-----Mikaela-----
Nang makarating ako sa daungan ay wala pa sila itay kaya nakipagkwentuhan muna ako sa mga kakilala ko dito,medyo napa sarap ang kwentuhan nmin kaya hndi ko namalayan na nandyan na pala sila itay kung hndi pa sumigaw ung lalaki na nakatambay sa daungan
"Nandyan na si mang Ernesto!" Sigaw nya
Nagpaalam na ako sa mga kausap ko at pumunta na kila itay na ngayon ay nasa daungan na
"Magandang hapon po itay,joel" magalang na bati ko
"Magandang hapon din,ito na ung mga isda na ilalako mo.Uuwi na muna kami sa bahay at kami ay pagod"sabi ni itay sabay abot sakin ng isang planggana na may mga isda
" sige po,mayroon na po doong ulam at kanin na itinira ko para sainyo"sabi ko at kinuha na ang planggana
Tumango lamang si itay at sumunod nman sakanya si joel siguro ay uuwi na sila para kumain at magpahinga,ako nman ay pumunta sa may malapit na tindahan at bumili ng plastic labo para bukod bukodin ang mga isda
Nang maplastic ko na sila ay umabot ng 6 na plastic at mabebenta ko ang bawat isa sa halagang 60 tag iisang kilo sila,nang maayos ko na ang ilalako ko ay agad akong lumakad at magbebenta pa
Inabot ako ng 5 ng hapon ng maubos ang mga paninda ko,bago umuwi dumaan muna ako ng butika para bumili ng gamot ni inay dahil may sakit sya sa atay ang sabi ng doktor ay kailangan nyang uminom ng gamot para hndi lumala ang lagay nya
Nang malapit na ako sa bahay nmin ay napansin kong may kotseng nakaparada doon kaya dali dali akong naglakad papalit ng nasa harap na ako ng bahay nmin ay bumingad sakin si Joel na natataranta
"Ate buti nman nandito kana,may problema tayo" sabi nya
"Ha?kaninong kotse ba ung nasa tapat?" Tanong ko
"Basta ate,pumasok kana sa loob dahil may bisita"sabi nya
Nang makapasok kami ay naabutan nmin sina inay at itay na problemadong naka upo at sa harap nman nila ay may dalawang lalaking naka suot ng mamahalin
" kapag hndi kayo nakapag bayad ng 3 million sa loob ng 1 buwan ay sapilitan nming kukunin ang bukid at ang bahay na ito"sabi ng isang lalaki
"Ginoo wala na po ba tlagang palugit?masyado pong malaki ang 3 million para kitain sa loob ng 1 buwan lng" nakikiusap na sabi ni itay
"Pasensyahan na po pero hanggang doon lng ang palugit dahil may balak kaming tayuin na negosyo sa lupa na ito" sabi pa ng lakaki
"Babalikan na lamang nmin kayo sa katapusan ng buwan at kapag wala pa kayong pambayad ay maghanap na kayo ng matutuluyan nyo,yun lamang po at aalis na kami"sabi nya at tumayo na sila
Dahil nakatalikod sila sa pwesto nmin ay nagulat at napahinto pa sya ng makita ako pero agad din nyang binawi at tuluyan na silang umalis ng kasamahan nya,agad nman akong lumapit Kay inay na ngayon ay umiiyak na sa tabi ni itay
" inay sino po ba ang lalaking iyon?"tanong ko sakanya habang inaalo sya
"Sya anak ang may ari ng lupa ng bukid at ng bahay natin,kinukuha na nila ito at balak na patayuan ng negosyo" umiiyak na pahayag ni inay
Hndi nman ako agad naka imik dahil matagal na samin ang bahay at ang bukid na ito kaya mahirap para samin ang umalis dito dahil dito na ako lumaki at madami kaming masasayang alaala sa bahay na ito
"Kailangan na siguro nating maghanap ng malilipatan" malungkot na pahayag ni itay
"Pero hndi nman natin pwedeng ibigay nlng ang bukid at bahay natin,matagal na ito satin at madami tayong alaala dito" sabi ko
"Pero ate wala tyong 3 million at hndi natin kayang kitain iyon sa loob lng ng 1 buwan" sabi ni Joel
"Oo nga anak,kailangan nating tanggapin na kukunin na nang may ari ang lupa natin" umiiyak na sabi ni inay
"Hndi po ako papayag,gagawin ko po ang lahat para kumita ng 3 million kahit na mamatay ako kakatrabaho hndi po ako papayag na mawala ang bahay at bukid natin" sabi ko pa
"Pero ate paano ka nman kikita ng 3 million? Eh kulang pa nga ang kinikita natin dito sa bukid at pangingisda eh" sabi ni Joel
"Luluwas ako ng maynila,pupunta ako Kay tiya Carmen at hihingi ng tulong sakanya.Huwag na kayong mag alala inay,itay at Joel ako na ang bahala dito,pangako ko sainyo na hndi mawawala satin ang bahay at bukid natin" sabi ko
"Salamat anak,alam mo nman kung gaano kahalaga sakin ang bahay at ang bukid natin" sabi ni inay at niyakap ako
Nang gabing din yun ay hinanap ko sa kabinet ko ang address ng tiya kong taga maynila,dahil nung nagbakasyon sya ay nagiwan sya samin ng address ng bahay nya kung sakali dw na kailanganin nmin ng tulong nya ay puntahan lamang nmin sya sa maynila
Binuklat ko ang pinaka huling sulong at nakita ko ang address ng tiya ko na naka ipit sa isang libro agad ko nman itong kinuha at tiningnan,buo na ang pasya ko na pumunta ng maynila at doon maghanap ng trabaho
Itinabi ko na ulit ito at humiga na sa kama ko dahil bukas ay maaga akong aalis para lumuwas ng maynila,ayoko na mahirapan ang pamilya ko at alam ko din kung gaano kahalaga nila inay at itay ang bukid at bahay nmin dahil pamana pa ito ng lolo at lola nmin kaya hndi ako papayag na mawawala lng ito samin
Kahit pa na mahirapan ako at napaka impossible ng gusto kong mangyari ay wala akong paki dahil para ito sa kapakanan ng pamilya ko ang gusto ko lng ay ang lagi silang masaya kaya gagawin ko ang lahat para lng matulungan sila
Sinuksok ko na ang kulambo ko at humiga ng maayos tska ipinikit ang aking mata dahil sigurado akong bukas ay magbabago na ang takbo ng buhay ko,kailangan Kong pumunta ng maynila para maghanap ng trabaho
BINABASA MO ANG
Magkaibang Mundo
Romancedalawang tao ang nabubuhay sa magkaibang mundo.. ang isa ay mayaman,arogante,gwapo,bad boy at mapangmataas samantalang ang isa nman ay mahirap,maganda,masipag,at kayang gawin ang lahat para sa pamilya nya pano kung magkatagpo sila sa hndi inaasahang...