CHAPTER 8

28 0 0
                                    

CHELSEA'S POV

Kaya mo bang balikan ang nakaraan? Lalo na't ang nakaraang iyon ang nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay mo. Masakit, Mapait at Mahirap. Pero sabi nga kailangan mong isettle ang nakaraan para maka move forward ka sa future, hindi yung magstay ka nalang sa nakaraan.

"Mukhang napasarap ata ang tulog niyong dalawa?" bungad ni Lola Pelising.

Nagulat nalang ako ng makita kong nakayakap ako kay Luke at ganon din siya. Siyempre naka brief padin siya no'n.Kaya tinanggal ko nalang at nag unat.

"Heto ang agahan niyo, dinala ko na dito sa kwarto niyo, higupin niyo ang sabaw pangtanggal ng hang over yan" dagdag pa niya

"Sige po Lola nag abala pa po kayo, pakilagay nalang po diyan, salamat po"

At sa pag alis ni Lola, Iniisip ko kung may nangyari ba kagabi. Feeling ko wala namanng nangyari, wala naman akong naramdaman na tumusok kaya Hay! Basta papanindigan kong walang nangyari, kasi wala nman talagang nangyari. Hindi eh bakit parang ang lagkit sa pakiramdam kagabi, tapos parang ang init ganon.

"Hindi ka lang naligo" biglang sabi ni Luke sabay upo sa kama.

Sinasabi ng isip ko, so kanina pa pala tong gising mokong na'to, narinig niya yung sinabi ko? Shet naloloka na talaga ako dito.Kaya hinayaan ko nalang, sabi ko sa sarili ko magiging fluid nalang ako, just go with the flow. Bahala na si Batman. Tumayo siya at nag unat, siyempre bes naka brief lang siya kaya pag unat niya nag Good Morning din sakin si Junior, sa sobrang kadakilaan ni Junior napa kagat labi nalang ako ng todo, di ko nga alam baka may sugat na yung labi ko. Sabay kinuha niya ang agahan na nakalagay sa isang maliit na mesa.

"Anong klaseng titig yan?" tanong ni Luke

"Ganyan kaba talaga matulog? Naka brief?"

"Bakit ayaw mo ba ?"

"Gusto ayy este ayaw siyempre babae ako. Tapos natulog tayong magkatabi sa iisang kama at nakabrief ka pa"

"Wala kang magagawa nangyari na" sabay kindat.

Habang nakaupo na kami sa kama at kumakain ng agahan

Sinangag na kanin or garlic rice, tuyong isda at itlog na pula na may kamatis at suka't bawang. Sabaw ng sinigang na buto ng baboy.

Ang disturbing talaga, siyempre nakaupo siya tapos naka brief lang habang nakikipagusap sakin. Pero hinayaan ko nalang.

"Oo nga pala, ilang araw tayong mawawala. Magpapalam ka sa pamilya mo, at magpapaalam nadin ako kay lola."

"Saan naman tayo pupunta? Saan mo nanaman ako dadalhin? Hindi ka ba napapagod kaka travel ?"

"Mag ta-time travel tayo. Babalikan natin ang nakaraan mo. Si Joshua, si Benjie at si Kobe"

Sheeett! Bakitttt?! Bakit natatandaan pa niya yon, so hindi pala siya sobrang nalasaing kagabi? So alam niya ang mga kaganapan kagabi? Kasi natatandaan pa nya ang pangalan ng tatlong mokong.

"Para saan pa? Di na mahalaga 'yon"

"Kung sayo hindi na mahalaga yon, pwes sa akin, mahalaga yon. Kaya ikaw, tawagan mo na pamilya mo"

Hah?Panong magiging mahalaga sa kanya yon? Di naman siya naapektuhan ng mga hiwalayan na naganap. Hay! Bahala na sabi ko ng asa sarili ko just go with the flow nalang ako. Kaya tinawagan ko nalang si Tita Debi.

"Hello tita? Kamusta na po kayo diyan? Si Mama napapainom ba ng gamot? Si Abi nakakapagpahinga ba, nakakakain pa ba yan, hindi puro aral ang inaatupag? Si Joel baka naman hindi na umuuwi ng bahay yan doon na sa basketballan natutulog? Si Rupert nga pala tita kamusta na si bakla, hindi ko pa sya nakakausap"

Every Break You TakeWhere stories live. Discover now