-----Mikaela-----
Nagising ako dahil nakardam ako ng gutom,agad kong inilibot ang tingin ko sa kwartong kinalalagyan ko.Malaki at ang ganda ng kwarto parang doble ang laki nito sa bahay nmin sa probinsya,tumayo agad ako at napansin ko ang bag ko na nasa tabi ng malaking kamang tinulugan ko,agad ko itong binuksan at kumuha ng tuwalya,maluwag na shirt,hanggang tuhod na short atsaka undies,naisipan ko kasing maligo dahil naiintitan at nalalagkitan na ako sa suot ko
Mayroong dalawang pinto ang kwarto nato, binuksan ko ang isang pinto at tumambad sakin ang 3 full length mirror atsaka mga closet at mayroon pang maliit na sofa,sa tingin ko ay ganito tlaga ang lalagyan ng mga damit ng mga mayayaman,lumabas na ako dun at sinunod ko nman ang huling pinto at yun na nga ang banyo wow ang laki din kahit na banyo lng may sariling bathtub at may shower pa,kahit nman na probinsyana ako ay alam ko ang tawag at kung paano gumamit nyan dahil namasukan na ako dati bilang katulong sa isang mayamang pamilya noon
Hinubad ko na ang lahat ng saplot ko at nagsimula ng maligo,ginamit ko narin ang sabon at shampoo na nandun at ng matapos ako ay nagbihis at lumabas na ako ng banyo.May nakita akong isang lamesa na may salamin sa harap at may maliit pang upuan,lumapit ako dun at nang Hiram ng suklay at sinuklay ang mahaba kong buhok,nang matapos ako ay ibinalik ko din ito lumabas na ng kwarto
Paglabas ko ng kwarto ay parang namamalikmata ako,dahil mayroong sobrang habang pasilyo tapos may mga pinto sa gilid may natanaw din akong isang mahaba at malaking hagdan sa gitna,hndi ko alam kung bababa ba ako dun o bumakik nlng sa kwartong tinulugan ko, akmang babalik na ako sa kwarto ng may matandang babae ang lumabas sa isang silid at may hawak na pang linis, nang makita nya ako ay nanlaki ang mga mata nya,siguro ay akala nya ay magnanakaw ako.Akmang bubuksan ko na ang pinto ng magsalita sya
"Salamat nman at gising kana iha,sumama ka sakin para makapag hapunan kana" sabi nya at lumapit sakin,wala na rin akong nagawa dahil nagugutom na tlaga ako
Bumaba kami sa malaking hagdan at parang nalulula ako dahil ang lawak sa baba may mga mahahabang pasilyo din ito at maraming malalaking paintings at manahaling gamit, inilibot ko ang paningin ko sa lugar habang naka sunod sa babae,isa lng ang masasabi ko sa mansyon na to kundi wow, pumasok kami sa isang malaking silid at sa tingin ko ay dito ang kusina nila dahil may mga kagamitan sa pagluluto.may tinawag ang babae na ilang kababaihan sa kusina at iniabot nya sa isang babae ang mga gamit sa paglilinis samantalang ang isa nman ay inutusan nyang ihanda ang pagkain.
"Sumunod ka sakin iha dahil dito ka kakain" sabi nya at magsimulang maglakad ulit,huminto kami sa isang silid na may mahabang lamesa at maraming upuan,sinabihan nya ako na umupo kaya umupo ako maya maya lng ay nagdatingan na ang ibang babae na may dalang ibat ibang pagkain,niligyan din nila ng plato at ibat ibang klaseng kutsara at tinidor sa gilid ng plato ko at may mga maliliit pang kutsilyo,
"Sige na iha kumain kana" sabi ng babae,agad nman akong kumuha ng kanin at adobong manok at inilagay sa plato ko kumaha nlng ako ako ng kahit anong kutsara at sumubo ng sumubo,huminto ako ng mapansin Kong nakatingin lng sila sakin
"Ahmm,manang hndi po ba kayo kakain?" Takang tanong ko dahil nakatingin lng sila sakin
"Tapos na kaming kumain iha,kumain kana lng ng madami" sabi nya kaya tumango nlng ako at nagtuloy sa pagkain,nang matapos ako ay uminom ako ng tubig at humarap Kay manang dahil may naalala ako
"Ahh manang nsan po si Ezekiel?" Tanong ko sakanya,ung ibang babae nman ay inimpis ang kinainan ko,ang sabi ko nga ay ako na pero ayaw nila
BINABASA MO ANG
Magkaibang Mundo
Romancedalawang tao ang nabubuhay sa magkaibang mundo.. ang isa ay mayaman,arogante,gwapo,bad boy at mapangmataas samantalang ang isa nman ay mahirap,maganda,masipag,at kayang gawin ang lahat para sa pamilya nya pano kung magkatagpo sila sa hndi inaasahang...