CHAPTER 9

25 0 0
                                    

CHELSEA'S POV

            

Kaiba pala talaga sa pakiramdam kapag galing kang probinsya, yung malayo sa kabihasnan, tapos bigla kang babalik sa Maynila, nakakakilabot yung init dahil wala ng puno na magbibigay ng sariwang hangin pinalitan na ng nagsisitaasang mga building, maski kulangot ko sobrang itim dahil syempre sobrang  dumi na ng hangin.

Matapos ko mag telenobela sa inyo tungkol kay Joshua nandito parin kami ngayon sa Makati, bukod sa dito kami pinagtagpo ng tadhana alam kong dito nakatira pamilya niya. Kumakatok kami sa bawat bahay nagtatanong kung kilala ba nila si Joshua. Diba mukha kaming naghahanap ng nawawala naming kamag-anak.

Kahit na tirik ang araw, kahit na mukha kaming gago, nag patuloy kami sa paghahanap. Naiisip kong pumunta sa Baranggay para matanong. Dahil sa pagod narin kami nag pahinga muna kami at kumain sa isang tindahan.

Habang kumakain tinanong ko si Luke

" Bakit mo 'to ginagawa ?"

"Anong ito?"

"Ito, lahat, simula ng pigilan moko mag pakamatay, pinunta moko sa Zambales, tapos ngayon tinutulungan mokong hanapin ang mga Ex-boyfriend ko"

"Alam mo may mga taong gusto pang mabuhay, makapiling yung mga taong mahal nila, pero hindi nila kayang gawin dahil may hadlang.May mga tao ding, binibigyan ng pagkakataong makapiling ang mga mahal nila, magawa kung ano mga gusto nila, pero pinipiling magpakamatay."

"Diretsuhin mo nga ako, kasi hindi ko naiintinidhan"

"Maiintindihan mo rin yan. Tara na baka iba pa ang makahanap sa kaniya"

Matapos ang panandaliang pagpapahinga, tumungo kami sa baranggay para itanong kung dito parin ba nakatira ang pamilya ni Joshua. At napag alaman naming ang ilan sa mga pamilya niya ay umalis na dito sa Makati, yung iba daw pumunta ng Ilocos.

Feeling ko dapat ko ng ihinto tong kalokohan na'to. Kung di lang dahil diyan sa closure na yan, Malaki ang naging pagbabago simula nang nag hiwalay kami ni Joshua. Napabayaan ko ang mga obligasyon sa bahay. Gabi-Gabi akong umiiyak sa kwarto. Hindi nako nakakaraket para makatulog sa gastusin sa bahay, napabayaan ko si Mama mas naging Malala ang sakit niya, hindi ko nabantayan si Abi, binubully siya sa school dahil sa pagiging nerd, at sobrang nadurog ang puso ko ng sabihin niya saking ayaw na niyang mag-aral,  Si Joel naman naging tambay, natutong magbisyo. Kaya sobrang sakit, kung makikita  man namin sya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya, gusto ko siyang saktan, gusto kong iparamdam sa kanaya yung sakit na ipinaramdam niya sakin.

Hanggang sa patuloy naming paghahanap, nakakita ako ng isang babaeng kamukha ni Coleen, pero kakaiba ang katawan niya, tumaba siya ng husto, may bitbit na sanggol, at nang nilapitan ko, sabi na nga ba si Coleen to. Gusto ko rin samapalin tong gagang to pero parang kawawa siya tingnan, sobrang laki ng pagbabago.

"Hoy! Coleen, dito ka na pala ngayon nakatira?"

"Chelsea, ikaw ba 'yan? "

"Oo ako to" sa isip ko gusto ko siyang sampalain pero parang di ko kaya dahil sa katayuan niya

"Grabe! Ibang-iba ka na! Boyfriend mo ?" sabay turo kay Luke.

"Yes" biglang tugon ni luke. Napatingin ako sa kaniyan pero bigla niya kong inakbayan at pinisil niya yung balikat ko. Kaya hindi nalang ako umimik.

"Ang swerte mo naman, ganon pala talaga siguro, yung parang sa mga pelikula kung sino ang inaapi siya ang magtatagumpay. Gusto ko nga pala mag sorry sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo alam kong mali yon at pinagsisisihan ko na, sana mapatawad mo pa ko"

                Sa lahat ng nangyrai sakin diko alam kung dapat ko bang tanggapin ang sorry niya, pero kailangan,  kaya nga kami nandidito para matapos na ang lahat.

                " Masyado ng matagal yon, sino ba naman ako para di kita patawarin. Anak niyo ni Joshua?" sabay turo sa sanggol na bitbit niya.

                "Ahh! Ehh! Oo, anak ko, pero di anak ni Joshua, hindi din naman kami  nagtagal. Teka pasok muna kayo sa bahay."

                Medyo may kaliitan ang bahay nila, maingay pero medyo okay naman na para sa kanilang pamilya. Binigyan niya kami ng maiinom at pina-upo. Nagkwento siya about sa mga nangyari. Sabi niya mas naging Malala si Joshua, Nalulong siya sa bisyo, halos lahat ng perang kinikita niya winawaldas niya lang sa sugal at alak.Isang beses pa nga raw ay pinagbuhatan siya ng kamay nito. Kaya umalis siya, pero ang nagkatuluyan sila ni JV bokalista nila Joshua. Diba? Likas talaga ang pagiging malandi, pero masaya naman daw sila at may isang anak. Huminto muna sa pagkanta si JV at nagtrabaho bilang call center sa isang maliit na company.

                Matapos siyang mag kwento tinanong ko kung nasaan na ngayon si Joshua. Ang sabi niya pati raw pamilya ni Joshua, tinalikuran na siya. Kaya ang sabi niya, siya lang daw ang nakakalam kung nasaan ito, kaya sinamahan niya kami para makausap si Joshua.

                "Big time ka na talaga Chelsea, isipin mo dati pajeep jeep ka lang ngayon naka kotse ka na."

                "Ganon talaga kapag di malandi este kapag mabait," alam kong malandi din ako noh per I'm sure mas malandi siya sakin. Sinakayan ko nalang din si Luke sa pagpapanggap niya. Gusto kong ipamukha kay Coleen na "hello! Ito na yung taong sinaktan niyo!" di ko man siya nasampal atleast sinampal ko naman budhi niya. Ganti lang ng medyo slight.

                "Babe, after this gusto ko sanang magbeauty rest sa David's Salon"

..................................................................

........................................

.....................

                Shet bwisit talag tong si Luke, hindi man lang nag salita, tumawa pa ng patago.

                "Teka! Saan ba tayo pupunta Coleen?" tanong ko

                "Basta sundan niyo lang yung sinasabi ko, malapit lapit na tayo"

                At heto na nga, huminto ang sasakyan, unang bumaba si Coleen dahil sya ang nakakalam ng gagawin, kayat sumunod nalang kami ni Luke, maraming nakapilang mga taong nakasuot ng kulay orange na damit at may letrang P. Pagtingin ko sa itaas "Manila City Jail" So nakulong si Joshua? Kaya pumasok na kami sa loob ng City Jail.

                First time sa buong buhay kong makapasok sa isang kulungan, hindi naman sa pangiinsulto pero nakakatakot talaga yung mga mukha nila, yung tipong sasaktan ka nila. Lumapit sa amin ang isang pulis.

                " Sino po ang dadalawin niyo ?"

                " Ahh! Nandiyan po ba si PO2 MATALINGKAD" nakangitng pagsagot ni Coleen

                "Lumabas lang po saglit, umupo po muna kayo sa office niya, antayin nalang  po natin babalik din po 'yon"

Every Break You TakeWhere stories live. Discover now