CHAPTER 4

29 0 0
                                    

CHELSEA'S POV

            

So here I am, nakasakay sa kotse ni Luke, maliit lang yung kotse niya siguro pwede na makasakay yung limang tao, isa sa harap at tatlo sa likod depende sa laki ng katawan, kulay blue and black. Sobrang bango ng air freshener at sobrang lamig. Hindi ko parin ma-imagine na sumama ako sa isang taong hindi ko naman kilala na maski pagkatao, atleast ngayon alam ko na ang kaniyang pangalan. Wait lang, andiyan na pala ang mokong.

"Teka lang nga, hindi ko na kasi naiintindihan ang nangyagyari. Una sa lahat bakit mo'ko dinala dito ? Nasaan ba tayo? Sino kaba ?  May gagawin ka bang masama ? Rerapin mo ba ako ? Ibebenta, kikidnapin, FYI mahirap lang kami, walang pang ransom pamilya ko at bakit nadoon ka sa bangin, anong ginagawa  mo doon ?

" Teka lang din hah, una din sa lahat andami mong tanong, paano ko sasagutin halos ayaw mo na ako pagsalitain, andito tayo ngayon sa Zambales, yung mga taong kasama ko kanina sila yung mga taong kasama ko mula pagkabata, every summer bumibisita ako dito para dalawin ang piakamahal kong babae sa balat ng lupa. Mga isang buwan, bago ako pumunta ng Manila."

"What ? So it means isang buwan tayo dito ? At kailangan mo pa talaga kong isama para bisitahin yang piakamahal mong babae sa balat ng lupa.Hoy kuya marami akong obligasyon sa bahay, paano ang pamilya ko. Teka tatawagan ko muna sila, nakita mo ba yung cellphone ko ?"

"Eto ba ?" sabay taas ng kamay niya tangan ang cellphone ko

"Bakit nasasaiyo yan ? Sabi na nga ba may masama kang balak sa'kin.Magnanakaw ka noh?"

"Tingin mo may magnanakaw bang ganto ka pogi? Hah? At tingin mo may mag nanakaw pa ba ng gantong cellphone? Pwede ng pamato to eh" sabay tawa, yung tawa niya nanakakatunaw at laglagpanty.

"Pinag hirapan ko yan, ilang raket din yan, Akin na nga " sabay hablot ko ng 3210 kong cellphone.

Tinawagan ko si Rupert, si Tita, si Joel o kung sino man pwedeng tawagan pero *the number that you have dialed is either unattended or out of coverage area please try or call later* Shet naman oh, pag minamalas nga naman talaga ang buhay mo.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking palengke, bes ang sosyal at ang linis ng palengkeng ito, naka tiles ang sahig, ngayon lang ako nakakita ng palengke na nakatiles. Guess what ? Nakagown parin ako, isipin niyo ng dugyot, pero dugyot talaga ako, paano ba naman ako makakapagpalit ? Wala akong dalang damit maski panty at bra.

"Tumayo ka diyan, samahan moko mamili" sheeeettttt  tanggala ang  pogi ng pag kakasabi niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan, tumayo at naglakad ng paika-ika. First stop, flower shop, infairnes sa mga flower shop dito ang ganda at ang creative ng pangalan. Virgin rose' flower shop alagang-alaga, kayat mabulaklak at mahalimuyak.

"Hello sir, welcome back po. Mas lalo po kayong gumagwapo kada punta niyo dito. Eto po yung boquette ng virgin rose flowers, eto nga po pala may padagdag po kaming isang sunflower, para po kay Stepphanie"

"Naku salamat po Nanay Marsing, siguradong matutuwa po siya rito. Mahilig din po sa sunflower yun"

"Oo nga eh, alam mo bilib ako sayong bata ka, isipin mo naman taon-taon kang bumabalik, talagang mahal-mahal mo talaga si Stephanie. Sir saan kop o pal ilalagay tong flowers?"

"Paki-bigay nalang po sa kaniya" sabay turo sa akin

"What?! Ako ? Ako magbubuhat niyan? "

"Wow sir! Ang sosyal naman ng yaya niyo ang ganda at naka gown pa" sabay abot sakin ng boquette ng flowers

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinabihan niya akong maganda o magagalit ako dahil pinagmukha niya akong katulong.

"Sige po Nay, tuloy na po kami"

Ang laki at ang bigat naman netong Virgin rose' ni Nanay. Totoo nga ang chavalier is dead, napakalaking lalaki neto sa akin pa pinabuhat to.

*Ma'am . Sir! Bili na po kayo oh! Ukay-ukay. Mura na dekalidad pa*

Hayy! Sawakas, makakapagpalit nadin ng damit, ilang araw ko ding suot tong gown na'to. Nasa loob ako ng dressing room ng ukay ukay store, wala na akong pakealam kung masisilipan ba ako, dahil kurtina lang ang dressing room nila. Habang sinusuot ko ang damit na napili ko. Typical sando for girls ung pangsummer, with pekek short  and Hat and sunglasses. Medyo nadissapoint lang ako kasi diba sa mga movies at teleserye pinagshoshopping yung mga bidang babae sa malls tapos ako sa ukay-ukay ? Hindi naman sa pagiging maarte, medyo cheap lang tong lalaking to. At eto na palabas na ako ng dressing room.

*SLOW MOTION EFFECT*

Marahan kong hinawi ang kurtina, sa bawat pag hakbang ko kasabay ang pag langoy ng hibla ng aking mga buhok sa hangin. Nakatitig sa mga mata ni Luke, with tulo laway effect and then killer smile and wink.

"Ang panget mo! BWAHAHAHAHHAH!"

"Anong panget ka diyan! Hindi mo ba nagustuhan ? Kitang-kita ko sa mga mata mo. Halos di ka na nga makahinga nung nakita mo'ko"

"Oo nga sir kitang kita ko kanina halos tumulo na laway mo kay ma'am. Ang ganda kaya ni ma'am. Bagay nga po kayo eh"

"Anong bagay! Eto ?" sabay naming sinabi ni Luke while pointing each other.

"Oh! Eto Ale bayad ko diyan sa inyo napo ang sukli."

Habang papaalis kami sa palengke at patungo sa sasakyan, parang kakaiba yung nararamdam ko, parang di ko ma-explain, yung tipong nahihiya ka mag salita, yung tipong ayoko ko siyang kausapin, sobrang tahimik namin habang nag lalakad. Ang awkward shet, ayoko ng ganto.

*clears throught* " Ingatan mo yang nga bulaklak, at oo nga pala utang mo sakin yang suot mo ngayon, 20 para sa Hat 50 sa sunglasses, 70 para sa sando at 150 para sa short bale 290 lahat."

Habang nakasakay kami sa kotse tinanong ko siya

"Sino ba si Stpehanie, siya ba yung piakamahal moong babae sa balat ng lupa?"

"Yes"

"Every summer ka talaga pumupunta para dalawin siya? Ang swerte naman niyang Stephanie nay an. Samantalang ako mukhang lahat ng naging boyfriend ko kinalimutan na ako.Alam mo sana ako nalang si Stephanie, ang sarap kasi sa pakiramdan na alam mong may taong babalik at babalik sayo, yung may taong hindi ka kakalimutan, yung taong papahalagahan at mamahalin ka."

Isang matamis na ngiti ang isinukli niya. At nag patuloy sa pag mamaneho.

Malamig na hangin na dumadampi sa mainit kong katawan, isang tinig mula sa radyo na pilit hinihele sa aking mga tainga, habang nakaupo sa isang malambot at makinis na upuan. Kung di niyo nagets, n-a-k-a-t-u-l-o-g nanaman ako, mabilis kasi ako makatulog basta malamig.

"Chelsea! Nandito na tayo!"

Marahan kong minulat ang akin mga mata, at nagulat ako sa aking nakita. Sumasayaw ang mga puno sa kumpas ng hangin. Tahimik. Huni ng ibon at kaluskos ng mga tuyong dahon ang bumasag sa panis na katahimikan ng kapaligiran. Binuksan ko ang pinto ng kotse at pumunta sa kinaroroonan ni Luke. Nilagay niya ang buquette ng mga bulaklak sa isang parisukat na may nakalagay. R.I.P Stephanie Sandoval April 29, 1970 – January 18, 2013.

"Mama! Sorry it was abit late na, may mga inasikaso akong papers. Pinabibigay po pala ni Nanay Marsing alam niyang  favorite niyo ang sunflower. I miss you mama."

Yes, Stephanie is his mother, ang pinaka mamahal niyang babae sa balat ng lupa. Nadurog ang puso ko habang binabaling ko ang aking mata sa sa kaniya. Marahang tumutulo ang luha sa kaniyang pisnge. Napaka mysterious ng taong 'to. May dahilan kaya kung bakit kami pinag tagpo lalo na't pinag tagpo kami sa lugar ng kawalan at sa panahong susuko na ako.

Every Break You TakeWhere stories live. Discover now