Siyam

0 0 0
                                    

----------MIKAELA---------

Habang nag eempake ako ng mga gamit ko sa kwarto,biglang may kumatok sa pinto. Nang lumingon ako dun ay si manang ang nakita ko, ngumiti siya sakin bago tuluyang pumasok sa kwarto.

"Talagang aalis kana ba ija?''at umupo siya sa harap ko.

"Opo manang kailangan po kasi.''sabi ko at pinagpatuloy ang pagtutupi ko ng damit.

"May problema ba? Nag away ba kayo? ''Tanong ni manang habang tinatanggal sa bag ang mga damit ko,napa iwas naman ako ng tingin.



"W-wala po manang.''hndi makatingin na sagot ko.




"Alam mo ija, mula pagkabata ni Ezekiel ako na ang nag alaga sakanya. Saksi ako sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay, kung pano nagbago ang dating masiyahing Ezekiel sa malamig na Ezekiel ngayon. Sa ilang taon na ganun siya palagi hindi ko inaasahan na hndi pa pala huli ang lahat para bumalik siya sa dati. Nakikita ko na malapit ng bumalik ang Ezekiel na inalagaan ko noon at dahil yun sayo ija. Kaya sana wag ka muna umalis. ''Hinawakan ni manang ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya, nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya




''K-kaso manang w-wala naman na po akong karapatan na manatili pa rito, n-nasaktan ko po si Ezekiel. ''Nakatungong saad ko, ngayon ko lang kadi naisip ang mga pinaggagawa ko kanina.



Hndi dapat ako nagpadala sa nararamdaman ko, dapat ay kinausap ko siya ng maayos hndi yung iniwasan at pinagsalitaan ko siya ng kung ano ano.


Ang tanga tanga ko, hndi karapat dapat na magkagusto ang isang tulad ko kay Ezekiel. Totoo kaya ang mga nakita kong emosyon sakanya kanina? Totoo kayang nasaktan, nalungkot at nangungulila siya? Hndi maaari yun, malabong magkagusto siya sa isang tulad ko.




Napabuntong hininga naman ako ng dahil sa mga naisip ko.



''Bakit hndi mo siya kausapin? Ipaliwanag mo ang nararamdaman mo sakanya, itanong mo sakanya kung ano ang mga bumabagabag sayo
at ng magkaunawaan kayo.''nakangiting saad ni manang habang marahang pinisil ang kamay ko.





''P-pero manang b-baka hndi na niya ako gustong makita dahil sa inasta ko sakanya kanina.''malungkot na saad ko, nabatukan ko na siguro ang sarili ko kung wala lang rito si manang dahil sa kagagahan ko.



''Maniwala ka sakin ija, puntahan mo siya sigurado ako nandun siya sa hardin sa likuran ng mansiyon. Pag-usapan ninyo ang problema nyo hndi yung nagkikimkim kayo ng problema sa isat isa.''pagkatapos sabihin ni manang yun ay umalis na siya.



Kung alam mo lang manang, ako lang naman itong may problema eh. Walang problema kay Ezekiel ako lang naman itong tanga na bigla na lang nagsimula ng hndi pagkakaintindihan.




Napabuntong hininga ako bago tumayo at tumungo sa lugar na sinabi ni manang. Hndi na mahalaga kung galit siya sa akin o ayaw niya akong makita. Ang gusto ko lang ay masabi sakanya ang nararamdaman ko, kahit ano pa man ang kahihinatnan nito.




At isa pa hndi ko rin naman kayang umalis tlaga dito, inaamin ko na gusto kong makasama si Ezekiel ng mas matagal. Gusto kong nasa tabi niya lang ako, gusto kong lagi ko siyang nakikita. Hndi na mahalaga kung may iba na siyang minamahal, kahit ngayon lang gusto kong maging makasarili at sundin ang puso ko na nagsasabi na manatili sa tabi niya.





Namangha ako ng makarating ako sa hardin, napaka ganda dito. May iba't ibang klase ng bulaklak may mga puno din at may kubo sa gilid at malaking fountain sa gitna. Ang mga bulaklak ay nakapabilog sa fountain at nakahilera ang magkaka uring bulaklak na talaga namang nagpaganda rito.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magkaibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon