-----Mikaela-----
~Tiktilaok! Tikitilaok!~
Yawn*nagising ako dahil sa alarm clock ko ang walang kupas na manok nmin,bumangon na ako agad at inayos ang higaan ko at lumabas na ng kwarto ko.Dumiretso ako sa kusina kung saan nakita ko si inay na nagluluto ng umagahan nmin agad nman akong lumapit sakanya para batiin
"Magandang umaga inay!" Pagbati ko sakanya napatingin nman sya sakin at ngumiti
"Magandang umaga din,o sya maghilamos at magsipilyo ka na dahil kita ko pa yang tuyong laway sa pisngi mo haha" natatawang sabi nya sinimangutan ko lng sya at dumiretso na sa lababo at nagsipilyo at naghilamos na
Nang matapos ako tinulungan ko na si inay sa paghahanda ng umagahan nmin at nang matapos kami sa paghahain ay binalingan nman ako ni inay
"Mikay puntahan mo na ang tatay at kapatid mo sa may likod bahay,tawagin mo na at sabihing kakain na tayo" sabi nya kaya tumango lng ako at pumunta sa likod bahay
Pagkarating ko dun ay nadatnan ko ang aking tatay at nakababatang kapatid na nagpapakain ng mga manok at itik na alaga nmin,nang mapansin nila ang prisensya ko ay agad silang ngumiti sakin
"Tay,Joel Tara na po at kakain na" nakangiti kong sabi sakanila,agad nman silang lumapit sakin at sabay sabay na kaming pumunta sa hapagkainan para kumain
Nang makarating kami ay agad kaming umupo at nagsimulang kumain,ang pagkain nmin ay nilagang saging at kamote at pandesal,at kape
"Sya nga pala mikay samahan mo ko sa bukid mamaya at magaani tayo ng gulay at prutas sa bukid,at dalhin mo sa pamilihan para makapag ipon tayo dahil malapit na ang pasukan at kakailanganin na ni Joel ng gamit sa eskwela" pahayag ni inay habang kumakain
"O sige po nay,maganda po iyon at para makapag ipon na tyo ng pambili ng gamit ni joel.Tutulungan ko po kayo sa pambili ng gamit nya" nakangiti kong sabi
"Naku salamat anak,mamayang hapon pala ay abangan mo na kami sa daungan mamayang mga ala una para makapaglako ka ng isda" sabi nman ni itay kaya tumango lng ako bilang tugon
Nang matapos kaming kumain ay agad na naghanda sila itay at joel ng gagamitin nila sa paglaot maya maya. Samantalang si inay nman ay dumiretso na sa bukid at magsisimula na syang mag ani doon
"Mikay ikaw na ang bahala sa inay mo at sa bahay aalis na kami ni joel" pagpapaalam ni itay
"Ingat ate ha?dbale mamaya papasalubungan kita kapag nagdayo kami ni itay" sabi ni joel at yumakap sakin
"Sige tay,joel ingat kayo!ikaw joel kahit hndi mo nman ako pasalubungan ehh ipunin mo nlng yun para sa pasukan ay may pera ka"sabi ko at kumaway na sakanila
Pagka alis nila ay hinugasan ko na ang pinagkainan nmin at maglilinis pa ng bahay bago pumunta sa bukid at magtrabaho.at habang naglilinis ako ay magpapakilala na muna ako
Ako si Mikaela Jane Ortiz,panganay sa dalawang magkakapatid 19 yrs old na ako samantalang si joel ay 17 pa lng.High school lng ang natapos ko dahil hndi kaya ng magulang ko ang mapag aral ako sa kulehiyo atsaka tinulungan ko na din sila sa pagtatrabaho.Ang gusto ko ay tulungan muna sina inay at Itay at mapagtapos ng pag aaral si joel saka nlng ako pagkatapos nya.Sabi ng mga kabaryo ko ay mukha dw akong anak mayaman at may lahi dahil sa maputi at makinis kong balat kahit na lagi akong nasa arawan dahil sa trabaho ko,ang kulay brown kong buhok at maging kulay ng mata ko may katangkaran din ako at sabi nila ay sexy dw ako,at ang matangos kong ilong at mapupungay na mata at mapupula at manipis kong labi ang lagi nilang napapansin at pinupuri sabi pa nga nila ay hndi nman dw ako mukhang probinsyana dahil mas mukha pa dw akong taga maynila
BINABASA MO ANG
Magkaibang Mundo
Romancedalawang tao ang nabubuhay sa magkaibang mundo.. ang isa ay mayaman,arogante,gwapo,bad boy at mapangmataas samantalang ang isa nman ay mahirap,maganda,masipag,at kayang gawin ang lahat para sa pamilya nya pano kung magkatagpo sila sa hndi inaasahang...