---------Ezekiel---------
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng init sa pisngi ko,nasilaw pa ako ng idilat ko ang mga mata ko dahil sa liwanag ng araw. Nilingon ko ang gilid ko,pero wala na ang katabi ko.
Nasan siya? Kasama ko pa siya kagabi diba?alam kong dito siya natulog kagabi.
Agad akong bumangon hindi na ako nag abalang maghilamos at magsepilyo dahil dumiretso na agad ako sa kwarto niya.
Nang makarating ako dun,hindi ko siya nakita. Pumunta rin ako sa banyo at sa closet niya pero wala siya maski ang mga gamit niya ay wala.
Agad akong kinabahan,iniwan niya kaya ako?bakit?
Bumaba ako para tanungin sana si manang kung nakita niya si jane. Liliko na sana ako para pumunta ng maid's quarters ng makarinig ako ng ingay sa kusina.
Nangunot ang noo ko dahil hindi naman nag iingay ng ganun ang mga tauhan ko dun dahil alam nilang ayaw ko ng maingay sa pamamahay ko.
Napagdesisyonan kong pumunta dun dahil may nag uudyok sakin na pumunta sa lugar na yun. Pero bago ako tuluyang makapasok ay nakarinig ako ng mga natatarantang tinig na tila may pinapagalitan.
"Miss mikaela pleae po,kami na ang bahalang magluto. Dun na lang po kayo maghintay."tinig ng isang babae.
"Naku ate,hayaan mo na po ako.Wag kang mag alala hindi ko susunugin tong mansiyon ni Ezekiel. Marunong po akong nagluto."isang mahinhin na tinig na nagpakalma sa mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Eh miss hindi niyo naman po kasi kailangan gawin yan. Bisita po kayo ni master at siguradong magagalit yun samin pag nalaman niyang hinayaan ka naming magluto!"sabi ng kasambahay ko.
"Pero ate ginagawa ko nga to para sakanya, gusto ko kasi na makatulong man lang sakanya kasi malaki ang utang na loob ko kay Ezekiel. Wag kayong mag alala akong bahala magpaliwanag sakanya. "Masayang hayag nito.
"Pero miss---"hindi na natuloy ng kasambahay ko ang sasabihin niya dahil pumasok na ako sa loob.
Nagulat ang mga kasambahay at kusinero ko nang makita ako. Nag bow sila sakin at bumati. Napako ang tingin ko sa babaeng kanina lang ay halos mabaliw na ako sa kahahanap. Eto siya ngayon abala sa pagluluto,ni hindi nga man lang yata namalayan na nandito na ako.
" Master s-sinubukan po namin siyang pigilan k-kaso nagpupumulit po eh."nauutal na sabi ng katulong ko.
"Iwan niyo kami."yun lang ang sinabi ko at nag bow sila bago tuluyang umalis.
Nakatalikod siya sakin habang nagluluto siya, alam kong alam niyang nandito ako pero ang ipinagtataka ko kung bakit hindi man lang siya lumingon para batiin ako.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko,pero nangingibabaw ang pagka tuwa dahil nandito siya,dahil hindi niya ako iniwan.
Namalayan ko nlng ang sarili kong naglalakad patungo sakanya, nang makalapit ako sakanya ay niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang nag alala ako kanina dahil akala ko iniwan na niya ako. Nagitla siya dahil siguro sa biglang pagyakap ko sakanya.
"Continue cooking, just let me hug you please. "Bulong ko sa may tenga niya.
Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi siya gumalaw o nagsalita man lang,nagtaka naman ako kaya ipinaharap ko siya sakin. Nakatungo siya ng magkaharap na kami,hindi ko alam kung anong nagawa ko at ganito ang inaakto niya sa harap ko. Nakaramdam ako ng inis at kirot sa puso ko dahil sa pagtrato niya sakin.
Hinawakan ko ang baba niya at dahan dahang ini-angat para magtama ang mga paningin nmin. Pero laking gulat ko ng makitang namumula ang mga mata niya at maitim din ang ilalim ng mga mata niya. Bigla naman akong nag alala,what happened to her?
"H-hey are you alright? Did you cried?"nag aalalang tanong ko.
"W-wla ito Eziekel,a-ano napuwing lang hahaha."sabi niya at nag iwasnang tingin. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin ulit siya sakin.
"Ano talagang nangyari sayo?wag ka naman magsinungaling please oh?"mahinahon na medyo may pagmamaka awa na sabi ko.
"A-ahm namiss ko lng sila nanay, Y-yun lang iyon."sabi niya sabay bawi ng mga kamay niya.
"Ganun ba?pwede mo silang tawagan kung gusto mo."nakangiti kong sabi,pero hindi kagaya ng ginagawa niya kahapon hindi man lang siya ngumiti sakin. Kinabahan tuloy ako bigla,parang may nagbago sakanya.
"Sige mamaya na lang,tapusin ko lang itong niluluto ko ha?"pagkatapos ay tumalikod na siya at itinuloy ang pagluluto niya.
Umupo na lang ako sa upuan at tinanaw siya habang nagluluto,alam kong iniiwasan niya ako pero hindi ko naman alam ang nagawa kong mali para iwasan niya ako ng ganito.
Maya-maya ay natapos na din siya,hinain niya na ang niluto niyang itlog,bacon,rice st bread sa lamesa pati kape sy pinag gawa niya din ako.
"Kumain kana,sigurado akong may trabaho ka pa."sabi niya na hindi man lang tumitingin sakin.
"A-ahm sabayan mo naman ako oh?madami itong niluto mo para sakin eh.''naka ngiti kong sabi pero sa loob-loob ko ay nasasaktan ako dahil sa trato niya.
"Hindi na para sayo yan,alam kong kulang yang kabayaran sa lahat ng kabutihang ginawa mo para sakin pero yan pa lang ang magagawa ko sa ngayon. may gusto lang sana akong sabihin sayo Ezekiel. "Seryosong sabi niya.
"S-sige na please?"ngayon lang ako naging ganito,hindi ako yung tipo ng tao na mapilit pero ngayon nagawa ko dahil sakanya. Bumuntong hininga siya bago umupo sa harapan ko.
"Ezekiel, maraming salamat sa lahat ng tulong mo sakin kahit na hindi tayo magkakilala tinulungan at pinatira mo ako sa bahay mo. Pero hindi na ako magtatagal dito,aalis na ako mamaya ayaw ko namang maka abala sayo tama na yung naitulong mo sakin. Kaya ko naman na ang sarili ko.''mahabang litanya niya na halos hndi makatingin sakin.
Nabitawan ko ang hawak kong kubyertos at Naguguluhang tumingin sakanya, sa loob-loob ko nakaramdam ako ng sakit at lungkot dahil sa mga pinagsasabi niya. Sinasabi ko na nga bang may problema eh, hndi kasi normal ang pakikitungo niya sakin. Hindi ko naman matandaan na may ginawa akong mali sakanya para magka ganito siya sakin.
"May problema ba tayo Jane? Bakit bigla kana lang nagka ganyan? May nagawa ba akong mali? ''Sunod-sunod na tanong ko sakanya, Naguguluhan na kasi talaga ako.
"W-wala, kailangan ko lang Talagang umalis dito. P-pasensya na kung biglaan pero yun kasi ang dapat.''nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang yun.
Tumayo ako at lumapit sakanya, hinawakan ko ang kamay niya at masuyo siyang tinignan.
"Please Jane, don't leave. I'm begging you please? ''Nakaluhod na ako ngayon habang sinasabi ang mga yun, ramdam ko na anumang oras ngayon ay maluluha na ako.
"I'm sorry, pero hindi tlaga pwede Ezekiel.''at umiwas siya ng tingin, nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko. Tumayo ako at tumalikod na sakanya.
''Kung yan ang gusto mo sige hindi na kita pipigilan, mag ingat ka.''tsaka ako umalis dun at dumiretso sa bar section at kumuha ng alak bago ako nagtungo sa paborito kong parte ng mansiyon.
Naka upo ako sa swing habang lumalagok ng alak, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong sakit.
Iniisip ko kung may nasabi o nagawa ba akong mali sakanya para iwan niya ako, pero naisip ko din naman na wala akong karapatan para pigilan siya dahil sino nga ba ako sa buhay niya? Ako lang naman ung naka bangga sakanya at nag alok ng tulong para sakanya. Ilang minuto pa ang lumipas ng mapag pasyahan kong pumunta sakanya para mag sorry. Tatayo na dapat ako ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses,at paglingon ko nakita ko ang babaeng unang bumighani sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Magkaibang Mundo
Romancedalawang tao ang nabubuhay sa magkaibang mundo.. ang isa ay mayaman,arogante,gwapo,bad boy at mapangmataas samantalang ang isa nman ay mahirap,maganda,masipag,at kayang gawin ang lahat para sa pamilya nya pano kung magkatagpo sila sa hndi inaasahang...