CHAPTER 10

21 0 3
                                    

CHELSEA'S POV

Nagulat ako sa nalaman ko, sa pagkakatanda ko ang apelyido ni Joshua ay matalingkad, nandito kami sa City Jail ngayon at nang tinanong si Coleen kung sino ang hanap namin, sinagot niyang si PO2 Matalingkad. Ginugulo talaga ako ng mundo, Pulis ba siya o Preso? Baka naman si PO2 matalingkad ang naka assign kay Joshua kaya kailangan namin siya makausap bago namin bisitahin si Joshua.

Habang nag-aantay kami. Nagkaroon kami ng small talk ni Coleen.

"Alam mo, masaya ako para sa'yo" nakangiting sabi ni Coleen

"Masaya? Para sa akin? Paano ? Bakit?"

"Kasi nahanap mo nay yung Right Guy para sayo, diba nga halos napagod at nakailang boyfriend ka na para lang hanapin si Mr. Tama. Tapos ayan na oh! Katabi mo na"

Nakita ko nananam ang nakakainsultong mukha ni Luke, nang marinig niya ang sinabi ni Coleen na sa kakahanap ko kay Mr. Tama, halos mapagod na ako. Oo tama yun at alam yun ni Luke sinabi ko sa kaniya yun noong naginuman kami sa birthday ni Sophia, pero hindi na niya dapat sinabi yon. Nangigigil din talaga ako ditto sa matabang to.

"AAAHHH!! Oo ang swerte swerte ko talaga itto" pabiro kong sabi habang pinipisil ang tenga ni Luke at nilalapit ang mukha ko sa kaniya.

Marahang bumukas ang pinto, isang matipunong lalaki ang pumasok, kumikinang ang makintab niyang itim na sapatos, nakasuot ng uniporme ng mga pulis. Matikas ang pangangatawan.

"PO2 Matalingkad nandiyan na po pala kayo" habang inaayos ni kuyang guard ang mga papel sa harapan niya.

"Coleen! Matagal-tagal ka nading di dumadalaw dito, sino tong mga kasama mo?"

"Opo nga po eh bibisitahin po sana namin si Joshua"

"Ah ang pamangkin ko, tara sundan niyo ko "

So ayun, pamangkin pala niya si Joshua kaya pala kaapelyido niya to. Nasa Cell no. 16 si Joshua. Medyo ilang hagdanan din ang dinaanan namin. Nang marating namin ang patutunguhan, umupo muna kami sa Visitor's seat.

"Joshua! May bisita ka "

"Sino naman ang bibisita sakin, umuwi na sa Ilocos mga pamilya ko."

"Basta lumabas ka nalamang , mga kaibigan mo yata tong mga to, kasama ni Coleen"

Ibang-iba ang itsura ni Joshua, ang dati nyang mahabang buhok, nawala, kalbo na siya, naging balbassarado, makapal ang bigote at balbas. Halatang gulat siya sa nakita niya, malamang hindi niya ineexpect na dadalawin siya ng isang babaeng niloko at sinaktan niya. Sino ba namang babae ang dadalawin ang Ex boyfriend na nakakulong sa isang kulungan ? Ako lang yon!!!!!!!!!!!!! Ako lang!!!!!!!!!!!!Lumabas muna si Coleen at Luke upang hayaan kaming magusap ni Joshua.

"Nandito ako para ayusin ang lahat"

"Sino yung lalaking yon? Bebot mo ? Mukhang mayaman. Tiba-tiba ka diyan"

"Ano ba Joshua? "

"Easy ka lang, joke lang syempre"

"Tatlong bagay lang ang gusto kong malaman. Una, bakit moko shinota? Pangalawa, bakit moko pinagpalit? Pangatlo, paano ka napunta dito ?

"Hii..iind...ii ko alam " nauutol niyang pagbigkas

Unti-unting namumutawi ang galit sa puso ko, akala ko kaya ko na siyang harapin ng hindi ako magagalit, Nararamdan ko ang marahang pagbagsak ng luha ko sa aking mga mata.

"Ano ba Joshua?" pasigaw kong sabi habang kinalampog ang lamesa " Alam mo ba pinagdaanan ko matapos mokong lokohin. Ang gago mo naman Joshua. Sagot lang ang kailngan ko. Kahit anong sabihin mo tatanggapin ko!!!!!!! "

"Pantanggal libog ka lang!" binigkas niya ng pasigaw at mataas ang tono

"Ang gago mo! Ang gago! Gago! Mo Joshua!" palakas ng palakas ang pag iyak ko habang hinahampas ko siya.

"Ganito kasi yan, oo niloko kita, pinagtripan, nasaktan din naman ako ng iwan moko sa ere, sa mga panahong kailangan kita sa mga gigs ko ? kailangan ko ng girlfriend para I cheer ako. Nasaan ka ? "

"Hindi mo na kailangan sagutin yung panagatlong tanong. Dahil alam ko na kung bakit"

Nilisan namin ang City Jail , hinatid namin si Coleen sa bahay nila. Tinanong ako ni Luke kung saan ko balak pumunta at napagdesisyunan kong pumunta sa food court. Gusto kong ilabas ang galit ang stress sa pagkain. Foods are the only thing that can comfort me. Nagorder ako ng sobrang daming pagkain, yung pang 10 tao, siyempre alam ni Luke na malungkot ako, nakailang beer din ako. Hindi ako kayang pigilan ni Luke dahil sa pinagdaanan ko. Kahit kung sino mang taon, pag nakita ako noong araw nayon yayakapin ako ng mahigpit. Dahil sa sobrang kalasingan, di ko na alam mga pinaggagawa ko

"Bakit ganon Luke? Bakit ganyan kayong mga lalaki? Bakit ganon si Joshua? Pangtanggal Libog niya lang daw ako ? HAHAHHAHAHA. Pakyu! Eh bakit shinota mo pa ako? Gago ka ? Eh pwede mo namang kamayin nalang ? Bakit kaialngan ako pa ?" Ang gago gago mo, ginago moko, eh etong si gago nag pagago naman sayo! Puta ang gago ng mundo."


AUTHOR'S NOTE: ABANGAN ANG NEXT CHAPTER SA SABADO :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Every Break You TakeWhere stories live. Discover now