VII

265 26 2
                                    

VII
Selosan

"Good morning everyone, I am Mr. Geo and I am your substitute teacher." Sabi ng teacher namin at sabay ngiti. Halos lahat ng mga kaklase ko kinikilig ngayon dahil kahawig niya lang naman si superman.

"Ang gwapo." Bigla namang napatingin sa akin si Cloud

"Talaga? Gwapo ako?" Sabi ni Cloud at inirapan ko lang siya. Simula nung mag open si Cloud tungkol sa nararamdaman niya naging makulit siya este mas naging makulit siya at papansin.

"Okay, let's start our lecture. Our lecture for the day is" sabi ni Sir Geo pero walang pumapasok sa utak ko, ang dami kasing gumugulo sa isip ko ngayon. Una, girlfriend ba talaga ni Cresent si Tam? Pangalawa, boo bear nga tawagan nila diba. Pangatlo, bakit ba ang gwapo ni Sir Geo? Hindi ako makafocus. "Ms. Vergarra. May problema ba?" Tanong niya at bigla naman akong kinabahan. "Nakataas kasi ang kamay mo. Do you want to go out? Sige pumunta ka na." Sabi ni Sir

Lumabas na lang ako baka mapahiya pa ako eh. Chance ko na din naman itong maglakad lakad. Dumaan ako sa senior high. Tingin tingin kunware sa room pero ang totoo hinahanap lang si Cresent.

"Ayun." Sabi ko sa sarili ko at mas binagalan ko ang paglalakad ko habang dumadaan ako sa room niya pero nagulat ako kung sino ang katabi niya, si Tam lang naman. Hays. Tss. Tigilan mo na nga Solar!

--

"Oh my ang gwapo talaga ni Sir Geo. I mean ang gwapo talaga eh! Iba 'yung aura niya, iba talaga!" Sabi ni Herra na hindi man lang ginalaw ang pagkain. "Single pa kaya siya?" Tanong niya

"Hoy kumain ka na po. Sino ba 'yang Geo na 'yan at parang tinamaan ng matindi ito?" Tanong ni Enzo.

"Sub teacher namin, nahiya nga bigla kagwapuhan ko nung nakita ko eh." Sabi ni Cloud at hinawi ang buhok, pagwapo pa more Cloud. Pagwapo pa more. Tss.

"Teka maiba ako? San si Cresent hindi yata sumabay." Sabi ni Herra, oo nga hindi sumabay si Cresent pero sigurado ako kasama niya si Tam.

"Kasama si Tam. Sabi ko nga sa inyo may kakaiba akong nararamdaman sa kanilang dalawa eh." Sabi ni Enzo at tumango tango si Cloud at Herra. "Magjowa yata sila pero secret on." Para namang tinutusok ang puso ko ng karayom. Hays.

"Ah Solar, girlfriend daw. Girlfriend." Sabi ni Herra at napatingin si Cloud sa akin.

"Bakit? Anong meron?" Tanong niya.

"Wala brad." Natatawang sabi ni Enzo. Hays magkaroon ka nga naman ng mga kaibigang may topak, tignan natin kung hindi kayo mabaliw.

"Tapos na ako kumain, una na ako ha!" Sabi ni Herra sabay tayo at dala nung pagkain niya sabay umalis.

"Saan punta nun?" Tanong naman ni Enzo na gulat na gulat mostly kasi kahit nagbell na hindi pa din umaalis itong si Herra pero ngayon.. parang may iba?

After namin kumain at konting kwentuhan, dumiretso na kami sa mga rooms namin. Si Cloud pinatawag ng coach niya sa gym kaya dumiretso na siya doon.

"Hoy baks? Anong meron ha?" Tanong ko kay Herra na nagbabasa ngayon ng libro namin. Totoo ba itong nakikita ko si Herra nagbabasa?

"Ah eh. Malapit na kasi mag exam kaya nagaaral ako." Sabi niya sabay focus sa binabasa.

Dumating na 'yung prof namin at si Sir Geo pala ang sunod na klase namin, bukod sa siya ang substitute adviser namin, siya din pala ang teacher namin sa Filipino. Hmmm. Ang cute naman si Superman magsasalita ng malalim na Tagalog.

Moon & BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon