sumali ang dance troupe kasi mag peperform din kami sa pageant. Sige na sumali ka na!" Sabi ni Herra
"Ano iyon?" Tanong ni Cloud.
"Pinapasali ko sa pageant oh." Sabi ni Herra
"Sali ka na, malaki chance mo manalo. Susuportahan kita.. este kami." Sabi ni Cloud at tumingin sa akin, iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Oo naiilang kasi ako, iniyakan ko kasi siya nung nag field day kami. Feeling ko wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Chos.
Pati sa classroom, halos lahat sila pinipilit na sumali ako para daw may representative ang section namin.
"Bakit hindi ka magjoin Solar?" Tanong ni Sir Geo sa akin at napangiti lang ako. "Sayang, malaki pa naman ang premyo kapag nanalo ka."
"Next time na lang po Sir Geo." Next time means never in my life. Hahahahhaaha!
Naglakad na kami palabas ng campus pero biglang nakita namin si Enzo, Tam at Cresent. Shet ang puso ko.
"Hi Solar!" Sabi ni Tam at nakipagbeso pa saakin. Feeling close lang ha Tammy? Charot.
"Sasali ka sa pageant?" Tanong ni Herra kay Tam pero umiling lang ito.
"I'm too old for that." Nahihiyang sabi ni Tam.
"Pssh. Si Tam lang naman ang reigning queen." Sabi ni Enzo at napapalo naman si Tam ng mahina kay Enzo.
"I hope you join Solar." Sabi niya at ngumiti. Aba I can feel the competition ha.
"Busy kasi ako sa school." Sabi ko at ngumiti ako.
Nauna na kami ni Herra at sa bahay siya matutulog ngayon dahil tuturuan ko din siya ng ibang lectures namin. Papasok na sana kami ng bahay pero narinig ko si mama na may kausap.
"Pasensiya na. Kulang lang talaga ang budget ko ngayon." Sabi ni mama
"Aba hindi ko na problema iyan. Dapat magbayad ka sa ayos, nakaprivate school ang anak mo tapos sa hindi mo ako mabayaran ng ayos. Masyado ka kasing ambisyosa!" Sabi nung kausap ni mama. Napatingin naman ako kay Herra. Umalis muna kami at pumunta sa park malapit sa bahay.
"Nagkakaproblema na pala si mama. Hindi ko alam. Kapag tinatanong ko siya lagi naman siyang nasa ayos." Naiiyak na ako habang sinasabi iyon kay Herra. Imbes na tulungan ko si mama puro pa ako Cresent ng Cresent.
"Sumali ka na sa pageant. Malaki ang bayad doon kapag nanalo ka." Sabi ni Herra
"Gagastos lang ako kung sasali ako."
"Hindi. Basta akong bahala sa'yo. Basta sumali ka lang." napatango na lang ako dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para tulungan si mama.
BINABASA MO ANG
Moon & Back
FanfictionWhen you thought that highschool life just evolve in studying well you're wrong. ✔️ bestfriend na laging andiyan for you ✔️ basketball players ✔️ gwapong professor ✔️ paepal na classmates ✔️ crush mo na hindi ka naman crush At may selosan moments pa...