II

317 26 3
                                    

II
Solar, the Slave

"Ano slave?" Tanong ko ulit at ngumisi lang siya.

"Ayaw mo ba? Sige. Sabihin ko na lang sa lahat na ikaw ang nagbato ng bag sa akin. Hmm, ano kayang sasabihin nila sa'yo lalo na iyong mga fan girls ko." Sabi niya. At talagang bina-blackmail ako ng taong ito ha.

"S-sige na. Payag na ako." Sabi ko. Ayoko namang kumalat 'yung mukha ko sa internet at maraming magalit sa akin noh. Kahit in the first place, mali iyong nagvideo dahil hindi niya kinuhaan lahat ng pangyayari.

"Okay. Pwes eto ang first assignment mo." Sabi niya at inilabas ang mga libro sa bag niya.

"A-ano ito?" Tanong ko.

"May assignments ako eh, sa sobrang pagod ko hindi ko na magawa at stress pa dahil sa scandal. Hay ang hirap!" Sabi niya at kunware pang nagpunas ng pawis.

"Okay fine." Sabi ko at inilagay ang mga libro niya sa bag ko. Hay naku Solar, kawawa ka naman.

Umuwi na ako sa bahay at nagkulong sa kwarto, hindi na ako nakakain dahil sa sobrang daming pinapagawa nitong si Cresent sa akin. Tama bang gawin akong slave nitong taong ito? Arghh. Kung sino man ang nagvideo nun, walang hiya siya!

"Panu ko ito sasagutin eh hindi pa nga namin naaral ito." Sabi ko at napakamot ako sa ulo ko. Oo ahead si Cresent sa akin ng isang taon. Bahala na nga!

--

"Ayan na, okay ba? Tignan mo ang dami kong eyebags para lang tapusin 'yang assignments mo." Sabi ko at bigla na naman niya akong inakbayan.

"Thank you." Sabi niya at ngumiti. Infairness ang gwapo nitong si Cresent, ngayon ko lang narerealize ang lahat. Te-teka? Gwapo nga masama naman ugali. Tss. "After class diretso ka sa gym ha." Sabi niya sabay kindat.

Pumunta na ako sa classroom at hiniga ko 'yung ulo ko sa mesa. Napatingin naman ako kay Herra na busy sa pagsusulat.

"Mukhang pagod ka ha?" Tanong niya at tumango lang ako. "Anyway, nagpapaka-detective na ako dito. Chinecheck ko kasi kung sino ang bumato ng bag kay Cresent." Napatingin lang siya sa akin at hinihintay ang response ko. "Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya.

"Huh? Eh wala." Sabi ko at pinikit ko muna 'yung mga mata ko sandali. Tigilan na muna natin ang kababanggit sa pangalan ni Cresent.

After class, dumiretso na naman ako sa gym para sundin lahat ng utos ni Cresent. Hay naku. After nun umupo muna ako sa may bench at may narinig akong mga babae na naguusap.

"Omg! Ang swerte naman niya, malapit siya kay Cresent." Sabi nung babae. At kelan pa ako naging swerte na malapit ako kay Cresent?

"Truth. Naku i'm jealous, kahit ako na bibili ng tubig niya." Sabi naman nung isa. Hay naku 'te. Ano palit tayo? Dahil pagod na pagod na ako sa mga utos nitong lalaking ito. Pagod na sistema ko.

"Apply na tayo bilang PA niya!" Kinikilig na sabi nung isa. Hay naku kung pwede lang magresign, ginawa ko na.

"Puppy!" Sigaw ni Cresent, at kailan pa ako naging aso. Bwisit talaga ito.

"Ano?" Inis na sabi ko.

"Bakit inis ka?" Tanong niya. Aba nagtanong pa ang mokong na ito.

Moon & BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon