X
Hidden FeelingsNakahiga ako sa kama ko at maraming gumugulo sa isip ko ngayon. Lahat ng sinabi ni Solar. Tss. Gagu ka kasi Cresent, gagu ka. Duwag ka hanggang ngayon hindi mo maamin kay Solar na may gusto ka sa kanya.
Hindi ko alam kung saan nagsimula pero siguro bumalik tayo kung saan kita unang nakita, sa mrt-- hindi sa gym.
(Playlist: Hey Crush by Joshua Garcia)
"Gagu Cresent, ano pacute lagi?" Tanong ni Enzo sa'kin at siniko ko lang siya.
"Andito na naman kasi iyong cute na 1st year." Sabi ko sabay tingin sa may upuan kung saan sila nakapwesto kasama niya ang kaibigan niya, lagi ko silang nakikitang dalawa tuwing practice mukhang fan sila.
"Gagu puntahan mo na kasi." Sabi ni Enzo at tumatawa na lang ang mokong na ito.
"Cute lang, wala akong balak gawing girlfriend."
Hanggang sa dumating ang araw na pinakaiinisan ko at ang biglaang pagkikita nating dalawa ng malapitan. Nalate kasi ako ng gising kaya nag-mrt ako para makaabot sa big game at doon nakita kita. Binato mo pa nga ako ng bag mo at doon mas nahulog pa ako, baliw na siguro ako o hindi kaya masokista.
Hanggang sa naging pup kita at ako ang master mo. I tried to be close to you as possible. Masaya ako kapag kasama kita at alam ko ganun ka din sa akin. But then you told me you like me, I was about to say that I like you pero naalala ko banned kami to have a girlfriend kaya itinago ko na lang muna ang nararamdaman ko para sa'yo. Hanggang sa hindi mo na ako kinausap at ganun din ako, umabot ng halos dalawang taon.
Then he came, si Cloud.
"Why the hell did you come here?" Inis na sabi ko. We we're mortal enemies inside the court.
"I have my reasons. At isa na dito iyong babae na nagcheer sa'yo." Sabi niya at ngumisi.
"Ganyan ka ba kadeterminadong agawin saakin ang lahat ha?" Inis na sabi ko pero binangga niya lang ako.
Akala ko nung una, trip trip lang pero mukhang nagbago ang ihip ng hangin. Ang dating hindi ginagawa ni Cloud ginagawa niya na.. para sa'yo.
"Hey Cresent! Diba mamimili kayo ni Tam?" Tanong ni Cloud at tumango lang ako. "Sama niyo naman si Herra!"
"Bakit? Sasama ka sa field day?" Tanong ko
"Oo. Papaalam ako kay coach."
"Bakit?"
"Dahil gusto ko makasama si Solar." At doon biglang nakaramdam ako ng inis, gusto kong sabihin sa kanya na layuan ka niya pero hindi ko magawa dahil naduwag ako.
"Hey brad, ano?" Tanong ni Tam saakin. "Gago ka kasi. Ayan nauhan ka na." Inis na sabi ni Tam.
Nung tinawag mo ko para magusap, kinausap ko si Tam nun. Kinausap ko siya dahil kinakabahan ako.
"Magpaka-lalaki ka naman. Wala ako dito para alalayan ka lagi noh." Inis na sabi ni Tam.
"Sana." Biglang napayakap saakin si Tam at pagkalingon ko, nakita mo kaming magkayakap. I wanted to run to you but he already took you away from me.
BINABASA MO ANG
Moon & Back
FanfictionWhen you thought that highschool life just evolve in studying well you're wrong. ✔️ bestfriend na laging andiyan for you ✔️ basketball players ✔️ gwapong professor ✔️ paepal na classmates ✔️ crush mo na hindi ka naman crush At may selosan moments pa...