CHAPTER 6

20 0 0
                                    

CHELSEA'S POV

            

Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong sumabay sa agos ng buhay, na kahit alunin man ako papalayo o kahit malunod man ako sa nag sisilakihang alon ng pighati pilit akong babangon bitbit ang positibong pagtingin sa buhay at patuloy kong lalanguyin ang pangpang ng tagumpay. One thing I learned since i'm with Luke, that you have to be optimistic kailangan mong maging positibo, wag kang magpapatalo  sa hamon ng buhay. Grabe kasi ang positive energy na dala ni Luke, sobrang postibo niya nakalaklak ata ng enervon 'to. Siyempre lahat ng tao may problema pero hindi talaga halatang may problema tong lalaking 'to.

Nandito na kami ngayon sa bahay nila Luke, para siyang resort at sobrang gandang resort, maputi at pino ang buhangin, kulay crystal ang tubig sa dagat, yung tipong pwede ka ng manalamin ganon chos lang basta malinis.

"Oh! Ginabi ata kayo ng dating,kumain na ba kayo?"

"Opo Lola Pelising" sabay mano ni Luke, siyempre nag mano nalang din ako.

"Saan kayo nag hapunan? Anong kinain niyo?"

Sabay kaming humagalpak ng tawa ni Luke pero yung tawa niyang may pagiinsulto

"Kumain po kami Lola ng a-d-o-b-o-n-g ......" mahaba niyang binigkas ng dahan dahan ang salitang adobo.

Sa inis ko hindi sa ilong lumabas ang usok kundi sa pwet. Natahimik kaming tatlo ng marinig namin ang Erthquake Magnitude 7 na gumimbal sa ilong namin.

"Iha, doon ang CR" sabay turo sa palikuran.

Nakataas ang dalawang paa ko sa arinola, kakaiba ako tumae, hindi kasi ako nakakatae kapag nakaupo I mean yung dalawang paa mo nasa sahig gusto ko nakatungtong sa arinola mas masarap kasi sa pakiramdam hahahha dugyot ko diba ? Sobrang sakit talaga ng tiyan ko, andami ko pa namang kinain. Halos hindi na ako makahinga sa busog kanina.

"Matagal ka pa ba diyan? " sigaw ni Luke

"May lumabas na bang mga palaka ?" dagdag pa niyang pangiinsulto

"Oo, matagal pako dito. Tsaka maliligo nadin ako. Abot mo nga yung bag ko."

Dahan dahan kong nilabas ang kamay ko upang abutin ang bag sa kamay niya. Pero di ko makapa ang bag kaya nilabas ko paunti unti ang ulo ko.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan ?" habang nakatitig siya sa mukha ko

"Pwede kaba mamaya?"

"Bastos ka talaga! Hayop ka ! "

"Anong bastos sabi ko pwede ka ba mamaya, ikaw kasi mag liligpit ng pinagkainan nila pagod na si Lola Pelising,para naman mabawasbawasan ang utang mo kahit papaano"

"Oo na! Ano pa ginawa mo diyan shu!shu!chupe!" sabay sarado ng pinto.

Bwisit talaga tong lalaking to, wala ng ginawa kundi pagtripan ako. Nag wash up lang ako at nag bihis na, remind ko lang kayo meron na akong pamalit kasi nga diba binilahan ako ni Luke sa UK. Ukay Ukay. Pagkatapos ko, dumiretso agad ako sa kusina para mag ligpit, grabe sangkaterba ang liligpitin ko. Kuha ng pinggan, lagay ng sabon, wash wash wash, banlaw repeat (10x)  Dahil sa sobrang pagod nakalimutan kong tanungin si Luke kung saan ako  matutulog, kasi lahat sila tulog na so di nalang ako matutulog sa isang kwartong maliit, yung kwartong pang probinsya, sobrang lamig dito dahil sa hangin sa labas, hindi na kailangan ng aircon at electric fan, buksan mo lang ang bintana ng kaunti solve na.

Tinitigan ko ng matagal ang bubong, ang bintana o kung ano pa man na pwedeng titigan dahil hindi talaga ako makatulog. Sinubukan kong tawagan sila tita pero di na niya sinasagot siguro tulog na dahil alas 12 na  ng madaling araw. Pinapakinggan ko ang bawat kaluskos, malay ko ba kung may multo dito, takot kaya ako sa MOO MOO, shet ilang oras ng nakadilat ang mata ko, yung pakiramdam na lalabas yung mg ugat sa mata mo, yung parang puputok na ganon. Kaya ang lumabas nalang ako ng kwarto at pumunta sa kusina, mag papainit sana ako ng tubig kasi sobrang lamig talaga at nilalamigan yung tiyan ko. Pagdating ko sa kusina nakita ko si Lola Pelising na nag  luluto, yung kusina ditto open area, katapat ng kusina ang dagat.

"Bakit gising ka pa iha?"

"Di po kasi ako makatulog Lola, sobrang lamig po kasi."

"Ganon ba, o heto uminom ka niyan" sabay binigay niya sakin ang isang mangkok na may sabaw.

"Ano po 'to lola?"

"Pinakuluang buto ng baka, masarap yan tikman mo."

At hinigop ko ang sabaw.

"Shet ang init!"

Tumawa si lola at sabing " Mag ingat ka kasi, hipan mo muna"

Hinipan ko muna sabay higop." Hhmmm! Hah! Ang sarap neto, panalo to lola."  Tinaas ko ang kanan kong kamay para makipag apir sa knaiyan pero di niya alam kung paano . Kaya  nilapag ko ang sabaw sa lamesa at kinuha ang kamay niya sabay " Apiiir! HAHAHAHHA"

"Maganda ka palang bata ka kapag nakangiti" tinitigan niya ang mukha ko at seryoso niyang sinabi yun.

"Buti naman natututo ka ng ngumiti, noong unang dating mo kasi dito nakakunot ang noo mo, halos di mapinta ang mukha mo, yung parang magpapakamatay ka pero naudlot" dagdag pa niya

Ngumiti nalang ako dahil alam kong totoo yung sinabi niya.

"Teka kung di ka makatulog sige magkwentuhan nalang tayo"

Pumunta kami sa tabing dagat at umupo sa pinong buhangin.

Ano na nga pala ang pangalan mo iha?"

"Chelsea po "

"Kamusta ang kasal na pinunthan mo kanina?"

Natandaan pa niya yung palusot na sinabi ni Luke.

"Ahh!! Ehh!! Okay naman po Lola, masaya nga po eh."

"Lola, nasaan po ang pamilya ni Luke?" Ito yung matagal ko ng tanong na gustong tanungin kay Luke pero nahihiya ako dahil mukhang ayaw nyang pagusapan ang pamilya niya.

"Bata palang si Luke ako at ang Mommy niya ang nagpalaki diyan, kasambahay ako dati nila Luke pero simula ng mawala ang Mommy niya umalis din ako, kaya dito nalang ako pinunta ni Luke, pag mamay ari ng pamilya niya ang resort na 'to "

"Nasaan po ang Father ni Luke"

"Simula tumuntong ng highschool si Luke, umalis na sa bahay ang Daddy niya, nalulong sa alak at pang bababae, laging nag-aaway ang mag-asawa simulat sapol, nabuntis lang kasi ni sir si maam kaya nagdecide ang parents ni maam at sir na ipakasal nalang ang dalawa at tumira sa iisang bubong, hindi nakatikim ng pag mamahal si Luke mula sa Daddy niya. Naalala ko pa nga noon, lagi naming sinusugod sa Hosptital si Luke, hindi mo makikita ang presernya ng Daddy niya."

"Ano pong sakit niya lola?"

"Hindi ko kasi pwedeng sabihin, ayaw niyang pinagsasabi ang sakit niya."

"Pero hindi naman po halatang may iniinda siyang sakit."

"Masayihin talaga yan si Luke, sa tuwing umiiyak ang Mommy niya alam niya kung paano niya siya papasiyahin."

Sabi na ngaba may kakaiba diyan kay Luke

"Iha, mukhang inaantok ka na, ang ganda mo parin kahit humihikab."

"Ikaw lola hah, palabiro Kadin pala, nahawa ka din pala kay Luke, sige po lola tara napo "

Matagal tagal din ang kwentuhan namin ni Lola, inabot kami ng alas-3 ng madaling araw, at talagang antok na antok na ako. Mas naging komportable ako kaya mas maaga akong nakatulog.

Every Break You TakeWhere stories live. Discover now