CHAPTER 2

41 0 0
                                    

            

CHEALSEA'S POV

...........till I met you I never knew what love was till I met you this feeling seems to grow more everyday I love you more each day..

*kaplong* (with hagis ng unan sa mukha)

"Hoy bumangon ka na diyan, tanghali na. Maaga ako aalis ngayon at may raket ako sa pasig bawal ako malate. "

Hay! Malapit ko nang mahalikan yung Prince Charming ko eh! Yan si tita Debi, ang katuwang ko sa pamamalakad ng bahay. Kapatid siya ni Mama, hindi na nag asawa simula ng saktan siya ng dati niyang boyfriend sinimot lang naman ang lahat ng kayamanan niya. Owner siya ng sarili niyang maliit na salon, rumaraket bilang make-up artist sa iba't ibang event. Maski pipitsuging event pinapasok niyan. Kahit magmake-up sa mga patay di niya pinapalagpas. Kaya kahit aramalite ang bibig niyan, mahal na mahal ko 'yan.

"Nasaan nanaman 'yang kapatid mong si Joel, ang aga-aga nasa labasan. Nag aadik nanaman sa basketball. Eh wala namang mangyayari kakashoot niya ng bola sa ring, kung sana sa bawat shoot niya pera ang nakukuha hindi ice water na pusta", dagdag pang sermon ni Mayora.

Hindi ko maintindihan si tita sabi niya sakin kanina tanghali na, sabay ngayon ang aga-aga pa, ano ba talaga ?

"Maagang umalis si Abi at may report daw siya sa school nila, bago ka umalis pumunta ka sa basketballan at sabihan mo si Joel na siya ang nakatoka kay ate ngayon. Nasa ref. na ang lulutuin niya, 'wag niya kamong susunugin katulad ng una niyang luto, oh siya! Aalis na ko, ikaw na bahal dito" bira pa ni tita.

"Makatangay for three.... At yun pasok nanaman po ang tres ni makatangay" masiglang pagpasok ni Joel.

"Oh andito ka na pala"

That's Joel, pangalawa kong kapatid. Magaling mag shoot ng bola, tatlong taon lang ang pagitan namin. Hearthrob ng Kalye Utod, kaya kung umasta kala mo kung sino. Habulin ng babae at bakla kaya siya na niluluhudan ng mga babae. Tandang tanda ko pa nahuli siya ni mama na nasa club kasama ng mga tropa 15 anyos siya nun, muntikan pang mapakulong dahil niraid ang club, hindi nlang kasi kinamay chos!

"Maliligo na ako at pupunta nako kay Rupert may raket kami ngayon, siguraduhin mong mapapainom mo ng gamot si Mama", bilin ko kay Joel.

"Wala bang pamudmod diyan?" hirit pa niya.

"Oh' ayan okay nayan",sabay hagis ng pera sa mukha  niya.

"100 lang ?"

"At bakit ? Dadagdagan ko yan kapag malaki ang makuha  namin mamayang talent fee"

"Mars! Gora na tayo, naka set-up na daw sila direk doon, hindi pwedeng malate ang mga star ng pelikula"

"Hi! Joel", dagdag pa niya sabay kindat at kagat sa labi.

"Tara na mars! Oh Joel ikaw na bahala kay mama hah?"

So ayun nga, halos matusta at mayupi ang balakang at pwet namin sa dalawang oras na biyahe ng jeep dahil sa sobrang traffic. Siyempre bilang Pinoy, hindi maiiwasan ang mga senaryo sa jeep, dahil sa epekto ng global warming at climate change nalanghap namin ang bunga ng pagsusumikap ng katabi kong construction worker, sabay nasa harapan ko ang dalawang magkumareng hndi matikom ang bibig palibhasa dalawa mga bibig gets niyo ba ?char!, kahit talsik na mga laway hala sige pagkwentuhan niyo pa mga kapitbahay niyong mga plastik, maski ang mga estudyante nakikisabay din sa chismisan narinig ko lang naman ang usapan nila. "Sa una lang pala mashaket, kapag feel mo na mashasharapan ka na, he did not make putok naman sa loob kaya, okay lang." Kita niyo? Dinaig pako sa kalandian. Siyempre di kami papakabog ni Rupert.

"Mars! Kamusta na kayo ni Fafa Brent mo?"

"Naku, kuripot si ante mo"

"Bakit ano ba sinabi mo ? Baka naman sinagad mo bakla"

"Sabi ko sa kaniya birthday ko na sa susunod na linggo, regaluhan niya kako ako, edi tinanong niya kung ano gusto ko, kaya sabi ko padalhan niya ko 20,000"

"Bakla ka talaga, bakit ang laki naman ng hiningi mo? Dapat sa una kinukuha mo muna yung loob niya.Anong sabi niya?"

"Ayun hindi na nag chat "

"Kuya, para po sa may kanto lang"

Nandito kami ngayon sa taping ng Probinsyano. Eto ang buhay ko pa extra –extra sa mga commercials, movies at teleserye. Oh teka nandito na pala yung bagong manager na kakilala ni Rupert.

"Momshie!! Nadito na kami eto nga pala si Chelsea yung sinasabi kong kaibigan ko" masaya niyang sabi.

Hayy. Grabee!!! Nakakatakot naman itong talent manager na ito, sobrang laki niyang bakla, yung tipong kakainin ka niya kapag nagkamali ka. Maitim sya pero mas maitim yung batok niya.

"Hello po, I'm Chelsea!" nakangiti kong sabi with kinakabahan factor

"Eto na ba yung sinasabi mo? Maganda naman siya kaya lang parang may kulang?"

"Ano pong kulang momshie?" tanong ni Rupert

"Bakit parang walang hinaharap? Walang dede 'tong batang 'to paano ka magiging artista niyan?"

Woaaahh!!! Ayoko na dito, kung hindi lang sa pera hindi ko haharapin tong bakulaw na baklang 'to kala mo kung sinong maganda, bakit suso ba ang sukatan ng pagiging maganda ? Pwes! Kung ganon, ayoko nang maging maganda. Inyong inyo na ang korona.

"Sige pero pwede nayan sa 1,500 para sa isang linya", dagdag pa niya

"Okay! Ready ang mga talents, sundin niyo lang ang sasabihin ni direk, wala namang mahirap doon", nakabibinging sabi ng assistant director.

"Mars, galingan mo dito hah? Bawal ka magkamali isang pagkakamali mo lang wala ng susunod na taping. Alam kong kaya mo yan, Fight lang para sa pamilya, Fight lang para sa pangarap" nakasisiyang tugon ni Rupert

"Fight lang para sa pamilya, Fight lang para sa pangarap" pabulong kong sabi.

Dali-dali akong nag-ayos, make-up dito make-up diyan. Shet sa sobrang kaba, hindi ko namamalayan kung tama lang ba ang pinag gagawa ko para sa scene. Hindi ko rin natanong kung anong scene ba ako papasok dahil sa sobrang taranta.Hay bahala na kaya kumaripas ako ng takbo sa shooting place. Habang on cam na, nakita kong nakapila ang lahat ng ekstra kaya pumila nalang din ako sa likuran. Habang isa-isa silang  pumapasok , napansin kong kakaiba ang suot ko.

"Cardo, magtago ka na! Ito na ang huling araw mo"

Pakshet. Giyera pala ito at ang role namin ay mga rebelde. Pero nakasuot ako ng gown na purple with martching putok labing make-up. At heto na, sa sobrang daming tao, imbis na aalis ako, biglang natulak ako paharap since ako na dapat ang hihiga at kunwaring babarilin.

"Cuuuttttt!!"

"Sino 'yang babaeng 'yan? At anong karapatan mong magsuot ng gown sa gitna ng giyera?",nagaalborotong sabo ni direk.

"Ahh—ehhh--- Direk talent daw po ni Boobsy yan"

"Tawagin mo nga si Boobsy at paalisin 'tong babaeng to sa harapan ko"

Sa sobrang hiya, tumakbo ako papalayo. At pilit na kumaripas ng takbo habang marahang tutumulo ang luha ko sa aking mga mata. Naglakad ako ng naglakad, hindi na ininda ang gown na suot ko, kung maliligaw man ako o madadapa o mapapagod, gusto ko lang kalimutan ang araw na'to. Gusto ko munang mag-isa, iwan ang lahat ng problema. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit sa mundo, sa kung bakit sa laro ng buhay pakiramdam ko palagi nalang akong taya. Na kahit sa karera ng mga pangarap, yung pangarap ko nandon palagi nalang nasa dulo. Ayoko na pagod na ako.

Every Break You TakeWhere stories live. Discover now