CHAPTER 7

19 0 0
                                    

CHELSEA'S POV

            

*tiktilaok*

"Ate ko gising na, ganda ganda talaga." Ano ba naman tong si Luke ang agang kay sarap, jusko habang nilalapit niya ang kaniyang mukha at habang pinipisil niya ang ilong ko, kaibang bose ang naririnig ko , shet boses palang ang sarap na. Siyempre dapat lasapin ko tong moment na 'to from right niliko ko yung mukha ko papuntang left. Pero ganon din ang ginawa niya, pumunta naman siya sa left side at maulit niyang sabi " Gising na, may pupuntahan tayo"

"Hoy Luke! Tigilan mo nga ang pangungulit diyan kay Chelsea at late na natulog yan. Halika kana dito at mag agahan na antayin nalang natin siya gumusing."

Inantay ko munang umalis siya syempre kailngan maganda ako, kaya bago ako pumunta sa kusina naghilamos, tagal muta, tanggal panis na laway at tanggal himulmol ng buhok.

Habang nakaupo kami at kumakain ng agahan. Biglang nag salita si Luke.

"Bilisan mo kumain diyan at ikaw ang sasama sakin mamaya"

"Hindi pa nga ako nakakasubo maski isa pinapatayo muna agad ako, chill ka lang. At saan nama tayo pupunta? Hah?"

"Eh kung yung sinabi mo kinain mo nalang edi sana natapos kana, Pupunta tayong bayan, mamamalengke ng mga kakailnganin para sa birthday party mamaya ni Sophia"

Inulit ko yung sinabi niya pero walang sound

               "Tumigil nga kayong dalawa diyan para kayong mag asawang di mapalagay sa isat isa" biglang singit ni Lola Pelising

"Asawa?" sabay naming sinabi ni Luke ng pasigaw.

"Yuck! Kadiri" with matching kunwareing sumusuka ako

"Eww! Dugyot"

Nakita kong nakatingin sakin si Sophia kaya binati ko nalang siya

"Happy birthday Sophia"

"Salamat po ate Ganda!"

Binilisan ko nalamang ang pag-nguya para matapos na at siyempreniready ko na ang sarili ko dahil alam kong aalilain at mapapasabak nanaman ako sa pagbubuhat ng pinamili. Habang nakasakay kami sa kotse ni Luke ganito ang senaryo.

"Luke!"

"Ano!!"

"Pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na nga eh "

Aba pilosopo talaga tong lalaking to. Gusto ko sanang tanungin siya kung anong sakit niya, kaya lang naisip ko baka magalit siya.

"Ano na yung itatanong mo"

Isip.. isip.. isip, hindi ko alam kung ano yung ipapalit kong tanong, hindi ko pedeng itanong sa kaniya yon, at malas pa nang bigla siyang prumeno dahil hindi niya nakitang maytumawid, bigla kong nasabing

"Virgin ka pa ba ?"

Shet naman, bakit yun pa, nakakahiya, baka isipin niya na ano, yung ano, alam mo na yon, yung ano .Erase Erase Erase.

Bigla siyang tumawa ng malakas " BWAHAHAHAHAHHA! Bakit gusto mong malaman?"

Wala akong maisip na isasagot, bakit kasi yun pa yung nasabi ko, malay ko bang lalabas sa bibig ko yon? Kaya hindi nalang ako umimik. At binaling ang tingin sa bintana. Pabulong  niyang sinabi bago kami bumaba ng kotse " Siguro mamayang gabi di nako virgin"

Shet! Boses palang nakakabuntis na, alam mo yung pinipigilan mo yung kilig mo, yung gusto mong sumigaw, tumalon talon, magwala, pero poker face ka parin tapos kunwareng di mo narining.

Every Break You TakeWhere stories live. Discover now